Chapter 35 - The War Of This Generation(Part 2)

17.9K 446 19
                                    

Read a/n at the bottom...

Yaz's POV.

"I-I..." Wala akong masabi, nagulat ako ng sobra. Sabagay hindi naman siguro ik-kwento sa akin nila daddy o kaya naman ng History teacher namin ang tungkol sa love life ng mga reyna at hari dito diba?

Hindi ko alam na ganito pala ang dinaramdam ng isang reyna ng kadiliman pero sabagay, lahat naman ng masasamang tao ay nasaktan, nagmahal, sadyang pinairal lang talaga nila ang emosyon nila.

Minsan kasi ay akala natin na sasaya na tayo kung nasaktan na natin ang mga tao na sinaktan tayo. Pero ang totoo mas sasaya tayo kung tatanggapin natin at mamuhay na lang ng payapa, masakit sa una pero mas tatatag tayo bilang isang tao.

"Pero wala na ito sa akin ngayon! Dahil itinatak ko na sa aking isipan na walang kwenta ang pagmamahal!" Sigaw niya sabay atake sa akin.

Inilagan ko siya at inatake siya gamit ang Ribbon of Mercy. 

Oo nasaktan siya ng mga magulang ko pero hindi na nila kasalanan yun at mas lalong hindi dapat ako magpatalo! May mga mahal din akong tao na kailangan kong protektahan.

Atake lang kami ng atake ng bigla niya ako matamaan ng isang dark poison ball na ikinagulat ko

"Fudgeebar(idk the spelling ahaha)! Aish, edi wow sayo nakatama ka!" Sigaw ko sa Dark Queen at mabilis na pinagaling yun, wala lang yun sa akin sadyang nagulat lang talaga ako.

I shouldn't underestimate her, lalo na't nadadala siya sa emosyon niya.

"Hoy, Yaz. Wag pagkain ang isipin mo ngayon! Nasa gera tayo uy!" Sita sa akin ni Daphne kaya naman nag-make face na lang ako.

Bigla naman siya na tamaan ng kalaban niya.

"Ay Chocolate!" Daing niya kaya nginisihan ko siya.

"Wag pala isipin ang pagkain ha," natatawang sabi ko, bigla naman ako inatake ng dark queen.

"Wag mo akong minamaliit," cold na sabi niya, okay!

"Ay KSP ka ano," mataray na sabi ko sa kaniya at inatake siya.

"Poison Ivy!"

"Dark Shield!"

"Arrows of Light!"

"Agh!" Daing niya ng matamaan ko siya.

Tinira niya ako ng Dark energy ball at muntik na ako matamaan ng tinira ito ng isang Fire ball stage 1 kaya naman napalingon ako doon at mas lalong ginanahan.

"Josh!"Tawag ko sa pangalan niya at agad naman siyang lumapit sa aking tabi at hinalikan ako sa labi.

"Agh! All this lovey dovey is making me hate you Light mages!" Sigaw ng Dark Queen at nagulat na lang ako ng bigla silang magsanib ng Legendary Dark Queen!

Nakita ko si Queen Jessie na duguan, nagteleport ito sa harapan ko at binulong ang mga katagang kinatatakutan ko pero at the same time tanggap at pinaghandaan ko marinig.

"It's time Yazra, you are the only one who can put an end to this. Not me, no one but you. Do it... I will always guide you and be at your side. Remember the words that I told you."

FLASHBACK

"I-I'm leaving again?" Nanghihinang tanong ko.

"Yazra, alahanin mo ito. Being the chosen one or being a royal is never an easy task. Matutulog tayo iniisip ang kalagayan ng ating sinasakupan. Nagtratrabaho tayo at nagdedesision para sa kapakanan ng ating na sasakupan." Mapait na ngumiti si Lady Jessie.

Crystal Magical Academy : The Long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon