Chapter 4: Mr. ChocTea the Second!

6.9K 146 30
                                    

Chapter 4:

Dumating ang sem break namin, kaso di ko naman nafeel! Two weeks! Grabe lang.

Yung friend pala ni Jerome na si Kito na magtuturo sa akin ng ComAlg ay classmate ko pala sa Accntng. What a small world!

Kaya sabi niya sa akin tuwing break nalang daw niya ako tuturuan since pareho ang naging sched namin sa second term.

Second term started. Lahat ng subjects pinasukan ko first week palang. Meron na din akong naging mga friends. Luckily, kaklase ko din sa Accntng yung naging friend ko sa una kong course na si Mau.

“Uy Jade buti nalang sabay tayo sa Accntng.” Bati sa akin ni Mau nung umupo siya sa tabi ko.

“Oo nga eh. Dyahe lang kasi mag ComAlg pa ako na kasabay nito.” Sagot ko naman sa kanya.

Hindi na ako nasagot ni Mau kasi biglang pumasok ang prof ko sabay ang pagtunog ng bell.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay may grupo ng mga lalaki na biglang pumasok sa klase.

“You’re group is late again Mr. Que. I don’t see any changes from you! Better improve that tardiness habit of yours or else we will meet again next tern. All of you, take your seat!” Paangil na sabi ni Sir.

Di ko naman nakita kung sinu-sino sila. Si Jerome at ung friend niya lang na si Kito ang napansin ko. Sila lang naman kilala ko eh. At malas ko naman at kakase ko pala ang Panget na ‘to.

Nagpatuloy ang prof sa pagdidiscuss niya. Kami naman ni Mau, kopya lang ng kopya. Importante ang notes sa amin dahil di kami ganun katalino kapag may usapang Math na.

Biglang nagbell at dinismiss na kami ng prof namin.

Nagayos na ako ng gamit at hinintay na matapos si Mau. Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin.

“Panget, may class ka pa?” Tanong sa akin ni Jerome.

“Don’t call me Panget ‘cause I’m not. At tanggalin mo nga yang braso mo. Nakakairita eh.” Sabi ko at agad naman niyang tinanggal ang brasong nakapatong sa balikat ko.

Wintermelon || COMPLETEWhere stories live. Discover now