Paris POV
Mas maaga akong nagising kay Jade. Napangiti ako nung makita itong nakabuka ang bibig at may konting hilik. Hinalikan ko sya sa noo bago tumayo. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Naligo ako kagabi pero gusto kong maligo ulit dahil may nangyari samin ni Jade. May lakad kami ngayon kaya kailangan kong alisin ang amoy.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng malaking tshirt at underwear. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng almusal namin. Dahil malakas kumain si Jade ay nagsaing ako ng kanin. Iniwan ko muna ito at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang mga madudumi naming damit at iniligay sa liligyan ng mga maduduming damit. Tumingin ako kay Jade na natutulog pa rin.
Hindi ko alam kung may hangover pa ba sya pagkagising nya dahil nalasing sya kagabi pero nagawa nyang manatili hanggang alas tres ng umaga kaya baka hindi na sumakit ang ulo nya. But just in case ay kumuha ako ng gamot at tubig. Iniligay ko 'yon sa ibabaw ng drawer tsaka ako bumalik sa kusina.
Paluto na ang kanin kaya naman nagluto na ako ng uulamin ni Jade. Nagluto lang ako ng uulamin nyang itlog at spam. Nagluto ako ng pancakes para sakin pero sinobrahan ko dahil alam kong kakain si Jade. Naghiwa rin ako ng saging at naghugas ng mga strawberry.
"Morning." napalingon ako sa likuran. Nakita ko si Jade na hawak-hawak ang ulo. "Kape, babe please?" pagmamakaawa nya. Napailing ako at agad syang ginawan ng kape.
"Ininom mo ba yung gamot sa ibabaw ng drawer?" tanong ko. Hindi ko sya narinig sumagot kaya nilingon ko ito. Napakipit ang mga mata nyang nakasubsob sa lamesa. Lumapit ako sa kanya at nilapag sa harap nya ang kape.
"Ininom ko." umupo sya ng maayos at humigop ng kape.
Bumalik ako sa counter at kinuha ang mga niluto ko. Inihanda ko na lahat ng pagkain sa lamesa at naupo sa harapan nya. Tila nawala ng kaonti ang sakit ng ulo nya at magana na syang kumain.
"Alis tayo mga alas nueve. Cuddle muna tayo." napataas ang kilay ko at napailing na lang.
Kumain ako ng pancakes. Hindi ako kumakain ng rice sa almusal. Si Jade, panay kain ng kanin. Nakakadalawang sandok na sya ng kanin. Hindi mo talaga iisipin na malakas kumain si Jade sa sexy nyang katawan.
"Sarap!" sabi nya pagkaubos nya ng pancakes na hindi ko na naubos. Sya ang sumimot lahat ng pagkain. Masama raw na nagtitira ng pagkain kaya sinimot nya talaga lahat. "Maliligo lang ako." tumango ako sa kanya.
Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan. Nagulat ako nung may yumakap sa likuran ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Good morning kiss ko." sabi nya sabay takbo paalis. Ngiting napailing ako.
Pagkatapos kong maglinis ng kusina ay agad akong pumunta sa kwarto. Tapos na rin maligo si Jade at nagpapatuyo na lang ng buhok.
"Tumawag ako kanila Mama. Ngayon na kasi uwi nila galing bakasyon. Sabi ko rito na lang ako titira." napakunot ang noo ko pero masaya ako na naisip nyang tumira rito.
"Ano sabi nila?" kinuha ko ang blower at ako mismo nagpatuyo ng buhok nya.
"Pumayag sila. Matagal na raw nila akong gustong palayasin. Kainis ang mga 'yon. Nagkaroon lang sila ng bagong baby, tinatakwil na agad ako." himutok nya na.
"Hindi ka na kasi ang prinsesa nila." sabi ko. Nakwento sakin ni Tita Jo na kahit hindi nila naspo-spoiled si Jade dahil ayaw ni Jade ng ganon, sya pa rin ang pinakapaborito nilang anak dahil babae. Ang weird nga dahil last year ay dumedede pa rin ito pero yung gatas naman nya yung pang-adult. Nasa bote lang ito umiinom. Si Jade talaga ang pinaka-weird na nakilala ko.
YOU ARE READING
Mi Amore Series#2: My Hot President
RomanceAng mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon.