Chapter 4

538 9 0
                                    

Welsed's POV

To Mrs. Wilson:

Hi! Good afternoon! Kumain ka na? Huwag kang papagutom! 😍😍 mamahalin pa kita mamaya hanggang bukas hanggang sasusunod na bukas hanggang maabot natin ang dulo ng forever.

Sent. 11:56 a.m.

Inilapag ko muna ang phone ko at nagsimula nang magtrabaho ulit.

Maya-maya ay nagbeep ang phone ko at laking tuwa ko nang malaman kong si Jisha 'yon.

From Mrs. Wilson:

Kumain na ako. Ikaw? Huwag ding papagutom, bestfriend.

Nanlaki ang mga ko sa text niya. Concern siya! Pero kasi may bestfriend sa dulo kaya concern siya dahil bestfriend niya ako.

Napasimangot ako.

Grabe, hanggang ngayon ay bestfriend pa rin tingin niya sa akin? Hindi ba pwedeng lumevel-up into suitor naman? Nastuck talaga?

To Mrs. Wilson:

Ang sakit ah? Bestfriend talaga? Dejoke lang. Huwag ka ng magalit Miss Beautiful. Kumain na 'ko. No need to worry! 😘😃

Sent. 12:01 p.m.

Inilapag ko na ang phone ko at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.

Maya-maya ay may nagtext nanaman sa akin kaya naeexcite ko itong binasa pero nalaglag 'yong excitement ko dahil hindi Jisha ko ang nagtext.

From Cam:

Bro! Sama ka na mamaya! Sasama si Jisha!

Naibaba ko ang sandok na hawak hawak ko at nanlalaking nakatingin sa phone ko.

Totoo ba 'to? Pupunta si Jisha? Ba't 'di niya sinabi sa akin?

Shutek, kailangan kong magpagwapo!

Dali-dali kong tinext si Jisha,

To Mrs. Wilson:

Jisha bebe ko! Pupunta ka sa party mamaya na sinasabi ni Cam? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Katampo ka naman. Dejoke. I love you!

Sent. 12:07 p.m.

Naghantay ako ng ilang minuto pero hindi na siya nagtext kaya napapikit ako.

Okay, dapat hindi na ako nag-I Love You sa kaniya. Paniguradong naiinis nanaman 'yon.

Bakit kasi ang tigas ng ulo mo Welsed?

Tinext ko si Cam,

To Cam:

Sinabi niya ba sayo Cam? Loko, umaasa ako. Tinext ko siya pero hindi nagreply. Huwag mo akong goodtimingin. Masasapak kita.

Sent 12:15 p.m.

Naalimpungatan ako ng may maamoy ako.

Halos lahat na ng klase ng mura ay nasabi ko na ng makitang medyo na over cooked na 'yong niluluto ko.

Dali-dali ko 'tong inayos. Takte, paano 'to?!

Dapat talaga hindi ako nagcecellphone kapag magluluto ako eh.

Gwapo mo kasi Welsed eh. Ayan tuloy...




Marielle's POV

"So sinasabi mong magset ako ng date para sa aming dalawa?"

Tamad ko siyang tiningnan.

Hindi ko alam na ang isang katulad niyang pinagpala ng gwapong mukha ay ganito kaslow.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon