Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

CHAPTER SIX

72.5K 2.3K 108
                                    

She was busy in the kitchen when Kenji showed up again. Ngiting-ngiti pa ito. He was only wearing jeans. Hindi na lamang niya pinansin.

"Hindi nabawasan ang laman ng account mo, ah," tudyo nito. Sumandal ito sa pintuan ng dining area. His mocking voice echoed around.

"Contrary to what you think, may pera po ako," saad niya rito. She was trying hard to be patient but his teasing sounded like an insult to her.

"Really?" he exclaimed with a mocking smile. Tiningnan siya nito ng mataman.

"Hindi mo yata suot ang necklace mo?" tanong nito pagkatapos. Her forehead creased. Ilang beses pa lang silang na nagkakaharap, alam na agad nito na may kuwintas siyang laging suot? O baka naman sinusundan nito ang bawat galaw niya kaya alam nito na isinanla niya ang kuwintas bago umuwi.

"That's none of your business," she said dismissing him. Tinalikuran niya ito at hinarap ang electric stove kahit na hindi naman kailangang bantayan ang isinalang niyang pressure cooker.

"Pagdating ng bill sa kuryente, makihati ka ha?" saad nito. She can't help but look back. He looked serious.

"Sure," tugon niya para hindi na humaba pa ang usapan. Talaga yatang sasairin siya nito kasama ng lahat ng pasensiya niya.

Kumunot ang noo niya nang bigla itong tumawa ng mahina.

"I was just kidding. I already paid it online," he told her. Tatawa-tawa itong tumalikod at tuluyan nang umalis. Nailing na lang siya. Hindi talaga niya masakyan ang trip ng binata. Parang may balak itong inisin siya hanggang sa magkusa siyang umalis ng bahay.

***

Hindi na niya muling nakita ang binata hanggang umaga. Inasikaso niya ang mga hiring requirements niya nang sumunod na araw dahil sa wakas ay natanggap rin siya. It was a small IT company that makes payroll, attendance, grading softwares for schools. Maliit lang ang opisina, apat ang IT sa kompanya at pang-lima siya. Pang-anim naman ang boss nila na main developer ng programs. Ang trabaho lang nila ay tulungan itong mag-install ng programs sa iba't-ibang paaralan, mag-run at mag-trouble shoot.

Mas maliit ang sahod niya kumpara sa dating pinagta-trabahuan pero sapat na para mamuhay ng matiwasay ang isang single na kagaya niya.

She was happy when she went home that night. Unang-una dahil mag-uumpisa na siya sa susunod na linggo. Pangalawa, walang Kenji ang nambubuska sa kanya pagdating ng bahay.

Pero namalas iyon kinabukasan nang mabungaran na naman ang binata na naka-cycling shorts lang at pawisan na naman.

"Hindi pa rin bawas ang bank account ha," bungad nito.

Tumatagaktak ang pawis sa abs nitong walo. Bilang na bilang na niya sa dalas niyang makita.

"Are you hacking my bank account? Bakit alam na alam mo ang laman?" nanghahamon niyang tanong.

Kenji looked at her amusedly.

"Baka pati yung land title, hacked rin," dagdag niya. Kenji smiled mockingly and smirked at her.

"We both know kung sino sa ating dalawa ang hacker," nang-uuyam nitong pahayag. Hindi siya nakasagot. That made her heart raced. Pinaimbestigahan talaga siya ng binata. Alam na alam nito ang lahat ng tungkol sa kanya.

"Will you tell me exactly kung ano ang alam mo tungkol sa akin?" matapang niyang tanong.

Kenji stared at her for a moment before his lips curved into a smirk.

"Well, everything," he answered. Napalunok siya at hindi agad nakapagsalita.

"Alam ko lang naman na blacklisted ka sa Bacolod dahil sa pangha-hack. That alone can be used in court," he stated matter-of-factly.

"You have a tarnished reputation. Puwede kong palabasin na hacked lang din ang lahat ng papeles na hawak mo para sa claims sa bahay na 'to." He stared at her seriously.

She was taken aback. That was a different story. Bakit naman iyon gagamitin laban sa kanya? That isn't fair.

"So if I were you, be nice para hindi ko 'yon ilabas sa korte. Baka tanggalin ka pa sa bago mong trabaho," saad nito bago tumalikod. It sounded like a warning.

***

She wasn't able to concentrate that day. Inis na inis siya sa lahat ng pang-iinsulto ng lalaki. So she made up a plan to tease him, too.

Sinadya niyang mag-over the counter withdrawal sa account niya. 'Yong butal lang na 91.56 ang inilabas niya. Nailing pa ang teller at inulit kung tama ba ang amount na ilalabas niya.

Dumaan siya ng divisoria at bumili ng tag-80 pesos na t-shirt at gift bag na saktong 11.50 ang presyo. Sinadya niyang hindi tanggalin ang price tag. Alam niyang magaling ang binata sa detalye, napansin nga nito ang kuwintas niya.

Nang makauwi ay inabangan niya ang binata. Sa third floor pala ito nagwo-workout.

"Kenji," tawag niya rito nang makitang naglalakad na papunta sa kuwarto nito.

Nakangiti naman itong humarap sa kanya. His upper body is dripping wet again with sweats.

Nilapitan niya ito. She could smell his soothing cologne scent mixed with sweat. Nakakalalaki talaga ang amoy nito. 'Yong amoy na hindi ka magsasawang singhutin buong maghapon kahit pawis na pawis.

Ilan na kayang babae ang nakaamoy rito?

"May problema ba?" tanong nito. She was awakened from her reverie. When she looked at him, he was grinning again.

"Hindi naman 'yan tungkol sa pera, 'no?" dagdag nito. Napakunot ang noo niya.

"Ang laki ng na-withdraw sa account mo kanina eh. 91.56 pesos," he added chuckling.

Itinago niya ang inis sa loob-loob niya. He's really monitoring her account. Kung puwede lang niyang ireklamo ang bangko pero wala naman siyang ebidensya at paniguradong hindi rin aaminin ng binata ang nalalaman tungkol sa account niya.

She inhaled deeply. Darating ang araw, malalaman niya rin ang ginagawa nitong kababalaghan.

"Puwedeng huwag mo na akong asarin?" aniya. Huminga siya ng malalim. She acted calm and composed kahit na bahagyang nagpupuyos ang damdamin niya.

"Ayoko naman talaga ng away. Can we just live in peace?" Iniabot niya ang regalong hawak.

Kenji stared at it for a moment. Mukhang nagulat pa ito.

"Ano 'yan bomba?" tanong nito. He looked skeptical. Ngumiti naman siya.

"Hindi ako tanga. Nasa iisang bahay lang tayo, ano sasabay ako sa pagsabog?" biro niya. Natawa rin ng mahina ang binata.

"Peace offering ko 'yan," dugtong niya. Kenji smiled sincerely. He later took the small gift bag.

"Sige," aniya at tumalikod na. She hid her smile. Agad siyang pumasok sa kuwartong inookupa niya.

She could even imagine his reaction the moment he sees the price tags.

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon