Page 5.

121 61 25
                                    

Chapter 5: Want to play?

Tumakbo kami nang sobrang bilis upang agad na makarating sa bahay ni Luke. Hindi naman ito kalakihan. Medyo luma na kung titignan sa labas. Ang mga pader nito ay ginagapangan na ng mga damo na gumagapang hanggang sa itaas ng buong bahay. Ang mga bintana ay mga parisukat na hindi mo kayang tanawin kung ano man ang nasa loob. Malabo kahit na lumapit.

Nasa bakuran kami ni Claire. Naglakad kami papalapit sa pintuan ng bahay nila Luke. Parang walang katao tao sa loob. Pero naglakas-loob akong kumatok upang makamusta na namin ang kaibigan namin na hindi man lang nagpaparamdam.

Natigilan ako nang maalala ko 'yong isang lalake na nakatayo kanina sa may kakahuyan at tila may tinitignan mula sa direksyon ko.

Kakatok na sana ako nang may magsalita sa kabilang bakuran.

Isang matandang babae. Kita na ang kulubot sa kaniyang buong katawan sa katandaan. Ang reaksyon nang mukha niya ang nagpataas ng balahibo namin.

"Mga bata! Sino hinahanap ninyo  sa bahay na 'yan?" isang nakakakilabot na boses ang pagkakasabi niya ng mga iyon.

"Ahm, Lola may hinahanap po kami. 'Yong kaibigan namin na nakatira po rito. Kakamustahin po sana namin siya. Ilang araw na po namin hindi nakita at nakakausap" magalang na pagkakasambit ni Claire sa matanda.

"Sinong kaibigan? Wala naman nakatira d'yan sa bahay na iyan. Matagal nang panahon. Siguro tatlong taon na ang nakakalipas." sabi nang matanda at inayos ang kaniyang balabal na nakapulupot sa leeg.

"Po?!!! Baka nagkakamali po kayo. Dito po talaga nakatira si Luke, 'yong kaibigan po namin!!!" umaalon ang boses ni Claire. Rinig ang kaba.

Bakit naman nasasabi nang matanda na  wala nang nakatira rito? Hindi rin kasi kami napapadalaw sa bahay ni Luke dahil medyo malayo ito. Isa pa ay ayaw niyang magpabisita sa bahay nila. Naikwento niya sa'kin na madalas may problema silang pamilya ngunit ayaw niyang direktang sabihin. Ayaw niya raw na madatnan namin ang ganoong sitwasyon sa tahanan nilang ito. Tahanang ngayon ay sobrang tahimik na tila walang tao. Nag-aalala tuloy kami ni Claire sa kaniya.

Pinagmasdan namin muli ang harap ng kanilang bahay. Nang magtatanong sana kaming muli ni Claire ay nawala ito. Nakakapagtaka lang talaga ang mga sinasabi niya. Tuluyan kong kinatok ang pinto ng bahay nila Luke. Nasa likod ko naman si Claire at nagce-cellphone.

"Anong ginagawa mo Claire?" tanong ko sa kaniya.

"Sinusubukan kong tawagan si Luke. Baka nasa k'warto lang siya ng bahay nila para bumaba naman siya rito at pagbuksan tayo." pagpapaliwanag ni Claire habang nagda-dial sa phone.

Kumatok ako ng dalawang beses at walang nagbukas. Tinatawag ko si ang panngalan ni Luke ngunit wala pa rin. Kinalabit ako ni Claire nang sabihin niyang sumagot na si Luke sa phone.

"Luke? Nasaan ka? Narito kami sa may harap ng bahay ninyo." usal ni Claire habang nakatingin sa'kin.

Walang sumagot sa kabilang linya. Hinihintay namin ang tugon ni Luke ngunit wala. Halos mabitiwan ni Claire ang phone niya dahil sa takot. Napaupo siya sa sahig.

"Claire bakit? Anong sabi ni Luke?!!!" tarantang tanong ko at tinayo ko siya.

"Steph, may nagsalita sa kabilang linya!!!! Hindi ko alam kung si Luke pero kakaiba ang boses niya. Boses ng isang babaeng matanda. Sabi niya 'Welcome Home'!!!! Tara na Steph umalis na tayo!!" balot nang takot ang mukha ni Claire.

"Okay, okay sige tara umuwi na tayo." Pagpapakalma ko sa kaniya. Dahil sa mga sinabi niya ay natakot din ako.

Ang boses ng isang matanda?
Siya na ba? Siya na ba ang sinunod? Wala pa naman akong binabasa ulit sa libro pero bakit ganoon ang nangyari.

Lalakad na sana kami palayo ni Claire nang bumukas ang pinto ng bahay. Nakakabingi ang pagbukas nito. Masasabing sobrang tagal nang hindi nabuksan. Nagulat kami nang nakatayo sa harapan namin si Luke.

Si Luke na namumutla. Akala mo'y puyat dahil nakatako niya. Magulong ayos ng buhok, nakaputi siyang polo at black pants pero ang talagang nagbigay takot sa'min ni Claire ay ang malapad na ngiti niya at matalim na pagkatitig. Parang sinapian nang kung anong masamang ispiritu.

"Pasok na kayo sa bahay. Kamusta? Hinintay ko kayo." sambit ni Luke na parang wala sa katinuan.

"Ah pare okay lang! Uuwi muna kami. Sa susunod na lang kami bibisita sa'yo, masama ang pakiramdam ni Claire." palusot ko upang makaauwi na kami ni Claire na sobrang takot sa nangyayari ngayon.

"Ganoon ba? Bakit kanina masaya naman siya habang sinusulyapan ko kayong dalawa sa may bintana." sambit niya at nawala ang ngiti sa kaniyang labi.

Ibig sabihin nakita niya na kami kanina pa ni Claire? Narinig niya kaya ang pag-uusap namin nang matanda sa kabila. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Mababaliw na ata talaga ako.

"Ah sige pare. Uuwi na kami bukas na lang." pagpapaalam namin ni Claire na wala pa rin sa sarili at inalalayan ko sa paglakad.

"Sandali!!!! " napatigil kami nang
magsalita si Luke mula sa aming likod.

"Hindi ba muna kayo magkikipaglaro sa akin!!!?" palokong sambit ni Luke at naroon na naman ang ngiti niyang nakakakilabot.

"We don't have time for that Luke uuwi na kami ni Stephen!!!" pasigaw na sabi ni Claire.

Iniwan namin si Luke na nakatayo. Hindi pa rin nawala ang nakakatakot na emosyon sa mukha niya. 

Hinila ako ni Claire palayo.

Palayo sa bahay ni Luke. Napapitlag ako nang nakita ko ang babaeng nasa panaginip ko. Ang nasa note ng kung sino man ang nagsulat sa librong nasa akin. Nasa likod siya ni Luke at nakahawak ang isang kamay sa balikat ni Luke.

Nagkatinginan kami ni Claire.

Pagkagulat ang naging reaksyon niya.

"Stephen, please sa susunod h'wag na tayo pupunta sa bahay ni Luke." sambit ni Claire na nanginingig pa rin sa takot.

"Nakita mo ba ang nakita ko?" tanong kay Claire.

"Oo." maiksing sagot niya.

Tuluyan kami nakaalis ni Claire. Naghiwalay kami sa pag-uwi pero wala pa rin pinagbago ang mukha niya. Magkahalong takot at lungkot dahil sa nangyayari kay Luke.

Paano na si Luke? Wala pa akong binabasa muli sa librong spell pero bakit ganoon may nasasaktan? Bakit ang mga mahahalaga sa paligid ko ay siyang inaatake nang babaeng iyon. Wala silang kasalanan. Ano ba ang kailangan niya.

"Ang kailangan ko ay ikaw." halos mapatalon ako nang may bumulong sa akin. Tumingin ako sa aming paligid ngunit wala.

Nagkibit balikat ako at naglakas loob na patuloy maglakad.

Mag-isa kong tinahak ang daan pauwi sa amin. Magtatakip-silim na. Napakatahimik nang kalsada. Walang ano mang tao sa paligid.

Nakarating ako sa bahay na walang ilaw sa loob. I called Mom pero walang sumagot. Sinubukan ko buksan ang ilaw ngunit hindi ito bumukas.

Brownout ba? May nararamdaman ako masama.

I run upstairs at tinungo ang k'warto ni mom upang magbaka sakali na naroon siya. Hindi ako nagkamali dahil may ilaw mula sa loob ngunit tila patay-sindi.

Kinakabahan na naman ako.

Pinihit ko ang doorknob at halos manlumo ako sa nakikita ko.

Dahil sa takot ay napasigaw ako nang pagkalakas lakas na umalingawngaw sa buong bahay.

"MOOOOOOMMMMMM!!!!!"



The BookWhere stories live. Discover now