Chapter 32

266 5 0
                                    

Marielle's POV

"Nay... Dahan dahan lang po..."

Inalalayan ko si nanay na pumasok sa aming bahay. Ganoon din si Gabriel habang si Welsed naman ay ang siyang nagdala ng mga gamit namin.

Ngayong umaga kami pinayagan ng doctor na makauwi para raw hindi mahamugan si nanay. Pumayag naman ako at itong si Welsed, ang kulit ng lahi kaya kasama ko siyang nagpuyat kagabi kakabantay kay nanay.

"Anak, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan ka ba galing at bakit kay gara ng damit mo?"

Pinaupo ko si mama sa kahoy naming upuan dito sa maliit naming sala. Tinulungan naman ni Gabriel si Welsed sa pag-ayos ng mga gamit kaya ako ang natira sa sala.

Umupo ako sa harapan ni nanay at hinawakan ang kamay niya. Nakatingin siya kay Welsed na para bang masyadong foreigner si Welsed sa paningin niya. Napangiwi ako.

"Sabihin na lang natin nay na nakahanap ako ng raket. Gutom na kayo? Gusto niyo na bang kumain?" Tanong ko habang inaayos ang paa niya sa kama.

"Sige anak..."

Nang maayos ko nang maihiga si nanay ay pumunta ako sa kusina. Bumungad sa akin ang naka-apron na si Welsed.

Busy'ng busy siya sa paghuhugas ng mga rekado na gagamitin niya. Nakawell-chopped na ang ibang karne at naka-arrange na ang mga pampalasa sa lamesa.

"Ang swerte ko naman, nagkaroon ako ng kaibigan na chef. Parang naging five-star restaurant ang kusina ko..." Natatawa kong sabi.

Napalingon siya sa akin habang nakangisi. "Plus the fact na sobrang gwapo ng chef mo, talagang matatakam ka."

Natalisod ako sa paglalakad ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at napahawak ako sa aparador namin dito.

"Marielle!"

Napatayo ako nang maayos nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Agad niya naman itong binawi nang mapansin niya ang pagkabigla ko.

"Uhm..."

Para akong nakuryente sa hawak niya. Mariin kong itinikom ang bibig ko.

"S-si Gabriel? Ba't wala dito?" Sabi ko sabay lingon sa buong paligid.

Changing topic is the best option when you're in an alanganin situation!

Takte naman. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Diba sabi ko ayaw ko muna ng kahit anong heartache? Ayaw mo bang magpahinga?! Ha puso?!

Natawa siya kahit wala namang nakakatawa. Kumamot pa sa ulo ang kamay na pinanghawak niya sa akin.

Bakit ang gwapo niya sa posisyong 'yan?

Napapikit ako. Ha! Erase! Delete! Format!

Napuwing lang ako!

"U-umalis, may tumawag daw na kaibigan niya. S-sige, luto na ako?"

Lumayo ako nang napagtantong ang lapit namin. 'Yong amoy niya, masyadong inaatake ang ilong ko. At nakakainis 'yon.

"Ganoon ba? Ba't hindi ko nakita? Sige, magluto ka na. Aalis na ako."

"Sige..."

Hindi ko na siya tiningnan hanggang sa makalabas ako. Nang makita ko si nanay na tulog ay dumiretso na ako sa labas.

Pagkalabas ko ay sakto namang nakita ko si Shin sa labas. Teka-ano?! Si Shin?!

"Marielle!"

Nanlalaki ang mga mata ko habang mabibilis ang hakbang ko palapit sa kaniya.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon