Chapter 7

18.5K 830 64
                                    




Jade's POV

"Ma naman!" reklamo ko habang sinusundan sya papunta sa library. "Ma!"

"Nako Jade tigilan mo ako ah! dalian mo at kunin mo na sa bahay ni Paris ang papeles." sabi nya at naupo sa swivel chair nya. "Kailangan ko ngayon 'yon."

"Bakit kasi ako pa? pwede ninyo naman ipadala na lang dito kay Paris o kaya utusan ninyo si Michael." maktol ko. Naman eh ayoko nga muna makita 'yon dahil nung nagbakasyon kami ay puro weird ang nangyayari samin. Napapadalas ang paglapit ng mukh namin. Alam ko naman na hindi sadya 'yon pero nakakailang kaya 'yon! lalo na hindi ko maiwasan hindi tumingin sa mga mata nya.

"Jade dalian mo! dami mong reklamo ah!" sabi nya habang busy sa mga papel na nasa table nya.

Padabog na lumabas ako ng library namin at sinabunutan ang buhok ko sa sobrang inis. Bakit kasi ako pa?!

Pinuntahan ko si Papa sa kwarto nila ni Mama para hiramin ang susi ng kotse nya. Ayoko kasing bumili ng kotse. Ang mahal. Ginagastusan ko pa ang bahay na pinapagawa ko. Ayoko naman umasa sa parents ko kaya tyaga tyaga muna sa commute kapag hindi nahahatiran ni Papa.

Napabuntong hininga ako habang nagdri-drive papunta sa bahay ni Paris. Bakit kasi hindi na lang dalhin ni Paris yung mga papeles ni Mama sa bahay edi sana hindi ko sya makikita. Hindi naman ako lalabas ng kwarto kapag nandiyan sya. Ayoko muna syang makita.

Bumaba ako sa sasakyan pagkarating ko sa tapat ng bahay nila Paris. Simple lang ang bahay nila Paris pero ang ganda ng pagkadesinyo ng bahay nila. Pumunta ako sa tapat ng gate at nag-doorbell.

Ilang segundo lang ay lumabas ang kasambahay nila.

"Yes po?" tanong nya.

"Nandiyan po ba si Paris?"

"Sino po sila?"

"Jade." nagpaalam ito na papasok lang saglit sa loob. Para siguro sabihin kay Paris na nandito ako.

Naghintay ako ng ilang minuto bago bumalik ang kasambahay nila at pinapasok ako. Pinaupo nya ako sa may sala nila. Napatingin naman ako sa kabuoan ng bahay nila. Napakasimple lang din ng loob nila pero modern style. Ang linis tignan.

"Juice po ma'am." napaangat ang tingin ko sa kasambahay nila.

"Salamat po." sabi ko at tinanggap ang basong juice sa kanya.

Uminom lang ako ng konti at iniligay sa coffee table na nasa harapan ko. Napatingin ako sa sapatos ko na natanggal ang sintas. Yumuko ako at tinali ng mabuti ang sintas. Habang tinatali ko ang sintas ay may mapuputing legs ang dumaan sa gilid ko. Nasunod ako ng tingin doon at hindi natuloy ang pagsintas.

"Pakipapirmahan ito kay Tita." nagulantang ako nung magsalita si Paris kaya naman umayos ako ng upo.

Umupo sya sa harapan ko at nag-cross legs. Pinilit ko naman wag mapatingin doon dahil nakamaikling shorts lang sya at litaw na litaw ang mapuputi at makinis nyang legs.

"Lahat 'yan?" napatanga ako nung makita ang makapal na puro papel.

"Paki-check ito kay Tita." at hindi nya ako pinansin. Bigay lang sya ng bigay ng instruction. Grabe ginawa akong messenger nito.

"Bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay?" putol ko sa sinasabi nya. Tinignan nya ako masungit dahil sa pagputol ko sa pagsasalita nya. Dami nya kasing sinasabi eh pwede naman na pumunta na lang sya sa bahay.

Tinignan nya lang ako at hindi man lang nagsalita. Naiilang na naman ako pero hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya. May part kasi sakin na nakakatuwa syang tignan habang ang sungit ng mukha nya.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon