Thirty Three

388 17 0
                                    

Thirty Three

Tamad akong pumasok ng school, sumasakit din ang ulo ko dahil sa pagrereview. Mag e-exam na para sa 4th Grading at hindi ko alam kung may itatama ba ako sa exam ko.

Nakakaiyak, kinakabahan ako baka kasi sa 4th year hindi na kami magka-klase.

May humawak sa balikat ko kaya kaagad akong napaiwas, paglingon ko siya lang pala.

"Akala ko kung sino." Bulalas ko.

"Sorry" aniya. Sinimangutan ko siya.

"Why?" Tanong niya. Sabay na kaming naglalakad papasok sa loob.

"Baka kasi hindi na kita maging kaklase sa 4th year, hindi ko alam kung tama ba mga isasagot ko." Napangisi siya at pinitik ang noo ko. Sakit.

"Nakaya mo naman akong sundan nung 3rd year ah, kaya mo rin to." Sinamaan ko siya ng tingin. Ako naman palaging sumusunod sayo.

Naglalakad kami sa hallway at pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Mas lalo akong napasimangot.

"Paano kaya kung ikaw naman sumunod saakin sa ibang section?" Masiglang sambit ko sakanya ngunit nagpanggap lang siya na parang walang narinig.

Ou na, ako na. Ako na naman ang susunod sayo. Sabay kming pumasok sa loob ng classroom. Kinakawayan na din kami ni Ren.

Tahimik akong umupo sa upuan habang may halong pagtataka ang mga tingin ni Ren.

Kinalabit niya kaagad ako.

"Nagaway kayo?" Ininguso niya si Mr. Tahimik. Umiling iling ako.

"Then bakit ganyan mukha mo?"

Napahinga ako ng malalim.

"Napapaisip lang ako sa future, baka kasi hindi ko na siya maging kaklase sa 4th year. Edi sulyap sulyap na naman ang mangyayare saakin." Hinawakn niya lang ang kamay ko at pinalakas loob ko.

Napatingin saakin si Mr. Tahimik at himinga ng malalim.

Nagumpisa na ang exam at.....

Blangko ang utak ko. Napatitig ako kay Mr. Tahimik at ang gwapo-gwapo niya habang nagsasagot. Ang pogi niya habang nagsusulat. Napapangiti ako habang nagbabasa siya-hanggang sa shocks. 10 minutes nalang at matatapos na ang exam sa unang subject at ni pangalan ko wala pa akong sinusulat.

Napansin ata ni Mr. Tahimik ang pagkataranta ko at tsaka siya napabuntong hininga at tumingin sa nagbabantay tapos kinuha niya ang papel ko at ipinalit ang kanya.

Hala.

Napatingin ako sa pangalan niya kaso wala pa siyang nilalagay na pangalan. Sumenyas nalng ito na sulatan ko ng name ko kaya iyon ang ginawa ko.

Napanganga ako ng wala pa ngang sampung minuto ay tapos na kaagad siya.

Woah. Ang talino niya talaga.

Buong araw na ganun ang ginawa niyang tactics sa lahat ng exam. Ang sama rin ng tingin niya saakin habang papauwi kami.

"Sa susunod, di na kita tutulungan. Tandaan mo yan" hinilot hilot niya ang batok niya.

The Stars Above usWhere stories live. Discover now