Marielle's POV
"'Umayos ka nga! Para kang timang jan. 'Yong tinuro ko sa'yo ah? Huwag mong kalilimutan! Iiwanan talaga kita rito..."
Napanguso ako sa bulong ni Bernard sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang mamahaling restaurant dahil dito namin imemeet 'yong kaibigan ni Bernard.
"Hindi kasi ako sanay sa ganitong damit..." Sabi ko sabay hila pababa ng isang tight sleeveless dress na kulay maroon na hanggang kalahati ng hita ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Bernard. "Bakit? Bagay mo naman ah? Laki pa ng hita mo kaya 'wag kang nega jan..."
Sumimangot ako sa kaniyang sinabi. Langya 'to, mageencourage na nga lang 'yong pinakamanyak pa na paraan.
"Kainis ka, mahahampas talaga kita ng sapatos ko.."
Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig dahil kabadong kabado talaga ako. Ilang araw din akong tinuruan ni Bernard na magtakong, rumampa, at magmake-up at ang mga araw na 'yon ang pinakaworst sa buong buhay ko.
"Basta tandaan mo lagi, always chin up! Smile and relax kapag nan–oh ayan na pala siya!" Tumaas siya ng kamay at tumingin sa likuran ko kaya tumingin din ako.
Halos mapanganga ako sa isang babaeng papalapit sa amin na may apat na body guards. Nakasuot ng crop top na black, jagger na pang-ibaba at isang Louis Vuitton black purse. Para siyang diyosa na bumaba mula sa Mt. Olympus sa kagandahan niya. Wow...
"MJ!" Sigaw ni Bernard gamit ang isang baritonong boses.
Napalingon sa amin ang babae at ngumiti saka kumaway.
"Bernard!" Lumapit siya sa amin at nakipagyakapan kay Bernard. Tumayo naman ako bilang pagpugay.
"Hey! How are you? Is this the girl you're talking to?" Tanong niya sabay tingin sa akin.
Naglahad siya ng kamay at ngumiti. "Hi, I'm Marijoyce Jhuven. You?"
Ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay niya. Shems, ang lambot...
"Hello po, Marielle Gabay po.."
Lumawak ang ngiti niya. "Oh Marielle, nice to meet you! I'm having a vibe that we'll work good together..."
Nahihiya akong ngumiti at tumango. "Thank you po."
Sabay-sabay kaming umupo. Nagtaas si Bernard ng kamay para magtawag ng waiter habang tinitingnan naman ako ni Marijoyce. Naiilang tuloy ako.
Shems! Nakalimutan kong nakamaiksing dress ako. Hindi kaya nagmumukha akong malandi rito?
"So how is she? She's good right?" Si Bernard. Nilingon siya ni Marijoyce at ngumiti.
"Actually, I'm thinking about where should I put her? Since she had a good pair of thighs, I think she's good in undergarments section?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung Marijoyce. Under-ANO?!
"P-po?" Magulat-gulat kong tanong.
"Yes, Undergarments for teens..." Nakangisi niyang sagot.
Mahinang natawa si Bernard at palihim akong sinipa sa ilalim ng lamesa kaya napalingon ako sa kaniya ng nakanganga. Natawa naman si Marijoyce sa reaksyon ko.
Hindi ko alam kung iniinsulto ba ng babaeng 'to ang height ko o ano.
"Actually, she's very conservative when it comes to her skin so maybe... You can do something about it, right?"
"Oh actually yes, I'm just suggesting. Well since she's petite, I can put her to the teen section. It's all dresses don't worry..." Aniya.
Napahinga ako ng maluwag. Shemay muntik na ako roon.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...