Six

576 27 0
                                    

Six

Bumalik ako sa classroom at nagbabakasakaling nanduon siya, kaso wala. May nagtuturo narin kaya pasimple lang akong sumilip sa bintana para hanapin siya. Bahala ng wala ako sa unang subject, hindi naman siguro ikakabagsak ng grade ko iyon.

Sunod kong pinuntahan ay ang field ng school kaso wala akong makitang bakas niya. Saan na naman kaya nagpunta yun?

Sa huling pagkakataon ay sinilip ko ang Roooftop kaso wala padin. Napahinga ako ng malalim at tsaka ko narinig ang pagtunog ng pangalawang bell. Hudyat na tapos na ang unang subject.

Bigo akong bumalik sa classrom ngunit kaagad sumigla ang mukha ko ng makasalubong ko siya sa Hallway.

"Pst" tawag ko ng pansin niya. Nakayuko lang ito.

"Pst" nilakasan ko pa. Ayaw padin niya.

"Mr. Tahimik" sa pagtawag kong iyon ay tuluyan ko ng naagaw ang atensyon niya. Sandali lang siyang tumingin saakin at yumuko ulit.

"Galit ka ba?" Umiling iling siya bilang tugon.

"So bakit ka umalis doon?" Hindi siya nagsalita.

"Pst. Pansinin mo naman ako oh"

"Uy"

"Mr. Tahimik"

"Uy" Nagsimula na siyang humakbang papasok sa Classroom at hindi niya talaga ako pinansin. Inis akong umupo sa upuan ko habang sinusulyapan siya sa likod.

Kinalabit ako ni Ren. "Tama na yan, makinig kana sa Teacher" sabi niya habang ibinabalik ang tingin ko sa hrapan pero ayoko magpa-awat. Panay padin ang titig ko sakanya.

Napapangiti din ako sa tuwing napapatingin siya sa pwesto ko at nagtatama ang paningin namin. Kaagad niya itong iniiwas.

Kumuha ako ng maliit na papel at nagsulat doon.

"Ren, alm mo ba na ang pogi-pogi ni Mr. Tahimik" sulat ko doon at ibinigay kay Ren sa kabilang table.

Matapos niyang mabasa iyon ay napakunot naman siya ng tingin saakin. "Why? Paano mo naman nasabi? Ang werdo kaya niya" sagot niya sa sulat na ginawa ko. Doon niya lang din isinulat ito sa ilalim ng pinagsulatan ko.

"Basta, kung makita mo lang siya kahapon. Nung tinanggal niya yung glasses sa mata niya. Baka magtutitili ka din. Pogi!"

Napangisi bigla si Ren dahil sa nabasa niya. "May ipopogi pa ba yun? Parang wala na e, sagad na" sabi niya.

"Meron pa, tingnan mo one time aayusan ko yun. Sigurado akong mapapanganga kayo." Abot ko ulit ng sulat kaso———

1...
2....
3.....

Tatlong segundo akong pakurap kurap at tsaka ko napansin na nasa tabi ko na pala si Mam at hindi lang yun, hawak niya na ang sulat namin ni Ren.

Napahilamos ako sa aking mukha.

.... at mas lalo akong namula ng binasa niya pa ito sa buong klase. Halos tawanan ang narinig kong reaksyon.

Napasulyap ako kay Mr. Tahimik at kung pupwede lang kainin ng lupa ay gusto ko ng lamunin ako. Sobrang pula ng pisngi niya at ang sama ng tingin niya saakin.

"Who is Mr. Tahimik?" Tanong ni Mam saaming lahat. Napapikit ako sa kahihiyan.

"Sino?"

Ilang beses akong napalunok at tsaka ko nakitang itinuro ni Ren si Mr. Tahimik.

"Ahhh so si Mr. Jelan Lopez pala" lupa please pakikuha na ako. Please lang.  Lord padaliin niyo na buhay ko, nakakahiya.

"Mr. Jelan Lopez, can you stand up." Nahihiya niyang sinunod ang gusto ni Mam.

Yung mga kaklase namin, nagaabang sa mga mangyayare samantalang ako gusto ko ng unalis sa lugar na ito.

"Pwede bang pumunta ka sa unahan, gusto ko lang malamn kung totoo ba ang nakasulat dito" Wala na, wala na talaga. Puro hiyawan ang narinig ko sa mga kaklase ko. Lahat sila naka-abang.

Sinunod naman ni Mr. Tahimik ang sinabi ni Mam tumayo nga siya sa harapan. Napayuko lang ako.. Kinakabahan.

Tinanggal ni Mam ang salamin sa mata niya ngunit di pa namin ito gaano makita dahil nakatalikod ito saakin. Mukhang may inayos pa si Mam sa buhok nito para siguro pormahan lang..... at matapos nun ay.

"Ang pogi nga"

"Dapat lagi siyang nakaganyan"

"Woah"

Sari-saring reaksyon ang narinig ko sa mga kaklase namin, pati nga din si Ren hindi makapaniwala.

"Siya ba talaga yan?" Tanong niya saakin. Napatango ako.

Bumulong ako sakanya. "See pati yung laway mo tumutulo na" pangaasar ko sakanya. Nginitian niya ako ng malapad.

"Pwdeng magpapansin sakanya?" Nakailang pilantik pa siya ng mata para lang magpacute saakin.

"No. Akin na siya"

Pinagmasdan ko si Mr. Tahimik ng nakangiti. I can see that his happy. Nakikita ko yun sa bawat kislap ng mata niya. Pero hindi ko alam kung saakin ba siya masaya o sa mga atensyon na nakikita niya ngayon.

Nagtama ang paningin naming dalawa pero nagpakawala lamang ako ng isang napakalawak na ngiti at nag thumbs up.

Mas lalong naghiyawan ang mga kaklase namin dahil sa biglaang pag-ngiti niya dahil sa ginawa ko.

Ou nga pala, first time naming makita siyang ngumiti.

You're happy right?

VOTE ,COMMENT

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon