Chapter 14

24.8K 953 240
                                    




Jade's POV

"Ilang araw ko na napapansin ang saya mo." sabi ni Veron.

Kami pa lang ang nandito sa room dahil nagsi-lunch break ang mga kaklase namin kasama ang tatlo. Kami ni Veron ay kumain na kanina bago pumasok kaya hindi na kami lumabas.

"Paano mo nasabi?" napa-poker face sya pero nginisian ko lang sya.

"Iba yung saya mo nakaraan sa ngayon simula nung matapos ang bakasyon ninyo ni Paris sa rest house ninyo." sabi nya.

"Oh tapos?" napa-poker face na naman sya.

"Gago umayos ka ah! naging masaya ka lang lumala ang pagkagago mo." natawa ako sa sinabi nya. "Seryoso nga kasi!"

Nakitbitbalikat ako.

"Isusumbong kita kay Gia, nagtatago ka ng sekreto samin ah." panakot nya na ikatawa ko. "Saya mo 'no?"

"Yup!" sagot ko.

"Ewan ko sayo. Ang tino mong kausap." pagsusuko nya na ikangisi ko.

Limang araw na simula nung bakasyon namin ni Paris sa rest house namin. Hindi pa ako nagkwe-kwento sa kanila kung ano nangyari samin ni Paris pero nakwento ko sa kanila na maganda mag-relax sa rest house namin.

Isang bagay kaya ayokong sabihin sa kanila ang nangyari samin ni Paris doon ay dahil ayokong maniwala sa sasabihin nila na alam ko na kung ano. Ayokong maniwala kahit na nage-enjoy ako sa pinaggagawa ko. Simula nung maghalikan kami ni Paris, naulit pa uli 'yon. Hindi sya umaangal bagkus tumutugon agad sya sa mga halik ko kaya hindi lang dalawang o tatlo na beses kundi marami pa hanggang sa makauwi kami ng lunes. Ako pa lagi ang humahalik sa kanya dahil parang wala syang balak na halikan ako. Ayos lang dahil hinahalikan rin nya naman ako kapag nahalikan ko na sya.

At syempre kahit na nakauwi na kami, sa tuwing nagkikita kami at kaming dalawa lang ay nahahalikan ko pa rin sya. Kaya gumagawa ako ng paraan na makita sya araw-araw dahil feeling ko, hindi buo ang araw ko na hindi sya nakikita. Natutuwa kasi ako kapag nakikita ko rin ang inis sa mukha nya, madalas ko syang bwisitin kaysa sa halikan sya dahil madalas kami may kasama.

"Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" tanong ni Fin pagkarating nilang tatlo.

"Isang oras pa naman bago mag-P.E." sagot ni Veron. Tinatamad pa kami ni Veron magbihis kaya nga hindi kami sumama sa kanila kumain kanina.

"Nga pala samahan ninyo ako sa sabado maghanap ng pwesto para sa shop ko. Meron na akong supply ng computers at iba pa tapos tulungan ninyo akong maghanap ng tauhan." sabi ko.

Pinush talaga ni Mama na mag-business ako at katulad na sinuggest sakin ni Fin nung nakaraan ay computer shop ang gagawin kong business. Mas malaki ang shop ko kumpara sa mga shop dahil two hundred na PC ang kinuha ko at maghahanap pa lang ako ng pwesto na two storey. Meron na akong isa na nakita, maganda ang lugar pero nung nag-survey ako sa paligid ay wala masyadong naglalaro ng computer doon kaya naman maghahanap ulit ako kasama ang apat. Mas maganda kung may magsu-suggest sakin.

"Sa tapat nga." sabi ni Fin.

"Maliit 'yon, Fin. Hindi kasya ang two hundred na PC doon." sagot ko. Nung tinignan ko kasi ang bakanteng lote sa tapat ng school namin ay isang floor lang sya at hindi pa ganon kalaki. Hindi kakasya ang two hundred na PC.

"Wow ang dami naman ng PC mo, tinalo mo pa ang ibang magagandang computer shop." sabi ni kaliwa.

"Ganon talaga." ang laki ng budget kasi na binigay nila Mama sakin kasama pa si Kuya na nagbigay pa sakin ng pera kaya tinodo ko na ang mga kagamitan tapos yung pwesto naman, si lola ko pa ang magbabayad kaya naman marami rami talaga ang binili ko.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon