Kamalasan 37.

5.8K 129 15
  • Dedicated kay sa lahat ng patuloy ng nagbabasa nito
                                    

Kamalasan 37

Celebration

“Green? Red? Blue? Ah! Ano bang magandang gown dito?!” halos nababato ko na ‘yung mga gowns na isa-isang nilalabas sa akin. Bakit kasi kailangan pa naka gown? Eh mukhang mas maganda pa ko sa mga gown na ‘yan eh. Halos dinaig ko pa may debut ha!

“Eto pa po Maam.” sabi nung saleslady. Nagulat naman ako dun sa pinakitang gown. Mukha naman akong magbibirthday ng 7 years old dito. Yung tipong may malalaking cake at may princess na nasa ibabaw nung cake at may kasama pang clowns!

“Wala po ba kayong cocktails?” tanong ko. Nakakairita naman kasi. Bukas na ‘yung birthday ko pero eto ako, namimili pa din ng  damit. May venue kami sympre para bukas. Hindi sa bahay namin no! Baka kasi magkasya diba?

“Here po Maam. What do you want?” tanong sa akin nung saleslady. Napaisip naman ako. Ano bang mganda sa akin dito? Green, blue, violet, pink? Omg. Ang girlie masyado. P’wede bang magjeans nalang? Dapat simple celebration lang ‘yun eh! Hindi ko naman alam kung paano napunta sa ganito. Ang pinakamahirap na desisyon talaga ay ‘yung pagpili ng isusuot mo! Ako kasi, pagaalis ako o gagala, basta may damit, gora na!! Pero iba kasi ‘to. Gusto nilang maging special ang araw na ito para sa akin.

After 1000230923029320 years, nakapili na rin ako ng cocktail. Mas trip ko ‘yun kaysa naman sa gown na para kang sasagala. What the heck diba? Kung may mag gaganon siguro, malamang si Kiel ‘yun and not me. Yung tipong bababa ka ng hagdan, kailangan mo pa ng alipores sa likod mo para alalayan ‘yung mahaba mong gown at kapag walang humawak, malamang dire-diretso mukha mo sa sahig. At worst pa nun, dala dala mo lahat ng basura at kalat sa venue. Nakadikit lahat ng dumi sa dulo ng gown mo. Instant janitress ka pa. Oh diba? Bongga!

And speaking of Kiel, hindi niya na inimbita ‘yung mga leche niyang mga kaibigan dahil  kapag inimbita niya, malamang siya ang dehado! Malalaman nung mga ‘yun na kapatid ako ni Kiel at baka iwasan na siya. Malay ko nga kung bakit ang laki-laki ng problema nila sa akin eh mas obvious naman na mas maganda ako kay Kiel diba? At tska, shunga lang talaga ‘yung mga kaibigan ni Kiel. Halos alam nung lahat na magkapatid kami dahil parehas ng apelyido tapos sila nung narinig nila ng harapan eh akala mo mahihimatay. Over acting masyado eh. Akala mo naman kagandahan. Mukhang mga mop naman!

Umuwi na ako pagkatapos kong makabili ng cocktails. Ako lang mag-isa eh. Nakakatamad kayang magmalling kapag mag-isa ka lang. Letcheng Jas kasi  ‘yun. Di daw siya p’wede kasi daw may mga pinagagawa sa kanya ‘yung Mom niya! Subukan niya lang hindi pumunta bukas, malamang siya ang magkakanda leche leche sa akin.

Chineck ko ‘yung phone ko. Meron akong 19 messages so far. Ganun na ba ako kaganda? Inopen ko, more on GM’s and then ‘yung iba  naman nagaadvance greetings na sa akin lalo na ‘yung mga kacheerers ko. Of course, they’re all invited. Si Kuya Chris lang ang hindi sure na makakapunta.  Pero someone caught my attention. Eto na namang unknown number na ‘to.

Sender : +639213550456

Time : 6:45PM

I’ll be there tomorrow. Get ready.                                    

Bigla naman akong kinabahan nun. Wag nilang sabihin sa akin na may stalker na din ako? And speaking of stalker thing pala. Si Dylan! Ang aking new found bestfriend na stalker ng pinakasikat na Tricia Alcantara eh dadalo bukas para sa aking kaarawan. Hindi kaya siya ‘to?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon