Kamalasan 40
The Revenge
“Ethan. Hello!” bati ko rin naman sa kanya.
“Wala akong panahong makipagbwisita— Bigla nya akong inakbayan. Bakit napapadalas ang pag-akbay ng nilalang na ‘to sa akin?
“Bakit ka tumatawag sa akin kaninang umaga? 1AM tapos gising ka pa? Kamusta naman ang pizzababe ko? Ayos ka lang ba? Parang hindi na naman ako naniniwala sa sinabi ng maharot mong kapatid na nahulog ka. Di ka naman ganun kaengot diba?” ang dami niyang tanong. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.
“Kagigising ko lang nung 1AM na ‘yun Mr. Atienza. At sa tingin mo, papasok ba ako ngayon kung hindi ako okay? At kung ‘yan ang iniisip mo tungkol sa maharot kong kapatid eh tama ka! Mabuti naman pinagana mo ang utak mo. Hindi ako ganun kaengot para madulas dun. Sadyang tinisod nila ako kasi ayokong sumama at makipagusap sa kanila.” sabi ko habang nakaakbay si Ethan sa akin. Bigla naman siyang tumawa.
“Nakakaawa talga ‘yung kapatid mo, ano? Pathetic. Sa susunod, matulog ka ha? Mukha kang walang tulog. Napakapang—
“Bahala ka sa buhay mo!” bigla akong naglakad pero sumigaw naman ulit siya.
“Pinag-alala mo si Rex!” halos mapafreeze ako pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Humarap ulit ako sa kanya na parang gustong gusto ko pang marinig yung susunod na sasabihin niya. Pero bigla siyang tumawa.
“Joke lang.” at halos mabugbog ko siya pagkasabi niya nun! Letsugas. Kailan ba magsasabi ng matino ‘tong lalaking to? Puro joke joke joke! Akala ko totoo na eh! Nakakaewan naman ‘yun! Kikiligin na sana ako eh!
Dahil napagod na ko kakahabol at kakahanap kung saan nagsusuot ‘yung kutong lupa na ‘yun, napagisipan ko nalang na simulan na ‘yung mga binabalak ko sa mundo.
Naglakad-lakad na ako papunta sa locker ni Kiel kung saan binabalak kong gawin ‘yung mga plano ko. Ang nakakainis lang eh yung taong nagpromise sa akin na tutulungan niya ako eh hanggang ngayon, wala pa. Tumingin tingin ako sa paligid ko. Tamang-tama wala pang tao masyado. Siguro ‘yung iba nagkaklase na pero kami 7:30 am pa naman kaya maaga pa talaga ako.
Lumapit na ko sa may locker at tuknene yan! Tuknene. Bakit kasi ang malas ko? Nakalock ‘yung locker niya! Hindi ko naisip ‘yun! Pano na ‘tong bomba este palaka? Paano ko na mapapasok tong bombang palaka? Bukas na nga lang. Tuknene ‘yan oh. Mag-iintay nalang ako ng tamang tyempo. (kung meron man)
Papalayo na sana ako ng may nakita akong dalawang babaeng papunta sa locker ng demonyitang 3 ang sungay. Nagtago ako sa likod ng pinto ng isang classroom. Sumusulyap-sulyap ako sa may dalawang babae. Nakikita kong hawak nila ung susi ng locker ni Kiel at unti-unti nilang binubuksan ito. Bakit parang swineswerte ako ngayong araw na ito?
Kung kausapin ko kaya ‘yung babae? ( Edi kausapin mo, sino bang pumipilit sa’yo?)
Kung nakawin ko kaya sa kanila ung susi? (Nakawin!? Edi magmumukha kang masama niyan. Take note, hindi lang ikaw, pati ako! Konsensiya mo kaya ako. )
Kung hiramin ko kaya ung susi? (As if namng pahiramin ka. Feeling close ka girl? Sino ba namang magpapahiram sa isang famous na malas dito sa campus? Eh kung mawala pa ung susi sa’yo diba? Lapitin ka kaya ng kamalasan!)
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...