Mr. Wintermelon.

11.5K 339 60
                                    

HOY GIRLINLOVE. HAHAHAHA. MAHAL KITA KAYA ETO NA. SORRY NAMAN KUNG BITIN PA DIN 'TO HA?! HAHAHAHAHAHAHAHAHAH

MISS NA KITA GURL! :*

READ. COMMENT. VOTE. LIKE. :)

xoxo,

MIRA-LABS ♥

____________________________________________________________________________


HIS POV.

“Nakaupo siya sa isang madilim na sulok. Ewan ko ba kung bakit sa libulibong babaeng nandoon. Wala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sayo. Gusto ko sanang marinig ang tinig mo. Umasa na rin na sana’y mahawakan ko ang palad mo. Gusto ko sanang lumapit kung di lang sa lalaking kayakap mo. (Oooh.)”


At tapos na ang set namin.


Natapos ang pagkanta ko na nakatingin lang ako sa kanya. At kahit isang sulyap hindi niya ako nabigyan.


“Tita Mae, anong oras po kami bukas?” Tanong ko sa babaeng nasa kahera. Si Tita Mae kasi ung may ari nito. Wala kasi ung kahera ngayon kaya siya muna ang tumao.


“Mga 6pm. Nandito pala kanina ung Ms. Wintermelon mo. Buti at naalala ni Teresa na idikit ung note mo.” Tapos ngumiti siya sa akin.

 


“Salamat po Tita. Sige, una na po kami.” Paalam ko naman sa kanila. Buti nalang nabigay ni Ate Teresa yung note kay Ms. Wintermelon.


Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya kaya yung drink niya muna ang code name ko sa kanya. Hindi ko naman matanong kina Tita Mae at Teresa kasi nga natugtog ako at nawawala na sa isip ko kapag natatapos na kami magperform. Naalala ko nalang kapag naalis na kami sa Prosperitea.


“Renz, una na kami! Text mo nalang kami bukas!” Paalam sa akin nina Kito. Ako kasi ang una nilang hinatid since ako ang pinakamalapit at para na din ligtas ako sa pagpapagas ni Jeffrey.


“Sige Pare. Ingat kayo.” Paalam ko na din sa kanila.


Pagkapasok ko ng bahay agad akong nagmano kina Mommy at Daddy. At dumiretso na ako sa kwarto ko. Nakakapagod kayang kumanta magdamag. Buti nalang mejo malaki ang bayad sa amin kaya nakakatagal kami.

Wintermelon || COMPLETEWhere stories live. Discover now