Kamalasan 55
Forgiveness
“Mommy! Ano ‘tong papel na ito?” agad kong kinuha ‘yung papel na hawak niya. Bigla ko namang tiningnan ‘yung hawak ni Sha-sha.
“Ay wala ‘yan.” sagot ko kaagad. Yun ‘yung papel na sinusulatan ko ng mga bagay tungkol kay Rex. Isa pa nga lang nakasulat eh. Bigla akong napangiti. Ang daming nangyari kahapon. Ang dami kong p’wedeng masulat dito.
“Oh. But I saw daddy’s name.” ginulo ko lang ‘yung buhok ni Sha-sha at ngumiti sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa at tuloy-tuloy nang naglaro ng doll house niya sa gilid.
Pag-uwi namin kahapon ni Rex, medyo maggagabi na rin nun, nakahiga na si Sha-sha at sarap na sarap ‘yung tulog niya. Nagulat nga ako pagbukas ko nang kwartong tinutulugan ko, nandun siya eh. At yakap-yakap niya si Pingpong. Alam kong pagod siya nun kaya hindi ko nalang siya ginising pa.
Masaya naman kasama si Rex kahit hindi siya masyadong nagsasalita. Enjoy na enjoy lang siya sa paglalaro ng basketball at enjoy na enjoy rin akong tingnan siya. Kapag nakakashoot, edi okay. Ganon siya. Pero kapag pumapalya, kadalasan nangiti nalang siya. Kumain kaming dalawa. Yes, nilibre niya ako. Bigla ba naman kasing nagyaya na kumain pagkatapos niyang magbasketball. Ako pa? Hihindi pa ba ako? At kung ako naman manlilibre, kamusta naman ang bulsa ko? Lumayas lang ako. Kaya normal lang na wala akong kapera pera na malaki. Yung ipon ko na ang tanging dala ko.
“Mommy! Mommy! Look oh! Ang ganda ng gift sa akin ng mga bisita ko kahapon.” sabi niya habang pinapakita sa akin ‘yung mga set of barbies dun. Ngumiti lang naman ako sa kanya at nagsimulang magsulat sa papel. Sa sobrang daming nangyari kahapon parang hindi lang isa ang masusulat ko dito.
2. He’s caring. Hindi ko akalaing ganoon pala siyang tao. Napakasungit pero kapag lumabas ang attitude niya na ‘yan, paniguradong kikiligin ka talaga.
Bigla ring pumasok sa isipan ko ‘yung pagiging shooter niya kahapon. Ang galing niya at talagang hangang hanga ako. Pati nga puso ko parang magiging bola na din eh. Kaya nilagay ko sa number three. He’s a good basketball and heart shooter…
Natawa ako. Para naman akong baliw dito. Buti nga busy sa paglalaro si Sha-sha at hindi niya ako napapansin! Pero wait. There’s more. May naalala pa akong gustong gusto ko sa mga katangian niya. Sinulat ko naman sa pang number four, He’s a man with a good heart. Dahil kahit gaano niya kasungit at mean minsan, nandoon pa din ang kabutihang taglay niya. 1 more pero may lima pa para sa mga katangiang ayaw ko sa kanya. Mayroon ba? Wala akong maisip eh.
Bigla namang tumunog ‘yung phone ko. Agad ko tuloy natago ‘yung papel na hawak-hawak ko kanina.
Dylan is calling…
To answer or no—Pinindot ko nalang agad. Pinakinggan ko ‘yung boses ni Dylan.
“Erah.” sabi nya. Yung boses niya parang nag-aalala.
“Dylan. Napatawag ka?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam. Kakunstaba na rin ba siya nang tatay ko para malaman kung nasaan ako?
YOU ARE READING
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...