Thirty Nine

394 17 0
                                    

Thirty Nine

Nagising ako sa napakaliwanag na paligid na nakikita ng mata ko, naramdaman ko rin ang Benda na nasa ulo ko.

Bigla akong kinabahan, agaran akong napatayo at tinanggal ang mga nakatusok sa  kamay ko.

Si Ren lang ang laman ng isip ko, naiiyak ako. Halos paika-ika akong palabas sa kwartong iyon ngunit may maagap na sumalo saakin. Tinulungan niya akong mapatayo at nung magtama ang paningin namin ay mas lalo akong naiyak.

It’s Jelan my Mr. Tahimik.

“Si-Si Ren kailangan kong makita si Ren.” Tuloy tuloy na nagbagsakan ang mga luha sa mata ko habang iginagala ang tingin ko.

Wala akong pakialam kung siya ba itong napagtatanungan ko, wala na rin akong pakialam kung bakit nakakulay puti ang suot niya. Ang gusto ko lang malaman ay ang kalagayan ng kaibigan ko.

“Enid, calm down.” Napapikit ako sa mga sinasabi niya at tinanggal ang kamay niyang nakaalalay saakin.

I need to see Ren, mababaliw na ako. Akala ko panaginip lang ang lahat. Hindi matigil ang mata ko sa pagiyak habang ang daming sumasagi sa isip ko.

Si Ren lang ang nag-iisang kaibigan ko, hindi siya pwedeng mawala saakin. Lahat ng mga taong napapalapit saakin, iniiwan ako at kung may dapat na mawala rito, ako nalang. Huwag na yung mga taong binibigyan ko ng importansya.

Nakakalayo na ako sa room ko ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

“YAH! Nandito ako.” Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha ng makita ko ang nakangiting si Ren na kumakaway saakin.

Patakbo ko siyang niyakap ng napakahigpit.

“Yah, akala ko iiwan mo na ako.” Napatingin ako sa Doctor na nasa harap ko. Jelan? Nakita ko na siya kanina.

“Di kita maiiwan, sabay pa nga tayong tatandang dalaga diba?” hinampas ko siya at inalayan naming ang isat-isa na pumasok ulit sa kwarto namin. Pinunasan niya ang luha sa mata ko.

“Ako nalang ba palagi magpupunas ng luha mo, kung hindi kay Jelan ka umiiyak, saakin naman.” Bigla kong natakpan ang bunganga ng babaeng ito. Awkward ko lang tiningnan si Jelan at umiwas kaagad.

Nasa tabi ko lang pala siya, may tabing lang na kurtina kaya hindi ko siya napansin. Masyado akong nagaalala.

May benda rin ang ulo niya. Napahinga ako ng malalim ng makaupo sa kama.

“Doctor Jelan?” napalunok ako ng tinawag ni Ren ang pangalan niya. Hindi ako makatingin ng maayos, inibahan ko ng tingin si Ren.

Lumapit siya saamin.

“Doctor kana pala?” tanong niya. Nahiga ako sa kama at tinalukbong ang kumot.
Bigla ring sumakit ang pinag-turukan saakin ng mga gamut. Napahinga ako ng malalim at minasa-masahe iyon.

Nagulat ako ng biglang hilain ni Mr. Tahimik- I mean Jelan ang kumot ko at kinuha ang kamay ko.

“Sa susunod, huwag mo ng bastang bastang hinihila ang mga gamut na tinurok sayo. Delikado.” Aniya habang ikinakabit ang mga iyon sa kamay ko ulit.

Napatahimik ako sa mga sinasabi niya at hindi makatingin ng diretso sakanya. Iniharang ko rin ang kamay ko sa mata ko dahil ayoko siyang makita ngayon.

“K-kailan ka pa nakabalik?” tanong ulit ni Ren sakanya.

“Last month.”

“Ah, tama nga yung sinabi ni Aiza.” Ipinilit kong ipikit ang mata ko at patay malisyang hindi nakikinig.

Te-Teka, nasaan ang phone ko?

Bigla akong napatayo at napatingin kay Ren.

“Phone ko?” tanong ko sakanya. Nagtama din ang tingin ulit namin ni Jelan pero iniwas ko agad. Nagkakabit padin siya ng gamut sa katawan ko.

“Nasa drawer mo, katabi ng hinihigaan mo.”

“Huwag kang malikot.” Ani pa nito. Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko kaagad ang phone ko sa drawer at halos mabitawan ko ito ng makita ko ang 50 misscall.

Nagvibrate ulit….

Ramdam ko ang mga titig nila sa gagawin ko.

Napalunok muna ako bago ko sinagot ko ito.

“WHERE ARE YOU?” halos rinig sa kabilang kwarto ang bunganga ni Sir sa kabilang linya.

“Sir, I’m sorry but I think I can’t come today. Nandito po ako sa Hospital ngayon-”

“So problema ko? Ilang beses ko bang sasa-” kaagad nanlaki ang mata ko ng biglang kunin ni Jelan ang phone ko.

“Yes Hello, This is Dr. Jelan Lopez, doctor po ni Enid Vergara. May aksidente pong nangyare kagabi at hindi ko po siya papahintulutan as Doctor niya na lumabas ng Hospital, madami po kasing naging findings ang mga test na isinagawa naming sakanya. I’m sorry, we can give you a medical certificate as proof at kung ayaw niyo paring maniwala ire-raise namin ito sa Dole dahil inaabuso niyo ang karapatan ng mga empleyado niyo.” Napanganga kaming dalawa ni Ren dahil sa dire-diretso niyang pagsasalita at pagpatay ng phone ko.

Matapos nun ay iniwas ko na kaagad ang tingin ko sakanya at humiga ulit. Hinayaan ko siyang kalikutin kung ano ang gagawin niya sa kamay ko. Hindi na ako ulit tumingin sakanya hanggang sa umalis siya.

“Huwag kana mag-panggap diyan. Nakaalis na siya.” Kaagad kong itinanggal ang kumot kong nakatalukbong kanina pa.

Napasimangot ako.

“Sa dami-dami ng Doctor at Hospital, bakit dito pa at siya pa?” umupo ako sa tabi niya at hinila ang dextrose ko.

“Pero okay ka lang ba talaga? Base kasi sa itsura mo kagabi, parang naka-I.C.U kana ngayon.” Sabi ko habang seryosong nakatingin sakanya. Inismiran niya ako at kinurot sa tagiliran.

“At kung nasa I.C.U nga ako, baka naglulupasay kana sa iyak ngayon. Pasalamat ka at ginising ako ni Jelan dahil nagaalala siya sayo na nagiiyak sa kahabaan ng hallway ng hospital.”

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Pero anong nangyare kagabi? Bakit tayo nandito?” wala sa wisyong tanong ko sakanya.

“Bigla akong nahilo kagabi-next thing I know maibabangga ko na sa nauunang kotse ang sasakyan mo kaya kaagad kong iniwas at naibangga ko nalang sa puno.” Tumingin siya ng may halong pagmamakaawa sa harap ko.

“I feel bad for your Fortuner, na-sampulan na.” natawa ako sa sinabi niya.

“Okay lang, ang mahalaga hindi naman tayo gaanong napuruhan. Anong sabi ni Jelan, kalian daw tayo makakalis dito?” inibahan niya ako ng tingin.

“Jelan nalang? Nasaan na ang Mr. Tahimik mo?”

“Hindi na kami mga bata, I’ve matured enough. I will call him Jelan now.” Binigyan niya na naman ako ng makahulugang tingin.

“Talaga ba? Kagabi lang, kung makaiyak ka sakanya parang wala ng bukas tapos ngayon namang nasa harap mo na siya, ang poker face mo na. Jelan pala ah!” pangaasar niya pa lalo saakin.

Inirapan ko siya at bumalik na ulit sa kama ko.

“Bahala ka mag-isip ng mga gusto mong isipin. Buo na ang loob ko. Kakalimutan ko na siya.” Narinig ko ang halakhak niya.

“Enid, pagisipan mo nga muna yang mga pinagsasasabi mo. Kinikilabutan ako” binato ko siya ng unan.

“Totoo na nga…” pangungumbinsi ko sakanya.

Pinigilan niya ang tawa niya at humiga na rin. Tumingin siya ng seryoso saakin.

“Nakaka-amaze lang, hindi ko aakalain na magiging Doctor siya.” Napaisip ako sa sinabi niya.

“Mee too.” Sambit ko at nilamon na naman ako ng mga iniisip ko.

At ang isa sa nakikita kong rason  kung bakit niya kinuha ang kursong medisina ay dahil siguro kay Jamie. It was a good choice Jelan. Good Choice.

VOTE, COMMENT

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon