Jade's POV
"Ma!" sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan ng private room ni Mama rito sa hospital. Napatingin sakin ang lahat ng tao sa loob.
"Wala na bang mas lalakas sa boses mo?" mataray na tanong ni Gia.
"Ang daming tao ah." hindi ko pinansin ang sinabi ni Gia. Kapag sinabi kong madami, as in sobrang dami. Nandito ang buong pamilya nila kaliwa, Fin, Gia at Veron. Walang naiwan talaga. Hindi na nakakapagtatakang malaking room ang kinuha nila Papa para rito.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Fin. Sasagot sana ako kaso napatigil din sya at binati ang taong nasa likuran ko na iniwan ko dahil kakamadaling pumunta rito.
"Siguro nabitin ka?" tanong ni Veron na may pilya sa labi.
"Hindi naman, tinapos ko naman bago pumunta rito." sagot ko. Hindi na kami pinansin ng mga matatanda dahil kinakausap nila si Mama tapos yung mga kapatid naman namin ay may kanya-kanya rin pinag-uusapan. Wala pa ang baby pati si Papa na siguro kinuha si baby.
"Hayop ka." natatawang sabi ni Fin.
"Grabe ka, kahapon lang umamin si Paris sayo tinake advantage mo na." sabi ni Gia.
"Huh? teka, baka hindi tayo nagkakaintindihan dito, yung tinutukoy ko yung pagkain ah? Kumakain kami ni Paris nung tumawag si Kuya." sabi ko.
Napa-facepalm naman si kaliwa at Veron.
"Wag na natin kausapin 'yan." sabi ni kaliwa. Naguluhan naman ako sa kanila.
"Bwiset kayo. Igaya ninyo ako kay Fin na bumibigay agad." sabi ko nung ma-realize ko kung ano ang tinutukoy ni Veron kanina.
"Gagu." sabi ni Fin.
"Fin." saway ni Tito Fred. Nag-sorry naman agad si Fin na bineletan naming apat.
Nilingon ko si Paris, hindi ko ito naasikaso dahil sa apat na ito at mabuti na lang ay kausap na nya si Nissan at ibang kapatid namin.
Napatingin kaming lahat sa pintuan dahil may kumatok. Dahil si Ate Venice ang malapit sa pintuan ay sya ang nagbukas nito. May dalawang nurse ang pumasok bitbit ang dalawang baby.
"Kambal?!" sigaw namin halos lahat.
Bigla naman kaming sinaway ng nurse na wag masyadong sumigaw. Mabuti na lang ay hindi umiyak yung dalawa.
"Wait, Jo, kambal?" tanong ni Tita Letti. Hindi sumagot si Mama at ngumiti lang.
Lumapit ang dalawang nurse at iniligay sa tabi ni Mama ang kambal. Agad naman akong lumapit para tignan ang dalawang baby.
"Hey, hey." tumingin kami sa pintuan at mas magulat pa dahil may bitbit pa na baby si Papa.
Hindi na kami makasigaw pero halata sa mukha namin ang gulat. No way! Triplet?
"Aww ang cu-cute nila. Anong gender nila?" tanong ni Tita Kelly. Oo nga, anong gender ng triplet? tama na kaya ang hula nila Papa na magkakababae na ulit sila?
"All girls." napanganga at napangiti rin kami sa tuwa. Hindi lang isang babae, tatlo pa sila.
"Ang swerte mo, Jo. Hindi lang isa, kundi tatlo pa. Palit tayo, sayo na lang si Hokkaido." sabi ni Tita Letti na nakanguso.
Si Hokkaido ang bunso ng pamilyang Kyo. Panibagong weird name na naman ang binigay nila sa anak nila at ang nickname naman na binigay naming apat kay Hokkaido ay hapon. Bukod kasi na may lahing hapon talaga ang pamilyang Kyo, nasa Japan ang Hokkaido. Kasama rin namin si hapon kahit na ilang buwan pa lang ito. Hawak-hawak ito ngayon ni Ate Yani.
BINABASA MO ANG
Mi Amore Series#2: My Hot President
RomanceAng mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon.