EPILOUGE

22.7K 476 31
                                    

After 4 years...

Alysia's POV.

"Warriors! Devil formation," utos ni Tita Ianne kaya naman agad sumeryoso ang mukha ko. Ang Devil Formation ang isa sa mga basic but deadly formations na ginawa ng Queen para sa amin. Nakaramdam na naman ako ng pangungulila.

Agad naman kami pumwesto at tinalo na ang mga masasamang nagrerebelde na pirata. Simula kasi ng tumiwalas ang panig ng mga Dark Clan ay nagkagulo na ang trade market. Dahil doon ay madami ng nagrerebelde at gusto mag-nakaw ng mga dapat na pagkain o kaya naman ay resources ng mga mamamayan ng iba't ibang empire.

Habang kinakalaban namin ang mga pirata kinakalaban naman ng mga royalties ang mga masasamang lobo at bampira.

"Ano bang problema ng mga ito?!" Inis na sabi ni Ate Laira, ayaw nila na tinatawag ko silang tita dahil bata pa daw sila maliban na lang kay Tita Ianne dahil tita ko naman na daw talaga siya. Ayaw naman ni Ate Daphne dahil bata pa din daw siya pati di naman daw kasi kami magkadugo although pabiro niyang sinabi yun.

Ang sabi nila ay tawagin ko na lang silang tita at tito kapag umayos na ang age ko at time span. Advance pa din kasi ang age ko't lahat-lahat dahil sa overflowing crystal energy ni mommy.(Inexplain na sa aki yun ni Goddess Ai) I still have a few years para umayos ang lahat at maging normal na ako.

Oo okay na kaming lahat, 4 years na rin ang nakalipas ng mawala si mommy. Graduating na nga sila Tita Ianne e. At excited na ako na magkaroon sila ng mga babies, dahil ang sabi sa akin ni Goddess Ai ay mga kaedaran ko daw ang mga yun kunsakali.

Ang saya lang na kahit papaano ay may alam ako sa mga kalokohan nila Ate Daphne, nai-imagine ko pa lang ang sarili kong kini-kwento ang mga kaolokohan nila.

Bumalik na rin sa dati si daddy, actually mas cold na siya ngayon ayon kila Tito Aki.

Nagiging masiyahin lang siya kapag kasama niya ako, nakakasama nga lang ng loob kasi aalis din ako. Kailangan ko pumunta sa Realm ng mga God para maayos ang time span ko.

Kahit 4 years na ang nakaraan sariwa parin sa amin ang mga ngyari.

Appointed na rin pala si Tita Ianne bilang isang official Princess ng Crystal Kingdom.

FLASHBACK

Lahat kami ay nagulat ng biglang i-cast ni mommy ang spell na yun.

Lahat kami ay naestatwa sa kaniyang ginawa.

She saved us...

She sacrificed her life for us...

Nakita ko na ngumiti muna siya ng matamis sa amin ni daddy bago niya iwagay-way ang scepter niya bago siya tuluyang maglaho. Kahit ganoon ay alam kong babalik siya...

Doon may nakita kaming Crystal Gem na malaki doon nakita namin siya nakaupo suot ang isang violet na off-shoulder fress habang naka-bun ang buhok niya.

"Yan, recording na!" Masayahin na sabi niya.

Napangiti naman ako ng mapait ng makita ko ang ngiting yun ni mommy naramdaman ko naman na parang nababasa ang buhok ko kaya pagtingala ko ay nagulat ako sa aking nakikita.

For the first time, nakita kong umiyak si daddy. pero agad niya din yun pinahid ng makita niya akong nakatingin. He needs to be strong for us...

"So hello sa inyo hehe. Sigurado ako na pag napanood niyo ito ay wala na ako, kanina lang sinabi sa akin ni Lady Jessie ang mga mangyayari," mapait siyang ngumiti, napalingon naman ako sa paligid.

Lahat ay malungkot, may ilang umiiyak. Oo napanalo namin ang laban pero hindi noon maaalis ang mga nawala. Napalingon ako kay Kuya Mark, iyak ito ng iyak sa yakap ni Ate Icy. Maging ang mga magulang niya ay umiiyak.

Crystal Magical Academy : The Long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon