Page 1.

229 99 81
                                    

Chapter 1: The Book

"Morning Mom." binati ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Morning Baby boy!" pabalik na bati ni mom  na kumakain ng almusal.

"Mom diba sabi ko naman po sa inyo h'wag na po ninyo akong tawaging baby boy. Nakakahiya na po sa mga kaibigan ko." paliwanag ko at nagkamot ng ulo.

Nakasanayan na ni Mom na tawagin ako sa gano'ng paraan. I'm the only child. Sometimes I pray that I have brother or a sister. Nakakaboring kasi kung mag-isa lang ako sa bahay at walang kakulitan man lang. 

Pumanhik ako sa second floor ng bahay namin. Nagbihis ako ng uniform ko. Dark blue uniform at black pants ang sinuot ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa table na malapit sa aking higaan. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang may napansin akong libro sa may trash bin ko.

Natigilan ako. Sandaling nagtaka. Bakit nandito ang libro na ito? Alam kong iniwan ko iyon sa loob ng mansyon bago kami umalis nila Claire at Luke habang pasan si Cindy na sobrang dami ang pantal sa likod.

Hindi ko makalimutan kung paano umiyak si Cindy sa sobrang sakit at hapdi nang sugat niya na nagmula sa kanyang kati-kati. Kakaiba ito tila kinakain ang laman ng kan'yang buong likod. Sinakay namin siya sa kotse at dinala sa ospital. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok ng school simula nang mangyari iyon sa kan'ya.

Nagpaalam ako kay Mommy at umalis nang bahay na bitbit ang libro. Malapit na ako sa pinapasukan ko na school nang maisipan kong itapon ang libro sa basurahan na nasa kalsada. Ilang distansya pa lang ang layo ko sa libro nang makaramdam ako na parang may bumulong sa akin.

Hindi ko maintindihan at kinilabutan ako ng muling may bumulong.

"Stephen nasa tabi mo lang ako lagi." tumaas ang balahibo ko sa narinig ko. Nilingon ko ang likod ko kung may nagsalita pero walang tao.

Tinapik ko ang aking noo. Nasa bungad na ako ng school nang biglang...

"Fuck. Luke h'wag mo nga akong gulatin!" utas ko sa kan'ya sa bigla niyang pagsulpot sa likuran ko. Tinanong ko siya kung mabuti na ba ang lagay ni Cindy.

Isang nakakalokong ngiti naman ang isinagot ni Luke sa akin. Mabuti naman at nagiging okay na si Cindy. Tinahak namin ang pathway papunta sa building na pinapasukan namin.

"Morning Claire." naging maaliwalas ang mukha niya nang binati ko siya. May gusto sa'kin si Claire pero wala akong time para sa kilig.

"Ahhm. Guys si Cindy ----" nagbago ang ekspresyon ni Claire habang sinasabi ang mga iyon.

Naputol ang kaniyang pagsasalita ng tuluyan kaming nakapasok sa room. Ang inaasahan namin masaya para sa pagbabalik ni Cindy ay mali pala.

Puro iyak ang umalingawngaw sa buong room. Ang ilan ay yakap ang isa't isa. Bakit ano ang iniiyakan nila?

"Sabi ni Besh magpapagaling siya!"

"Mag-mo-mall pa naman sana kami this weekend pero hindi na pala." bahid ng lungkot at pagkadismaya ang malalalaman sa tono ng mga kaklase ko.

"Steph, si Cindy patay na." sabi ni Claire na humahagulgol sa pag-iyak.

"Pare akala ko magiging okay na siya, nasilayan ko pa ang mukha niya at nakangiti pa siya nang pumunta ako sa ospital noong isang araw." sambit ni Luke habang pinupunasan ang mga luhang kumuwala sa kaniyang mga mata.

Hindi. Hindi maaari. Maayos pa siya nang isang araw pero bakit ganoon? Anong nangyari?

Hinilamos ko ang aking mukha gamit nang palad ko. Nadismaya ako. Nagsisisi dahil isinama ko pa sila sa katangahan ko.

" P're wala kang kasalanan. Nagpumilit din kaming sumama sa'yo." paliwanag ni Luke.

Hindi ko namalayan ang luha na tumakas sa aking mga mata. Lumapit sa akin si Claire at niyakap ako. Ngayon wala na si Cindy paano na ang plano ko.

Ang plano kong ligawan siya.

Nawala na ang pagkakataon.

Gusto kong saktan ang sarili ko.

Umuwi ako nang masama ang loob. 6 PM .Pagdating sa bahay ay wala si mommy as usual siguro ay nasa mga kaibigan niya at nag-sho-shopping.

Napatalon ako sa gulat nang may narinig akong ingay sa ikalawang palapag ng bahay. Kinabahan ako pero nagpatuloy akong umakyat.

Walang ilaw sa hallway ng bahay. Muli ay nakarinig ako ng ingay. Nagmumula iyon sa k'warto ni Mom. Nagsimula akong maglakad papalapit sa sa pinanggalingan ng ingay. Ang ihip ng hangin lang ang maririnig mo sa kasalukuyan.

Akmang iikutin ko na ang doorknob ng muling may mag-ingay pero this time sa aking sariling k'warto na. Kumalabog ang aking dibdib. May ibang tao ba sa bahay ngayon maliban sa akin?

Bumuntong hininga ako ng malalim bago tuluyan maglakad. Narating ko ang pinto ng aking k'warto. Nalaman kong may ilaw na nagmumula sa loob dahil sa siwang nang pintuan.

Tumigil ako. Huminga ng malalim. Pumikit ako at hinawakan ang doorknob. Marahan ko itong inikot.

'Click' tunog nang pagbukas ng pinto. Tuluyan kong binuksan ang pinto at tumambad ang hindi ko inaasahan.

The BookWhere stories live. Discover now