Kamalasan 41.

5.3K 130 8
                                    

Kamalasan 41 

Walang magbabago

  "Hoy! Anong ginagawa mo d’yan? Oras na ng klase nandito ka pa?!" nagulat ako sa sigaw ng guard. Tumingin ako sa likod. Hindi namn ata ako ‘yung pinagagalitan. Siguro ‘yung mga estudyanteng pagala gala at patambay tambay. Hindi naman ako siguro papagalitan n’yan, naglolocker ako eh. Baka gusto niyang  siya ipasok ko sa locker ni Kiel?!! Pero akala ko talaga ako ‘yun ha. Kinabahan ako. Buti nalang hindi ako ‘yun. Kasi sa school na ito, kapag naglolocker ka at oras ng klase, hindi ka sisitahin. Aakalain nilang, mabuti kang estudyante. Mabait ka. Wala ditong locker time, locker schedule o kung ano man.

Speaking of locker ni Kiel! Hawak ko na ang susi ng locker niya! Binigay sa akin nung dalawang kambal. Ang bait nga nila eh. Pinaubaya nila sa akin ang locker. Nag-aalala pa nga sila dahil baka daw malate ako pero nabalitaan ko kay Jas na wala pala ang teacher namin sa Math ngayon. Yung adviser naming palagi akong pinagiinitan. Si Ms. Soledaridad. Yung bitter sa akin.

Sinabi ko kasi dun sa dalawang kambal na ako na bahalang magsara nung locker ni Kiel. Nabalitaan ko din sa kanila na binubuksan ni Kiel ‘tong locker niya after lunch. At buti nalang rin nagmamadali ‘yung dalawang ‘yun dahil baka late sila. Ayan, napaubaya tuloy sa akin ‘yung pagsasara nung locker. Sabi ko ako nalang mag-aabot ng susi kay Kiel eh. Okay tutuloy ko na ang pagbubukas ng mahiwagang locker ng isang demonyitang maland--

"Eraaaaa! Sorr--sor--ry ..la--te-- a--k-

"Kailan ka ba naging maaga? Nako Dylan.Tantanan mo nga ako!"  Oo. Si Dylan nga ‘yung tumawag sa akin. Basta kapag usapang utal-utal matik na ‘yan. No other than Dylan Andrei Ocampo.

"Na--pagalitan nga ako ni Man--ong Guard eh..Palakad--la-kad kas-e a-ko...h--inahanap ka-asi k--iita----- eh.."  so siya pala ‘yung sinisigawan nung Manong Guard kanina ah.

"Ikaw pala ‘yun? Tsk. Engot mo. Tska, ayusin mo nga ‘yang pagsasalita mo. Parang pilipit na naman yang dila mo ah. Hilahin ko gusto mo?" tanong ko sa kanya. Bakit na naman nagkaganon ang dila nitong Dylan na ito?

"Eh kasi kapag kinakabahan ako, nauutal na naman ako eh." sagot niya sa akin. Ano ba namang klaseng dila ‘yan! Nako talaga! Kapag hindi talaga umayos ‘yan, mapipilitan akong hilahin ‘yan!

“Sigurado ka ba sa gagawin mo?” Hay ito na naman yang tanong na ‘yan! Sigurado na ako. Buong gabi ko na kaya itong pinag-isipan!

“Ano ba, Dylan. Kung ayaw mo akong tulungan, edi wag. Hindi kita pinipilit. Nakakainis naman kasi. Wala ka kasi sa sitwasyon ko, alam mo ‘yun? Hndi ko naman ‘to gagawin para lang makapaghiganti ako. Ang purpose ko, matuto ‘yung kapatid ko. Concern ako eh. Kaysa naman iba pa ang magpahamak sa kanya.” After kong sabihin nun nanahimik si Dylan. Wala na rin naman siyang masabi. Nalaman kong only child lang siya kaya pala wala siyang problema sa kapatid.

“Sige na. Umalis ka na kung ayaw mo. Ilalagay ko na ‘tong bomba na ilalagay ko.” Halos mapalaki ‘yung mata niya nung sinabi kong bomba ‘yung ilalagay ko.

“Ano? Bomba? Nagbibiro ka ba? Wag kang magbiro ng ganyan, Erah! Hindi nakakatuwa!” sabi niya. Eh bakit ba siya natatakot? Locker niya ba to? Dapat si Kiel ‘yung matakot eh!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now