Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER SEVEN

78K 2.4K 257
                                    

Jade was lying in bed for minutes when she heard loud knocks on the door.

"Bakit?" kunot-noo niyang tanong nang mapagbuksan si Kenji na seryoso ang mukha. Hindi pa rin ito nakakapagdamit.

He took her hand and put something in her palm. His lips were pursed. Pagtingin niya sa palad, may 50-peso, dalawang 20-peso bills, one peso coin at dalawang 25 cents.

She pursed her lips to control her smile upon realizing how much the money was.

"Bayad sa binigay mo, nakakahiya naman sa 'yo. Tipid na tipid ka na sa pera," he said sarcastically.

Napabunghalit siya ng tawa. He looked so pissed.

"How cheap?" he muttered. Sa halip na mainsulto sa pahayag nito ay lalo pa siyang natawa.

"Pasalamat ka nga binigyan pa kita kahit wala na akong pera. Nasasayangan ka kasi yata sa pera mo kaya di ka makabili ng t-shirt," nang-aasar niyang wika.

"Hindi ako nagsusuot ng mumurahing shirt," he stated.

"Sus, mahangin ka talaga! Kunwari pa! Wala ka lang talagang pambili kaya 'di ka nagsusuot," kantiyaw niya rito. Her chuckles filled the hallway.

Kunot naman ang noo ng binatang nakatitig sa kanya.

"Isuot mo 'yon ha. Sayang 'tong pinambili mo," aniya bago isinara ang pinto.

Napangisi siya. Nakabawi rin siya kahit kaunti sa lahat ng pambubuska nito.

***

Balak hanapin ni Jade ang dokumento sa mga gamit ng tiyuhin pero inuna muna niyang maglinis ng bahay pagkatapos niyang mag-agahan. Aantayin lang muna niyang umalis ang binata bago maghanap ng mga ebidensya na maaaring gamitin para sa kaso.

She was busy mopping the floor when a set of feet stood infront of her. Nakatungo kasi siya kaya hindi niya nakita na may papalapit. Kataka-takang hindi na naman niya narinig ang mga yabag nito. Minsan nahihiwagaan na siya sa lalaki. Hindi kaya multo lang ito? Charot.

The man was wearing black leather shoes. Mukhang mamahalin. She knew it was Kenji. Naka-black slacks din ito. She slowly moved her gaze upwards. Nakapamulsa ang mga kamay nito. He was standing a few feet away from her, just enough to see his whole body. He was wearing a tuxedo.

Napalunok siya. She must admit, bagay na bagay ang red neck tie nito. His tuxedo fits well in his broad chest. Halatang machong-macho ang katwan sa loob niyon. She could even imagine his body. Sa dalas ba naman niyang makita, kabisado na yata niya.

She gazed at his face. He was newly shaved. She noticed how his hawk nose matched his almost square jaw plus his blue eyes look so handsome.

"Close your mouth, Chimera," Kenji uttered. He mispronounced her name again. His lips curved into a smile.

Did she really gape at him?

"Cai-me-ruh," pagtatama niya para mapagtakpan ang pagkapahiya. Tumawa ito ng mahina. He raised his hand to dismiss what she said.

"Now, you see? I know how to dress up well," mayabang nitong saad bago siya tinalikuran at tinungo ang pinto.

"Wow ha? Ang hangin mo naman," hindi niya napigilang sigaw rito. Kenji only laughed and went off.

Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Why does he look so good in that tuxedo?

She held her chest the moment the door closed and dismissed the idea.

***

Jade had the house by herself the whole weekend. Hindi na kasi nagpakita pa si Kenji matapos itong umalis na naka-tuxedo.

Hindi kaya nabaliw na 'yon at nawala? Hindi naman kasi sanay magdamit, bakit ba ito nagsuot ng ganoon?

She scolded herself for that thought. Bakit ba niya pino-problema ang lalaking 'yon? She should be happy he hasn't been around.

She fixed her things and locked the house. It was her first day at work. Dapat iyon ang pagtuunan niya ng pansin.

She was walking her way to the gate of the village when she saw Kenji's car approaching. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang sumikdo ang puso niya. She inhaled deeply. Maybe she's just nervous he'd bully her again.

Hindi niya pinansin ang kotse at nakatuon lang ang pansin sa dinaraanan hanggang sa naramdaman niyang huminto ito sa tapat niya.

"Hey, Chimera!"

She pursed her lips as she thought about whether to stop or continue walking. She chose the first option.

"First day at work?" he said loud enough. It was more of a statement rather than a question. Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito na unang araw niya sa trabaho. Monitored yata nito ang lahat ng galaw niya. It was weird. That should be creepy but she can't feel any discomfort.

"Good luck!" Nakangiti ang binata habang nakadungaw sa bintana ng kotse. It was a two-seater sports car. 'Yong sasakyang madamot, ayaw magpasakay ng marami. Sana ginawa na lang nitong one-seater, mas bagay sa personalidad nito.

Tinanguan niya ang binata.

"Sige, alis na ako," kaswal niyang saad saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala naman siyang narinig na tugon mula rito.

Nakailang hakbang na siya bago narinig ang muling pag-andar ng sasakyan nito.

Nagulat pa siya nang tumapat ang kotse sa kaniya. Nag-u-turn pala ito.

"Chimera," muli nitong tawag. Mali na naman ang pagbigkas nito ng pangalan niya pero hindi na niya pinansin parang kanina lang. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nagulumihan siya nang sumabay ang takbo ng kotse sa paglalakad niya pero nagpatuloy pa rin siya.

"Chimera," ulit nito nang hindi siya huminto. She momentarily closed her eyes and stopped walking. Tumigil din ang takbo ng sasakyan nito.

"Mas sanay ako sa tawag na Jade," saad niya rito. Tumawa lang ng mahina ang binata pagkarinig sa sinabi niya.

"Hatid na kita para hindi ka ma-late," suhestiyon nito at hindi pinasin ang sinabi niya.

Saglit siyang natigilan pero maya maya'y umiling rin. Kenji was surprisingly nice. Baka may binabalak itong kalokohan. She doesn't want to spoil her day.

"Okay lang, maaga pa naman sakto lang kapag nag-commute ako," tanggi niya. Ngumiti ng tipid ang binata.

"Haggard ka na, pagdating sa office niyan," komento nito.

"Okay lang, sanay na ako. Umuwi ka na," sagot na lamang niya. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Baka mamaya, inaasar lang pala siya ng binata. Baka dalhin siya sa kung saan-saan, mas lalo siyang mali-late.

Binilisan niya ang lakad hanggang sa makarating sa gate ng Village. Hindi naman sumunod pa ang binata.

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon