Page 3.

142 69 19
                                    

Chapter 3: A note.

Lumapit ako sa aking lamesa para kunin ang libro. Medyo lumamig ang kapaligiran nang mahawakan ko ito. Hindi ko alam kung anong masamang tensyon ang bumabalot sa libro.

Binuksan ko ang libro nang marahan. Hindi lang ito isang ordinaryong libro. Maraming mga salita na hindi ko maintindihan dahil nakasulat sa kakaibang sinaunang lenguwahe. Tila mga magic spell.

Siguro nang binasa ko ang isa sa mga nakasulat na magic spell ay umepekto ang mga sinabi ko kay Cindy.

Patuloy kong nilipat ang bawat pahina. Napatigil ako nang may mapansin akong note. Umayos ako ng pagkaupo sa aking kama. Mahimbing na natutulog si mom.

Muling binaling ko ang aking tingin sa isang kapirasong papel na nakasingit sa pagitan ng mga pahina. Kinuha ko iyon at binasa.

August 14, 1966.

Mahimbing akong natutulog. Napabalikwas ako nang bangon nang may narinig akong nagsalita. Hindi ko alam kung nasa loob ng k'warto. Pinikit ko ang aking mata.

Muli ay may nagsalita. Sa pagkakataong ito ay binigkas ang aking pangalan. Mas malapit na siya. Sinubukan kong magsalita. Pakiramdam ko ay may nasa tabi ako.

Bumulong siya sa akin. Isang malamig na boses ang narinig ko.
Boses ng isang matanda. Dinilat ko ang mga mata ko ngunit walang nasa paligid.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nawala ang libro na pinamana sa akin ng aking ina.
Ang librong hindi ko maintindihan.

Nasulyapan ko sa dulo ng aking mga mata ang isang anino malapit sa bintana. Ayokong humarap sa kaniya. Tumaas ang aking balahibo. Nagpigil ako ng paghinga.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Gusto kong tumayo at tumakbo palayo pero ayaw gumalaw ng aking katawan.

Mas lalong natakot ako nang unti-unti siyang maglakad sa harapan ko. Napakagat-labi ako. Ilang distansya na lang siya sa aking higaan.

Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Pero masasabing isang babaeng matanda ang nasa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na damit pangkasal at itim din na belo.

Napapitlag ako nang makita kong hawak niya ang libro. May mga dugong nagmumula sa kaniyang mga kamay.

Naglakad muli siya papunta sa kanang bahagi ng aking kama. Ang tanging liwanag na nagmumula sa aking k'warto ay unti-unting nilamon ng dilim.

Nagkaroon ako ng pagkakataong sumigaw upang humingi ng tulong ngunit walang akong boses.

Nang malapit na siya ay itinalukbong ko ang aking kumot. Naghahabol ako nang hininga. Inisip ko na panaginip lang ito. Inisip ko na baka nagha- hallucinate lang ako.

Sinubukan kong maging kalmado. Tumatagaktak ang aking pawis.Halos mapatigil ako sa paghinga ng may naramdaman akong sumampa sa aking hinihigaan.

Napaiyak ako sa sobrang takot. Sana matapos na ang gabing ito. Siguro kung haharapin ko ang nasa harapan ko ay matatapos na.

Walang takot kong tinanggal ang takip kong kumot. Nawala siyang bigla. Hinanap ko siya at nang maisipan kong tumingala ay....


" Anak. Ano ba iyang binabasa mo? Ba't hindi ka pa natutulog?" napatalon ako nang magsalita si Mom.

Tumingin siya sa aking hawak na libro. Hinawakan niya ito at nagulat nang bigla.

"Anak, itapon mo na iyan." utos niya.

"Pero Mom!" sambit ko at hinawakang maigi ang libro.

"I said throw it away!" sigaw na utos ni Mom.

Nagulat ako sa kaniyang inasta. Bahid sa mukha niya ang galit. Tumayo siya sa kama at naglakad papalapit nang pinto.

Bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto ay umikot siya upang humarap sa akin.

Mom is not yet old. Maganda pa rin siyang kung tutuusin. Ang maganda niyang buhok. Ang maputing kutis nang kaniyang balat na naexpose dahil sa kaniyang pantulog na tila dress dahil may slit  at higit sa lahat ang nakapagpadagdag sa kaniyang kagandahan ay ang busilak niyang kalooban.

She does not deserved a man like Dad. She deserve a man who is better, who prioritize his family first.

"Stephen, Go to sleep now and I want that book to be thrown away. Tomorrow I don't want to see that book in your room okay?" mahinahon niyang sabi.

"At isa pa, maaga pa ang pasok mo bukas." dagdag niya.

Natigilan ako dahil it was the first time that she called me by my real name and not by Baby Boy.

"Opo Mom. I assure you." pagbalik kong tugon.

Naglakad siya sa pabalik sa'kin at hinalikan ako sa aking noo. Matamis ang naging ngiti niya na parang walang nangyari kani-kanina lang. Ang pagiging galit niya sa librong hawak ko.

"Goodnight Baby Boy!" at tuluyang binuksan ang pinto at lumabas ng aking k'warto si Mom.

Nagdalawang-isip ako kung itatapon ko ba ang librong ito. Pero ang pinagtataka ko ay ang biglang pagbabago ng asta ni mom nang makita niya ito.

Bakit bigla siyang sumigaw at nagalit?

Sobrang kakaiba talaga ang librong ito. Hindi ko na natuloy ang pagbasa sa note. Inalala ko ang bawat nabasa ko.

Humiga ako sa aking kama. Halos mapasigaw ako nang makita ko kung ano ang nasa kisame.

Isang babae nakabelo. Nakaitim na damit pangkasal. Hawak ang librong kanina'y hawak ko sa aking mga kamay. Hindi ako makakilos.

Siya ang babaeng tinutukoy sa isang kapirasong papel. Mas natakot ako nang dahan-dahan siyang bumababa at ilapit ang kaniyang mukha.

Umalingawngaw ang aking sigaw sa buong bahay.

"AAAAHHHHHH TAMAAAAAA  NAAAAAA!"

Panaginip lang ba talaga ito?

Nasa totoong mundo pa ba ako?
-----

Author's Note 👌

Guys Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko ang mga nasa taas na isinulat ko but kinakabahan ako bawat paglalahad ko ng detalye. Hindi ko alam kung may nasa tabi ko ba habang sinusulat ko iyon at pinagmamasdan ako.

Readers paalala Don't read when alone. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy nang libro. Kinilabutan din talaga ako pramis 😅

Guys I hope you'll vote and comment to my story. All your opinions folk will be a great help para makapag-isip pa ako ng panibagong at kasunod na chapter hahaha.

PS: Medyo puyat ako nang ginawa ko itong chapter na ito tsaka yung chapter na isa sa The Lamp of My Feet. 😂 SKL.

Thank you again guys for supporting my story ❤❤

Godbless readers ❤
-oikawashee 📝😎

The BookWhere stories live. Discover now