Special Chapter

6.4K 142 2
                                    

Timeline: When Yazra finally remembers everything. (Read the first part of New Generation)

The Coronation

"Naks! Pakain naman diyan Queen!" Biro ni Austin kay Yazra naman napalabi ito, agad naman kinurot ni Hime ang tenga ng kasintahan.

"Will you man up? Magiging hari ka na't lahat ganyan ka pa din," pagalit nito na ikinatawa ng magbabarkada.

"Magiging hari ka na't lahat lahat mukha ka pa ding unggoy AHAHAHHA—ayup ka Austin Jace Aeryo!" Sigaw ni Laira ng humangin at tinangay ang palda niya agad naman tumawa ng malakas si Austin.

"Mabuti naman at marunong ka na magsuot ng shorts AHAHA—ray! Ano ba Laira Naomi Healian!" Sigaw pabalik ni Austin ng bigla magpakawala ng mapanganib na usok si Laira.

Agad naman gumawa ng barrier si Luke, hindi maiwasang matawa si Jarren kaya napalingon sa kaniya ang kaniyang nobyang naka-kalong sa kaniyang kandungan. Napakalandi hindi ba? Nababagay sa kanila ang appeliydo ni Matthew.

"Dude! You still clean after your girlfriend's mess?" Pangaasar nito.

"Ganyan ka din naman kay Aria ah," sabat ni Yazra at hindi maiwasan ni Joshua na mapangisi.

"That's my baby," malambing na sabi nito kaya naman agad na namula ang pisnge ni Yazra.

"Hindi na tayo bata para mamula ka sa kilig diyan Yaz, my gosh ha!" Sabi naman ni Daphne.

Ang magbabarkada nga pala ay na sa hardin ng plasyo nila Yazra, nalalapit na ang mga coronation nila. Sa mismong coronation na din sila ikakasal, mauuna sina Yohan at Natalie.

"Calm down Laira," sabi ni Luke at agad naman na nahimik si Laira, pinalobo nito ang kaniyang kaliwang pisnge na nagpatawa ng mahina sa binata.

"Kamusta na pala si Alysia?" Tanong ni Ianne bago binaba ang tsaa na iniinom niya, tumaas tuloy ang isang kilay ni Jashna.

"Kailan ka pa nahilig sa tsaa?" Pangaasar nito kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Ianne.

"Tumatanda ka na bes," gatong ni Icy kaya naman napairap si Ianne at nagtawanan ang lahat.

Kapansin-pansin naman kasi ang pagbabago kay Ianne, na para bang hindi ito kasing kulit ni Yazra noon. The pressure of being the Princess of Crystal Kingdom really did made its changes, noong mga panahon kasi na wala si Yazra ay siya ang namahala ng lahat.

Hindi naman nawala sa tabi niya ang pamilya at kaibigan, lalo na si Aki na talagang dinadalhan pa siya ng pagkain sa palasyo. Minsan kasi ay hindi na ito pumapasok sa eskwalahan sa kagustuhang makatuong, pati si Joshua ay naging ganoon.

Nandoon man si Aki sa kaniyang tabi ay naging masakit pa din naman sa kaniya ang mawalan ng kapatid, ng kakambal. Kaya nilunod niya ang sarili sa trabaho.

"Hey!" Nakangusong sabi ni Yaz kaya mas nagtawanan sila.

Paano ba naman ay kambal sila, ibig sabihin ay para na rin nilang sinabihan si Yaz na matanda na.

"You'll always be our princess Yaz," nakangiting sabi ni Natalie, napatingin naman si Yaz sa kuya nitong busy sa paghaplos sa magkasiklop na kamay nila ni Natalie.

"Hindi na nga ako pinapansin ni kuya e," umarte pa si Yaz na nasasaktan at bilang pangasar ay ginawa niyang malamig ang panahon, agad na nagangat ng tingin si Yohan.

"Princess?" Sabi nito kaya naman natawa si Yazat agad na pinaubaya ang weather sa Weather Kingdom, napabuntong hininga si Luke.

"Panigurado ako na muntik ng atakihin sila ama sa kaba dahil sa ginawa mo queen," ani nito kaya naan napalabi si Yazra.

Crystal Magical Academy : The Long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon