Kamalasan 38
Present
Inikot ko na ang buong Tropical Hotel pero hindi ko pa din alam kung nasan ang mga inimbita ko. Realtalk. Sabi ko Tropical Hotel. Saan kaya pumunta—
“Guard naman kasi eh! Magwawala talaga kami dito kapag hindi mo kami pinapasok! Nakakabadtrip na po kayo! Sayang ‘yung outfit namin ah!” Wait? Teka? Tama ba ‘yung mga naririnig ko?
“Eh wala naman ata kayong mga invitations eh.”
“Utut mo, Manong Guard! Invitation your face! Imbitado nga kami dito! Ikaw ba? Invited? Mamaya hindi! Ang feeler kasi!”
“Hindi mo nakikita? Madami kami.”
“Bakit ayaw mo kaming papasukin ha?”
“Magwawala kami dito!”
“Ikaw ba ‘yung may birthday?!”
“Ano guys?! Tatadyakan ko ko na ba?!”
“Pigilan niyo ko! Punyemas ‘tong guard na ‘to! Pabebe!”
“Kala mo kung sino pang gwapo!” Sinundan ko ‘yung mga naririnig kong boses. Nagulat naman ako pagpunta ko sa may Entrance. Nandun lahat sila. As in lahat. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakita ko o hindi. Halos bugbugin na nila ‘yung guard. At napakawar freak talaga nila pati ‘yung guard eh muntik ng patulan! Halos 7PM na kasi. Bakit pa sila nandito?!
“Erah! Huhu! Happy Birthday! Papasukin mo na kami! Gutom na gutom na talaga kami. ‘tong guard kasi! Saan niyo ba ‘to nakuha? Papatanggal ko ‘to sa trabaho niya eh!” sigaw nung isa kong kacheerer. Hindi ko maiwasang hindi matawa.
“Naririnig ko na ‘yung tunog ng t’yan ko eh! Tae!” sagot pa nung isa. Feeling ko magkakaroon na ng World War II dito sa sobrang ingay eh. Ang lalakas ng boses nila.
“Nasakit na ‘yung tyan ko! Natatae na ko dito ha!” sigaw pa nung isa pa naming kacheerer.
“Manong Guard. Papasukin niyo na po sila. Bakit ayaw niyo po silang papasukin? Ako po ang nagimbita sa kanila.” sabi ko dun sa Manong Guard.
“Sorry Maam. Wala po kasi silang invitations eh.” sabi nung guard habang napapakamot sa ulo.
“Naiwan nga po kasi namin! ‘Tong kalbo na guard na ito eh! Kanina pa kami nakikiFC sa’yo! Ayaw mo naman kaming pansinin!” sigaw ni Aiselle. Nakakabaliw sila! Tong mga kacheerers ko talaga. Ang lokong mga kasama eh!
“Sige na, pasok na kayo.” sabi ko sa kanila. Agad agad naman silang nagsiksikan sa entrance. Realtalk. Isa-isa lang. Hindi sila magkakasya kung magtutulakan sila.
“Aray ko naman! Sayang ‘yung cocktail ko okay? Sa lola ko pa yan!!” sabay nagtawanan kami sa sinabi ng isa naming kacheerer.
“Bleh! Nakapasok na din kami Kuya Kalbong Guard! Who ka talaga sa amin ngayon!” sigaw nung isang bakla naming kacheerer sabay nagbelat pa dun sa Manong Guard.
Agad-agad naman silang dumiretso sa lamesa at wala nang tanong tanong kung saan ba kukuha ng pagkain! Tumakbo na nga agad sila dun at nagunahan sa pila. Nakakatuwang panuorin eh! Ang saya ko lang kasi nakilala ko sila. Buti sumali ako sa cheering squad. Dahil dun nagkaroon ako ng mga baliw na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...