Page 7.

119 53 13
                                    

Chapter 7: Claire

Bumaba ako sa kusina upang mag-almusal. Wala pa rin akong ganang pumasok dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

Pinagmamasdan ko ang marka na nasa braso ko. Kailangan ko itong maalis. Ang libro? Tama. Ang libro kailangan kong mahanap iyon. Baka makatulong upang tuluyan kong maalis ito.

Hindi na talaga kalokohan ang nangyayari sa akin.

Nadatnan ko si Mom. Sobrang laki nang pinagbago niya. Nakatulala siya sa lamesa. May nakahanda nang pagkain ngunit hindi naman siya kumakain. Nangangayayat na siya. Parang puyat. Parang pagod na pagod kahit hindi naman sobrang hirap ang ginagawa niya rito sa bahay.

"Mom? Are you okay? Is there any problem? Kumain na po kayo nang almusal." ngunit wala pa rin siyang naging imik.

Lumapit ako sa kaniya at inayos ang takas na buhok niya sa mukha at binalik sa gilid nang tainga. Napapitlag ako nang tiningnan niya ako ng masama dahil sa aking ginawa.

Namumula ang kaniyang mata nang makita ko ito ng malapitan. Tinapik niya palayo ang aking kamay at tumayo sa upuan. Napaatras ako ng ilang distansya dahil sa kaniyang kakaibang kinikilos. Sinubukan ko siyang amuhin.

"Mom? Saan ka po pupunta? Hindi pa tayo tapos kumain." sambit ko at ngumiti sa kaniya.

Walang naging reaksyon siya nang humarap sa akin. Tila isang robot siyang lumapit sa akin nang ni-pat niya ang aking ulo.

"Wala Stephen. Sa isang kaklase mo lang." isang payak na tono ang pagkasambit niya rito.

Nagpatuloy siyang naglakad papunta sa living room. Naiwan ako sa lamesa't at kumakain mag-isa. Napatigil ako sa pagkain nang may hawak siyang kutsilyo. Hindi na ito magandang biro. Saan niya nakuha iyon?

"Mom? Ibaba ni'yo po 'yan!" utos ko kay Mom na wala sa sarili at papalapit sa akin.

Nasapian ba siya nang masamang espiritu kaya't nagkakagan'yan siya?

Si KAMATAYAN ba ang nasa loob nang katawan niya at kinokontrol siya. Halos mapatayo ako sa aking inuupuan dahil patuloy pa rin siya sa paglakad sa aking direksyon.

Mom? Wala na ba ang tunay kong Mom? Nasaan na siya. Ngayon ay napaluha na akong tuluyan.

"Baby Boy? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Mom at tumigil sa lamesa at habang ako naman ay nasa kabilang dulo at animo'y nakikipaghabulan ako.

"Mom ikaw po ba talaga iyan?" umaalon ang aking boses nang itanong ko sa kaniya.

Kailangan kong malaman kong siya ba talaga ang tunay kong Mom o nagbabalat-kayo lang siya.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Nasa harapan mo ang tunay mong Mom!" sabay isang malapad na ngisi ang kaniyang ipinakita sa'kin.

Ang pandesal na nasa plato ang kaniyang dinampot at hinati sa gitna. Nakahinga ako nang maluwag nang kumain siya. Buong lakas niyang itinarak sa lamesa naming gawa sa narra ang kutsilyo.

Pinagtataka ko. Nang pumunta si Mom sa living room ay wala siyang dalang kutsilyo ngunit nang pagbalik niya ay meron na.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil nakita ko na naman na umayos na nang pagkakaupo si Mom at kumakain.

"Halika na dito Baby Boy! Kumain na tayo. May pasok ka pa at baka malate ka." utos ni Mom at nagaaalangan pa rin akong lumapit.

"Baby kamusta ang pag-aaral mo?" nagdalawang-isip muna ako bago sumagot.

Tumango na lang ako at nagthumbs-up upang sabihin sa kan'ya na okay lang. Naisip ko rin ang huling sinabi niya. Sinong kaklase ko ang pupuntahan niya ngunit hindi naman siya tumuloy?

"Pagbutihan mo baby ang pag-aaral okay?" sambit ni Mom.

Ngayon ay ngiti niyang tunay ang tumabad sa akin ang ngiti nang isang ina. Matagal ko rin hindi itong hindi nakita.

Si Dad. Dad is the main reason why Mom is still in pain. She's wishing him to comeback in our home. Hindi ko alam kung Patsy na si Dad o humihinga pa pero one thing's for sure may iba na siya.

Sana hindi na lang siya sumakabilang-bahay. Dapat ay sumakabilang-buhay. 'Yon ang nararapat sa kaniya. Sa kalokohang ginawa ni Dad. Ang ugali ni Mom ang nainherite ko instead of Dad.

Maraming naikwento si Mom ngunit isang malaking kalokohan na mahal niya pa rin ito.

"Hey Baby Boy?" bumalik ang aking atensyon nang tinawag ako ni Mom.

"Yes Mom!" tugon ko sa tanong ni Mom.

Muli ay umakyat ako sa aking k'warto upang hanapin ang libro. Laking tuwa ko nang makita ko ito sa aking lamesa. Agad ko itong nilapitan. Binuklat ko ang libro ngunit nabigla ako nang kahit isa ay walang nakasulat. Tiningnan ko ang mga sumunod na pahina pati rin ang mga ito ay walang sulat.

Tanging ang kapirasong papel na binabasa ko noon ang hindi nawala. Kukunin ko sana pero kakaiba ito ngayon dahil tila kabilang na ito sa libro na noon ay nakasipit lang ito sa dalawang pahina.

May punit rin ang dulo nito. Nawala ang karugtong nang aking binabasa. Naisipan kong ituloy ang pagpunit nang bigla itong sumara. Muntik maipit ang aking daliri dahil sa pagsara. Ngunit isang maliit na punit na papel ang nakasilay sa labas ng libro. Hinila ko ito at binasa ang nakasulat dito.

CLAIRE IS NEXT.

Napatayo agad ako nang mabasa ko iyon. Anong nais ipahiwatig nito sa akin?

Agad akong bumaba nang k'warto. Wala si Mom sa kusina. Naku! Hindi sana nagkakamali lang ako nang aking iniisip.

Si Claire ba ang tinutukoy na pupuntahan niya?

Kailangan kong puntahan agad si Claire at baka kung anong gawin sa kan'ya ni Mom. Dala ko ang libro at agad nagtungo sa school.

---------

Nakadating ako sa school na hapong-hapo. Pinunasan ko ang ilang butil nang pawis sa aking ulo. Hinanap ko kaagad si Claire ngunit wala sa room.

"Ash nasaan si Claire?" tanong ko sa isang kong kaklase na nerd.

Pinupunasan niya ang kaniyang salamin bago niya ako sagutin.

"Kasama 'yong isang magandang babae. Pero mapapansin mo na siyang nasa mid-30's dahil sa itsura. Pumunta sila sa Library." mula sa impormasyon na narinig ko sa kaniya ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

Nagpasalamat ako kay Ash at tinungo ko ang library.

Huli na ba ako ng dating?

Wala sila sa library? Saan kaya dinala ni Mom si Claire. Natatakot na ako sa nangyayari.

Pumunta ako sa oval. Namataan ko si Claire na nakaupo sa bench at nag-iisa. Nilapitan ko kaagd siya. Ngunit umiwas siya at tumayo sa bench.

Tumakbo palayo sa'kin. Sinundan ko siya ngunit nawala sa aking paningin. Nagpasya akong bumalik sa room. Pagpasok ko ay may pinagkukumpulan at napag-alaman kong si Claire.

"Claire anong nangyari bakit ka umiiyak?!" tanong nang isang sa mga kaklase Kong babae.

Pinatabi ko ang mga kaklase. Nakita ko nga si Claire na umiiyak pero may bahid nang takot ang kaniyang mukha.

"Claire what happen? Why are you crying?" tanong ko kay Claire.

Pinahid ko ang mga iyak niya. Nakatulala siya.

"Claire? What happen? Tell me!" buong tapang ko sambit sa kaniya.

Tumitig siya sa akin na siyang aking inatras.

"Stephen ang Mom mo!" bahid nang galit at takot ang boses niya.

"Ano si Mom?" nauuhaw na ako sa sagot. Kailangan kong marinig ang sasabihin niya.


"Ang Mom mo Stephen papatayin ako!"


The BookWhere stories live. Discover now