Chapter 12

324 8 0
                                    

Marielle's POV

Letse siya! Ang sarap idislocate lahat ng buto niya sa katawan! Ang sarap niyang pagbuhol-buholin! Ang sarap niyang sipain papunta sa pluto! Ang sarap niyang ipangudngod sa mga bato! Ang sarap niyang ipakatay sa slaughter house! Ang sarap niyang ipakain sa lahat ng zombies! Ang sarap ilunod sa putik!

Kainis! Kainis talaga! Nakakaurat! Ang sarap niyang murdurin sa utak! Leche siya! Bwiset.

Nangako pa kung hindi naman tutuparin! Nangako pa kung hindi naman kayang panindigan! Nangako-ngako pa kung hindi naman kayang gawin! Ang sabihin niya, wala siyang kwentang kausap kaya wala siyang makausap that time at inuto niya lang ako para may makinig sa lintanya niya sa buhay!

Kainis! Ang syonga ko naman kasi nagpauto rin ako!

Sayang 'yong 5,000 pesos eh. May naipadala pa sana ako kina nanay kasi 'yong sweldo ko, sa katapusan ko pa makukuha. Kalagitnaan pa lang ng May ngayon. Hays, paasa talaga.

Mabuti na lang at nasuntok ko siya kanina, at least naibsan ang inis ko sa kaniya. 'Yong nga lang, ang sakit sakit ng kamao ko ngayon. Leshe 'yon, ang tigas pala ng pagmumukha sa sobrang kapal.

"Kuya!" Tawag ko sa nakita kong tricycle. Agad naman 'tong napunta sa akin.

"Saan po ma'am?"

"Sa kabilang street---"

"MARIELLE!"

Taas kilay akong napalingon sa kung sino mang hampas dagat na tumawag sa pangalan ko.

At halos kumulo na lahat ng dugo ko sa katawan mula ulo hanggang paa nang makita ko ang NAKAKAIMBYERNANG PAGMUMUKHA NI WELSED!

"Kuya, tayo na po!" Pumasok ako agad sa tricycle.

Bahala ka sa buhay mo. HINDI KITA KILALA!

Agad namang pinaandar ng driver ang motor niya na siyang pinagpapasalamatan ko sa lahat.

"MARIELLE!!! MARIEEEELLEEE!"

Inis akong tumingin sa likuran ko at nakita ko ang hinihingal at pagod na pagod na si Welsed. Napangisi ako ng napakalawak, 'yong pang kontrabida? Ganoon!

BWAHAHAHAHAHA! Magdusa ka jan! Tatawag-tawagin mo ako matapos mo akong duru-duruin huh?! Matapos mong kalimutan ang utang mo sa akin! Letse ka! Dapat sayo binabaon ng buhay!

Nakarating na kami ni kuya driver sa apartment ko kaya agad akong lumabas at nagbayad.

"Salamat po kuya."

"Ay miss, sobra po."

Ibabalik niya sana ang sobra pero ibinalik ko 'to sa kaniya. "No kuya, sayo na po. Kapalit ng pagtulong niyo sa akin."

"Tulong? Kailan kita tinulungan?" Nagtataka niyang tanong.

Napabuga ako ng hangin at napairap sa kawalan. Ano ka ba naman manong driver! Ang bilis mo ngang magpatakbo ng motorsiklo, ang slow slow naman ng common sense mo!

"Ah basta sa inyo na po 'yan manong. Sige po. Salamat po."

Hindi ko na hinantay ang sagot ni manong driver at agad na akong naglakad palayo.

Napahawak ako sa dibdib. Grabeng kaba ko doon ah, akala mo maaabutan na ako nung Wel---

"Marielle!"

Napapikit ako. Sinong may sabing hindi niya ako naabutan?!

Inis akong naglakad ng mabilis pero watdahek, may biglang humablot ng braso ko at sapilitan akong iniharap sa kaniya.

"Ano ba?!"

Tumumbad sa akin ang pawisang mukha ni Welsed habang nanlilisik ang mga mata sa akin. Napataas ako ng kilay, problema ne'to?!

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon