Eleven

514 20 0
                                    

Eleven

Nakailang lunok ako dahil sa mga titig na ibinabata niya- hanggang sa napalaki ang mata ko ng biglang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Ano ba? Kailangan ba akong pumikit?

Pero ang mata ko, hindi ko maintindihan. Bakit ka pumikit? Bakit?

Ilang segundo akong napapikit hanggang sa narinig ko ang tawanan sa paligid ko. Bigla akong napamulat at kita ko kaagad ang kunit noo niyang mukha.

"Youre heavy, tumayo kana para makadaan na sila" Hindi ko alam pero parang isang segundo lang ata akong napatayo dahil sa kahihiyan.

Napasulyap ako sa mga tao at alam na alam kong Topic of the day na naman itong nangyare.

Napatingin ako kay Ren. Pati siya nahihiya sa ginawa ko. Hinila ko siya at napatakip sa mukha habang umaalis sa lugar na iyon.

Nakapila na kami para mag-flag ceremony at pinili ko talagang sa likod pumwesto para makaiwas sa mga tingin ng mga kaklase ko at ibang section.

"Kinilig ako kanina" bulong saakin ni Ren.

"Kung alam mo lang kung gaano ako nahiya sa pagpikit ng mata ko- I mean bakit ganun, di ko naman intesyon talaga na pumikit pero parang may isip yung mata ko. Bigla biglang sinusuway ako."

Napangisi siya. "Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga na halikan ka niya"

Inibahan ko nalang siya ng tingin at napatingin sa harapan.

Hinanap na din ng mata ko si Mr. Tahimik nasa gitna pala siya nakapwesto.

"Handa Awit"

Nailagay naming lahat ang among kanang kamay sa kaliwang dibdib at nagsimulang umawit, matapos nun ay marami pang mga announcement na sinabi kaya nung natapos ay hinila ko kaagad si Ren patakbo sa classroom. Nahihiya kasi akong tumingin sakanya lalo pat pumapasok sa isip ko ang pgpikit ng mata ko kanina.

Pagdating sa upuan ko at agaran akong napayuko habang isa isa ng nagsisidatingan ang mga kaklase ko. Usap usapan padin nila ang nangyare sa hagdan kaya magpapanggap nalang muna ako na tulog.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ren.

"Kalabitin mo nalang ako kapag nandiyan na si Mam" tex ko sakanya. Nag okay na din naman siya sa text ko.

Makalipas ng hindi ko malmang minuto-sa kamalas malasan hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Kaya ngayon magisa akong nakatayo at sinasagutan ang assignment namin sa Math. Nahuli ako ni Mam.

Hindi ko naman masisi si Ren dahil alam kong sinubukan niya akong gisingin kaso dala narin siguro ng pagod kagabi at kahihiyan kanina kaya di ako nagising at eto ako ngayon- nagsusuffer.

Nasa blackboard na ako at nagsusulat ng bigla kong masulyapan si Mr. Tahimik na nagsusulat din sa board. Sakanya kasi pinasagutan ang Question number 1 at 2 ako kaya nasusulyapan ko siya.

Nauna siyang matapos saakin at tama siya sa sagot niya.

Pinagmasdan ko ang sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ito o hindi pero-

"Wrong" inis na sambit ni Mam

"Solve it again" mala-awtoridad na sambit ni Mam kaya wala akong magawa kundi burahin ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung paano ito sagutin? At ano naman ang alam ko dito? Kinopya ko nga lang ito.

"Ms. Vergara, if you want to pass this subject then make sure na palaging mulat yang mata mo at siguraduhin mong nakikinig ka sa klase ko. You may sit down" galit na sambit ni Mam

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon