Chapter 51

285 8 0
                                    

WELSED'S POV

Maaga akong nagising kaya napagdedisyunan kong magjogging sa labas. Naligo muna ako't nagbihis bago ako lumabas ng kwarto ko.

Parang hindi pa rin ako makapaniwala na mahal pa rin ako ni Marielle. Parang kailan lang e dinedeny niya na mahal niya ako. Ako naman e naniwala agad tapos mahal pala niya ako. Hindi ko alam kung kikiligin na ba ako o pauulanan siya ng halik.

Bago ako magjogging ay tinungo ko muna ang kwarto ni Marielle. Wala lang, gusto ko lang siyang tingnan. Ngayon ang first time na makikita ko siyang natutulog sa umaga e. Sayang ang pagkakataon.

Dito kasi siya natulog kagabi. Ayaw pa niya nung umpisa pero dahil alam kong napakagwapo kong nilalang ay hindi niya ako mahindian.

Nadatnan ko siyang nakadapa sa malaki niyang kama. Hulog ang dalawang unan at hindi pa maayos ang pagkakatalukbong sa kaniya ng kumot. Napangisi ako.

Grabe talaga 'to. Kaliit liit na tao pero kung makagulong sa malaking kama e daig pa ako. Paano na lang kaya kung kasal na kami?

Isa-isa kong pinulot ang mga unan sa sahig. Inayos ko rin ang posisyon niya at kumot niya pero ang babae ay hindi pa rin magising-gising.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. May laway pa sa gilid ng labi kaya pinicturan ko siya at ginawa ko 'yong wallpaper ko. Nakangisi ko 'yong pinagmamasdan dahil ang gulo-gulo pa ng buhok niya nun.

Naitago ko kaagad ang phone ko nang bigla siyang gumalaw. Dahil malapit ako sa kaniya ay ako ang nayakap niya. Ikinawit niya ang kamay niya sa leeg ko at hinila patagilid.

"Oh fudge," bulalas ko nang mapahiga niya ako. I was caught off guard. Hindi kaagad ako nakabwelo kaya nahila niya ako kaagad.

Ang liit liit naman pero ang lakas lakas. Nagulat pa ako nang tandayan niya pa ako ng hita niya. Napapikit ako nang mapansing nakashorts lang siya. Jersey ko 'yon kasi wala naman siyang damit dito. Sa susunod nga e bibili ako ng mga damit niya para kahit dito siya matulog e walang magiging problema.

Kung pwede jogging pants lahat o pajama. Tapos jacket na lampas kamay niya. Safe from myself and others. Nakakatempt kasi 'tong babaeng 'to.

Napasinghap ako nang tumunog ang phone ko. Mabilis ko 'yong kinuha at dinecline habang ang paningin ay kay Marielle na hindi pa rin gising.

Shutek salamat naman. Mabuti na lang at tulog mantika siya. Nahilik pa.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko tinanggal isa-isa ang katawan niyang nakasandal sa akin. Lumabas na ako ng kwarto niya nang magring ulit ang phone ko. Iritado ko 'tong tiningnan.

"Good morning dad, what's up?" Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang magjogging.

"Good morning son. May I ask you about Lily? She's here..."

Napahinto ako sa pagtakbo nang sabihin 'yon ni dad.

"Ano nanaman? Pinagpipilitan nanaman niya na anak ko 'yang nasa sinapupunan niya? Look dad no, hindi ko anak 'yan trust me..."

"Really son? Baka naman wala ka lang maalala?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean dad?"

"Baka naman lasing ka tapos may nangyari pala sa inyo pero wala ka lang maalala?"

"If that happens, hindi siya aalis sa tabi ko pagkagising ko. Really dad? You are doubting me. Walang nangyari sa amin. I'm so sure about it."

"Just saying. She gave me a photo of you and her. You, naked, and her with a blanket all over her body. Tingin mo anong iisipin ko, son?"

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon