Twenty Eight

441 22 0
                                    

Twenty Eight

Nakalabas na ako sa Hospital, pinangakuan ko lang si Jamie na palagi kong siya dadalawin doon kapag may free time kaya medyo hindi naman siya ganuon ka nalungkot.

"Apo, kumain kana muna, Papasok ka na ba bukas?" Tanong ni Lola saakin. Nasa apartment na din kami.

Tumango ako. Wala pa si Tita.

"Kung ganun, uuwi na ako bukas ng madaling araw at nagaalala na din yung Lolo mo doon" sabi niya. Naptango na lang ako at niyakap siya.

"Salamat La" paglalambing ko sakanya.

"Wala iyon, huwag ka na ulit magkakasakit. Pinagaalala mo lang kami ng Lolo mo." Tumango ako.

"Sige na maupo kana at kakain na tayo, darating na din maya maya si Tita mo."

Makaraan ng ilang minuto ay nariyan na nga si Tita. May dala itong pagkain.

Daming pagkain sa hapag...

Bigla tuloy akong natakam, nagpray lang kami ng sabay sabay at nagumpisa na ring kumain.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng may inabot na papel saakin si Tita.

"Pinapabigay ng Adviser mo" tiningnan ko lang ito.

Acquittance Party?

"Inorganize yan ng Student President ng school, nagbayad na ako ng para sayo kaya dapat pumunta ka." Natahimik ako. Wala akong balak pumunta sa mga ganyan. Sinimangutan ko siya.

"Okay na din yan para makapaghalubilo ka naman sa mga kaklase mo, narinig ko kasi na palaging kayo lag din ni Ren ang magkakasama palagi" lumabas sa kabilang tenga ang mga sinasabi ni Tita.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagisip isip, napapaisip ako doon sa sinabi ni Tita na acquitance party. Kapag naman hindi ako umattend doon paniguradong sandamakmak na pangaral at pagalit ang matatanggap ko sakanya.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ren.

"Alam mo ba yung acquitance party?" Text ko sakanya. Maya maya ay nakita ko na ang pagtawag niya.

"Hello!" Masiglang sambit niya.

"Oh!"

"Nga pla nakalimutan kong sabihin sayon ang about doon. Punta daw tyo" sabi niya.

"Hindi ba dapat pang first year lang yun?" Tanong ko sakanya.

"Ou, kaso nilahat nalang nung Student President, para naman daw magkikita kita ang mga First year to 4th year." Napasimangot ako.

"Kamusta na nga pala pakiramdam mo?" Pagiiba niya ng usapan.

"Okay naman na, papasok na ako bukas"

"Good, good. Gumawa ng mga notes si Raf sayo" Bigla ko na namang naalala ang sinabi sakin ni Mr. Tahimik.

"Ren"

"Hmmm"

"Wala ka bang napapansin kay Raf? I mean may something ba sakanya?" Tanong ko.

Sandali siyang natahimik. "Why? Wala naman!"

"Sige. See you tomorrow " aniya at pinatay na niya ang tawag.

~*~

Magisa akong naglalakad sa kahabaan ng highway ng makita kong nakasunod pala sa likod si Mr. Tahimik.

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy lang ako sa paglalakad. Narinig ko lang din ang pagbati niya pero tiningnan ko lang ito.

Nakasalubong ko sa gate ng school si Raf. Patakbo akong lumapit sakanya. Napansin niya rin siguro si Mr. Tahimik na nasa likod ko, napasulyap kasi ito dito.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon