Chapter 8: Mr. 77 Pink Roses

5.7K 130 46
                                    

Salamat sa magandang last chapter Jade // Girlinlove! :)

Chapter 8: Mr. 77 Pink Roses


DEFINE STRESS, HAGGARD, WASTED, LAHAT NA!


Grabe, porke’t ako ang pinakamatagal nang member ng Junior sa org namin ako talaga ang uutusan ng lahat?! Pati Sophomore ako uutusan?! Eh diba dapat sila ang utusan ko?! Maloloka ako dito sa org na 'to!


Napilitan pa tuloy akong magload at magunli dahil sa kanila! Ako naging messenger!


May thesis pa akong nirerevise! Ang hassle kasi ng prof ko, lahat ata ng topic na binibigay namin, ayaw niya! Tapos ung tinext namin sa kanya, yun pa ang naapprove. Kaya ayan, kayod tuloy kami ng partner ko na gumawa ng first three chapters~


Nang matapos ko ang org duties, binuksan ko na ang laptop ko at binuksan ang Wattpad. Kailangan ko munang mastress free at ito lang ang paraan!


Grabe, nakakatuwa talaga kapag nakakabasa ako ng comments ng mga readers ko na natutuwa sila sa latest update or sa story. Overwhelming sa feeling!


Lalo na ngayon at tapos na ang “Three Words, Eight Letters, If I Say It, Will I Be Yours?”. Ngayon pa nga lang eh namimiss ko na ang story na ginawa ko. Pa'no pa kaya kapag napost ko na ang Epilogue, eh di talagang wala na?! Pero atleast, madami akong nainspire na tao diba? :)


Nagulat nalang ako nang pumasok si Jiara ng condo ko. May key card kasi siya dito kaya di na yan nagdodoorbell.


Nang makita ko siya, napangiti ako. Pa’no ba naman, may hawak na pink rose. May boyfriend na naman siguro 'to. O di kaya manliligaw.

 


“Oh, who’s the lucky guy this time?” Tanong ko sa kanya nang makalapit na sa akin. Umupo siya sa bean bag at nilapag ung pink rose sa table.


“Anong lucky guy? Nakita ko yan sa labas, nakatapat sa pintuan mo.” Jiara said.


Napatingin naman ako sa kanya. Impossible namang akin yan noh.

 


“Baka wrong door lang yan.” Sagot ko sa kanya.

Wintermelon || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon