PROLOGUE

322 129 145
                                    

REMEMBER: DON'T TRY TO READ WHEN YOU'RE ALONE.

-BAKA KATABI MO NA KASI SIYA.

------------------------------------------------------

Prologue: The Beginning

I heard the ticking sound of the antique clock on the wall. 

"Once upon a time. " malalim na boses ang ipinakawala ko nang basahin ko ang nakasulat sa isang libro. 

"Stephen! Para kang baliw natatakot ako. H'wag mo nang basahin yan." utos sa 'kin ni Claire na takot na takot. 

We are inside of an old abandoned Mansion. Maraming antigong gamit ang nasa loob. Naalikabukan na ang mga ito. Nakuha ng atensyon ko ang isang libro na nasa mahabang lamesa. May ilang baso, plato at kutsara pang naiwan sa hapag. 

"We should go home dude!" bulalas naman ni Luke na parang bata at nakakapit sa braso ni  Cindy. 

"Saglit lang ang gandang basahin kasi nito. Tingnan niyo" ipinakita ko sa kanila ang hawak kong libro. Kumupas na ang kulay maroon na cover nito. May ilang mantsa din ito na tila dugo. 

Nagsilapit sila upang makita ang hawak ko. Sa una ay namangha sila ngunit nang umihip ng malakas ang hangin ay nawala ang interes nila rito.

"Bitawan mo na 'yan Stephen! Umuwi na tayo. I feel something creepy here." singhal ni Claire na kumapit sa aking braso ngunit agad ko naman itong tinanggal. 

Tumingin ako kay Cindy, nagtagpo ang aming mga mata pero iniwas niya agad ito at nakipag-usap kay Luke.

Tinahak namin ang pinto palabas ng lumang mansyon. Ang mansyon na abandonado na maraming kababalaghan na bumabalot.  

"Uy pare bakit hindi mo iniwan 'yan doon sa loob?" sambit ni Luke na nakatingin sa kamay kong hawak-hawak ang libro. Napapitlag ako. Bakit nga ba hawak ko ang librong ito. Gustong ko itong bitiwan ngunit parang may pumipigil sa akin at hayaang buksan ko iyon at basahin. 

Pilit kong tinatanggal sa aking isip kung ano ang kababalagahan nito. 

"I don't know Stephen kung ano ang mapapala mo diyan"  pag-aalalang sabi ni Cindy na kamot ng kamot sa kaniyang likod.

Napaatras si Luke nang makita niya ang kinakamot ni Cindy. Hindi namin inaasahan ang sumunod pang nangyari. Isang sigaw ang umalingawangaw sa aming kinatatayuan. 

"Cindy" bulalas ko habang pinapanood siyang maghirap sa kaniyang sitwasyon. Sigaw ng sakit. Kinakabahan ako dahil ang nabasa ko sa unang pahina ay 'yon ang eksaktong nangyayari kay Cindy ngayon.

Ano  ba talaga ang librong ito? ? Ibinalik ko ang libro sa loob ng mansyon at tinulungan ko sila Luke at Claire na buhatin si Cindy palayo sa lugar na iyon.

Ang Lumang Mansiyon at ang Libro. 

Ang librong nagpabago sa buhay ko.

The Bookحيث تعيش القصص. اكتشف الآن