Page 4.

133 61 34
                                    

Chapter 4: Is that you Luke?

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa nangyari kagabi. Humarap ako sa salamin. Nagpadaing ako nang hawakan ko ang aking leeg. May pasa roon.

Medyo maliit ito ngunit kulay lila na tila namamaga. Nilagyan ko ng ointment para umimpis ang pamamaga. Nagpatuloy ako sa paghihilamos. Sinalok ko ang tubig na nagmula sa gripo at inihilamos sa aking mukha. Nang pag-angat ng aking ulo ay halos mapapikit ako.

Isang babae ang nakita ko sa repleksyon ng salamin. Siya na naman ang mukhang nakita ko kagabi. Tumingin ako sa aking likuran ngunit wala naman siya. Nang humarap ako halos matumba ako dahil katabi ko na siya. Puno ng dugo ang mukha. Sinilip ko muli ang salamin at isang iglap ay nawala ang katabi ko.

Sinampal ko ang sarili ko. Dala lang ba ito ng stress na dulot ng sunod-sunod na pangyayari na hindi ko inaasahan? Ang pagkamatay ni Cindy? Ang mga activities sa school?

Bumaba ako sa dining room upang kumain nang almusal. Madalas kong abutan si Mom na nag-aalmusal. Nakahanda na rin palagi ang aking baon para sa pagpasok ngunit ngayon ay kakaiba.

Wala si Mom. Nasa'n kaya s'ya?

"Oh Stephen! Good Morning Baby Boy" nagulat ako nang binati ako ni Mom mula sa likod.

Napapitlag ako dahil may dala siyang aso. Maputi ang balahibo nang aso. Isang shitsu. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa mga kinikilos ni Mom.

"Mom? Para saan po ang asong dala ni'yo?" tanong ko sa kaniya at itinago ang aking mga kamay sa likod ko.

"Baby boy, ito ang regalo ko para sa birthday mo. Advance gift." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom.

Napanaginipan ko ang aking birthday celebration. Parang totoo dahil masayang-masaya si Mom. Ngunit si Cindy ang pagbabago nang kaniyang anyo na hindi ko nakalimutan. Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga nangyayari ko.

Kung ano ang totoo sa hindi.

"Baby boy?"

"Okay po Mom." walang sa mood kong usal.

"Okay ka lang?" tanong ni Mom na ibinaba ang asong hawak.

"Okay lang po ako. Hindi lang po nakatulog nang maayos." ngumiti ako upang hindi na niya pa ako kulitin na tanungin.

Nag-almusal ako na mag-isa abala naman si Mom sa kaniyang paghahalaman sa likod ng aming bahay. Nagpaalam ako upang umalis. Siguro pag pumasok na ako ay makakalimutan ko na rin ang mga nangyari kahapon.

Pumunta ako sa locker ko. Binuksan ko ito ng gamit ng susi.  Hinampas ko nang malakas katabing locker dahil sa inis. Ang libro na naman. Kahit saan ba ako magpunta susundan ako ng bagay na ito?

Hinayaan ko na lang at iniwan ang libro. Kinuha ko ang ilang libro na gagamitin ko para sa klase. Padabog kong sinara ang locker ko at nagtungo sa aking room.

A-2

Hinila ko ang sliding door. Napakaingay nang lahat. Napasulyap ako sa upuan ni Cindy. Wala na talaga ang inaasahan ko. Tinuon ko ang aking mata sa upuan ni Claire at  Luke. Absent siguro si Luke dahil si Claire lang ang nakita ko.

Nilapitan ko siya at umupo sa armchair ni Luke. Tahimik siyang nagbabasa nang libro at may nakapasak na earphone sa kaniyang tenga.

I tap her table to get her attention. Now I realize how beautiful she is. I have a closer look to Claire. She's beautiful. Her eyes is sparkling. Her smile that can make your heart beat faster. Her skin that I want to touch. Her face that you want to see all day.

Bakit ko pa kasi hindi napansin si Claire noong dati? Dahil na rin siguro si Cindy talaga ang nakapagbigay saya sa'kin nang mga panahon na iyon.

"Steph bakit?" malambing niyang tanong.

"Si Luke nasaan? Papasok ba siya? " pagtatanong ko.

"Hindi ko alam eh. Basta hindi pa siya nagtetext simula pa kahapon. Nagaalala na ako kay Luke, Steph." tugon ni Claire.

Hindi pa nagtetext?

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Nagaalala na rin ako kay Luke. Pagkatapos na pagkatapos nang aming klase ay pupunta kami sa kanila upang siya ay bisitahin.

"Puntahan natin siya pagkatapos nang klase. Kamustahin natin siya Claire." suhestiyon ko.

Pumayag naman si Claire sa plano ko. Pumunta na ako sa aking upuan na malapit sa bintana. Kita ang mapunong likod ng school. May pader na naghihiwalay sa aming school mula sa malagubat na nasa kabila.

Nagkaklase kami nang hapong iyon. Medyo nawala na ako sa wisyo makinig. Napakahina kasi ng boses nang aming guro sa pisika.

Tumingin ako sa langit. Lumalangoy ang mga ulap sa asul na kalangitan. Napasarap akong pagmasdan ito bago ako mapatingin sa isang tao na nakatayo sa tabi ng isa sa mga puno na nasa masukal na lugar sa kabilang pader.

Namukhaan ko siya at napanganga ako nang pumasok sa aking isip si Luke. Dumako ang aking tingin pabalik sa room upang tawagin si Claire dahil sa nakita ko si Luke ngunit nagulat ako nang nasa harapan ko si Ms. Vermejo.

"Anong pinapanood mo sa labas? Gusto mo lumabas?" pagalit na tanong ni Ms. Vermejo.

"Sorry po ma'am."  napakagat na lang ako sa aking labi at naglakad pabalik sa harapan si Ma'am.

Hindi ako nagkamali siya talaga iyon. Si Luke. Balot nang galit ang bakas sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin.

"Steph uy!" kinalabit ako ni Claire. Nag-umpisa siyang usisain ako sa nangyari sa akin.

"Nakita ko kasi si Luke, Claire. Nakatayo siya roon sa labas, masama ang tingin na hindi ko maipaliwanag." paliwanag ko kay Claire.

"Baka namamalikmata ka lang." pagkontra sa sinabi ko ni Claire.

Baka nga namamalikmata lang ako at nasa bahay si Luke nagpapahinga. Natapos ang maghapon. Nagmadali akong magligpit nang gamit.

Agad na hinila ko si Claire sa kaniyang silya. Kinuha niya ang kaniyang sling bag. Tinakbo namin ang palabas ng school.

Inaalala namin si Luke.

Okay lang kaya siya?

Sana mali ang naiisip ko ngayon.

Luke, sana p're maayos lang ang lagay mo.

"Steph, okay lang iyon si Luke don't worry " pagpapakalma sa'kin ni Claire.

The BookWhere stories live. Discover now