Kamalasan 51

4.2K 123 7
                                    

Kamalasan 51

Mommy & Daddy

“Ate Eraaah! Halika na! Samahan mo na ako sa garden! I’ll pick some flowers.” sabay hila sa akin ni Sha-sha. Grabe itong batang ‘to. Ang dami-daming pakulo sa buhay. Halos kakagising ko palang tapos binubulabog niya na agad ako. Eh anong oras na rin niya kaya ako pinatulog sa pangungulit niya sa akin kagabi? Kung makapag-utos at makapagtanong siya sa akin, daig pa si Boy Abunda eh. Sumasakit ‘yung ulo sa mga tsismis niya sa buhay. Lalo naman nung sinabi niya sa harap naming tatlo na gusto daw ako ni Rex. As in si Rex. Si Rex ng buhay ko!

“Sige na nga.” at tumayo na ako para samahan si Sha-sha sa garden. Pag siya talaga namilit, hindi mo na masasabi ang salitang ‘hindi.’

Sinamahan ko na nga si Sha-sha papunta nang garden pero shit lang. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sha-sha na nandito ‘yung Kuya Rex niya eh. Halos napahiya na nga ako sa kanya kahapon dahil sa sinabi ni Sha-sha at bigla akong namula nun. Pinagtawanan ako ni Ethan at ni Sha-sha nun. Pero si Rex, wala lang. Kumain nalang siya at parang walang narinig.

Kaya siguro hindi na rin ako maniniwala sa sinabi ni Sha-sha eh. Kahit pa sabihin nilang hindi nagsisinungaling ang bata. Tama na siguro. Wag nang mag-assume. Tama na. Obvious naman wala ata akong pag-asa.

“Ate Erah! Kuha lang po akong flowers dun ah!”  sabay sabi ni Sha-sha sa akin. Bgla akong napatingin sa lalaking gwapong nakatayo dun sa may gilid habang nagbabasa ng dyaryo. Oo, si Rex.

“Samahan na kita.” pang-aalok ko naman sa kanya.  Kaysa naman maiwan ako kasama ang isang monster na parang wala naman atang balak kausapin ako.

“No Ate. I can do it na. D’yan ka nalang..” sabay nginitian niya ako. Kala ko ba pinapunta niya ako dito para samahan ko siya? Tapos iiwan rin naman niya pala ako. Itong batang ‘to talaga oh. Gustong gusto niyang pagtripan kaming dalawa ng Kuya niya.

“Hindi—

“No ate. Nandiyan naman si Kuya. Usap nalang kayo..pleasee?” At dahil nagplease siya, no choice again. Wala na akong magawa kundi sundin siya. Sundin ang batang cute na nasa harapan ko. To tell you honestly, kahinaan ko talaga ang mga bata. Lalo na nga kapag cute na cute sila. Ang hirap humindi sa kanila.

Siguro, mga 5 mins na akong nakatayo dito pero hindi pa din niya ako kinakausap.  Wala naman siguro siyang balak kausapin ako. Gusto ko na ngang sumunod kay Sha-sha eh. Mukha na kasi akong langaw kakatayo dito. Bakit pa kasi iniwan-iwan pa ako ng batang ‘yun dito?

Maglalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita. Ayun, parang kusang bumalik ‘yung paa ko sa gilid niya. Parang nafreeze na ulit ako sa kinatatayuan ko.

“Have you eat your breakfast?” sabay baba niya dun sa newspaper na hawak niya. Hindi ko alam kung mapapngiti ba ako eh. Kung ano-ano na namang pag-aassume ‘yung pumapasok sa isipan ko. Kesyo baka concern siya sa akin o ano.

“Ah—eh.. Hindi pa eh. Sabi kasi ni Sha-sha, sabay daw kami.” sabi ko habang napapakamot ako sa ulo. After nun, parang wala na ulit ako. Mga ilang minuto ulit bago siya nagsalita.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz