Twenty

412 18 0
                                    

Twenty

Halos magmukhang muslim na ako ng pumasok sa loob ng classroom, ayokong ibalandra ang puro pantal-pantal kong mukha, mas mabuti ng pagtinginan nila ako kaysa sa makita nila ang pamamantal ng mukha ko. Baka iwasan pa ako ng iba.

Kaagad na ikinabit ni Ren ang kamay niya sa braso ko.

“Ano ba yang suot mo? Para kang muslim!” aniya at isinilip ang mukha ko. Nanlaki mata niya.

“Yah, anong nangyare sayo?” ibinalik niya  rin ang shawl sa ulo ko at pinulupot uli.

“Nakatulog ako sa ilalim ng puno, di ko alam na pinagpi-pyestahan na pala ako ng lamok.” Sagot ko.

Natawa siya sa sinabi ko kaya napayuko na lang ako, hinayaan ko siyang magkwento ng magkwento sa tabi ko. Buti nalang at hindi parin nagkaklase sa unang subject kaya nakayuko lang ako buong oras na inuukopa nito.

Napaupo ako ng maayos ng marinig ko ang pangalawang bell, nagumpisa naring manahimik ang buong klase. Baka darating na si Ma’am ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

Pinagpapawisan din ako ng malamig. Tinanggal ko ang shawl na ibinalot ko sa ulo at leeg ko. Nainitan na ako. Kinuha ko ang face mask ko sa bag.

Napatingin din ako kay Ren na ngayon ay nakahalata na sa pinapakita kong panghihina.

Lumapit siya saakin. “Bakit? Nahihilo ka?” Napatango tango ako sa sinabi niya.

Naramadaman ko ang pagkataranta niya, napatingin na din saamin ang nasa harapan namin.

“May sakit siya?” tanong nung babaeng maikli ang buhok na nasa tapat ko.

“Ou ata!” sagot ni Ren.

“Dalhin mo nalang siya sa Clinic, kami na ang bahala kapag nag-attendance si Ma’am” aniya.

Tinulungan ako ni Ren na makatayo habang nakasunod saamin ang mga mata ng iba kong kaklase. Nanghihina na talaga ako.

“Enid okay ka lang? malapit na tayo sa Clinic. Uy” tumango tango ako sa sinabi niya hanggang sa hindi ko na talaga kinaya. Nasa hagdan na kami ng bigla ng bumigay ang katawan ko.

Napangiti ako bago tuluyang mapapikit. Pati din ba sa panaginip, pumapasok ka pa.

I saw him, nagaalala habang pinipilit na gisingin ako.

~*~
Nagising ako sa naririnig kong ingay sa paligid. Nasa tabi ko na rin si Tita.

“Gising kana, ano uuwi na ba tayo? Kaya mo na ba?” aniya na may pagaalala.

“Hindi Ta, may klase pa ako.” Sabi ko.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?’ nagaalalang tanong nito saakin.

“Okay naman na po, nawala na din ang sakit ng ulo ko.” Sagot ko.

Hinayaan ko lang si Tita na kausapin yung Nurse na nagbabantay saakin doon at nagayos na para sa pagbalik sa klase.

Hindi katulad kanina, medyo nakakaya ko na ulit maglakad. Normal na rin ang pakiramdam ko. Nakaalalay lang din saakin si Tita ng hinatid niya ako sa classroom. Nagexcuse lang siya sa teacher namin at kinausap ito sandali samantalang ako ay nagtuloy na saakin upuan.

Halata din sa mga mata ni Ren ang pagaalala habang nakatingin saakin. Nginitian ko lang siya at inayos ang face mask na hindi hinyaang tanggalin ko ng nurse. Nagpaalam sandali saamin ang teacher kaya iniyuko ko muna ang ulo ko.

Maya-maya ay biglang umingay sa buong paligid. Kinakalabit din ako ni Ren ngunit hindi ko siya nilingon dahil mas gusto kong ipikit lang kahit sandali ang mga mata ko, hindi nagtagal ay dumating na ulit ang Teacher namin kaya napaayos na ulit ako ng upo ng bigla kong maramdaman ang presensya ng katabi ko.

Kita ko rin ang panay sulyap ng mga kaklase ko sakanya. Unti-unti ko itong nilingon at kaagad nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa harapan ko.

Pinindot ko pa ang kanang pisngi niya para makasigurado pero totoo nga, nandito na ulit siya.

Omygod. My Mr. Tahimik is here na….

Bigla akong nabuhayan ng dugo.

Tumingin ako sa likod niya para magtama ang mata namin ni Ren.

“Kanina pa kita kinakalabit” bulong niya.

Biglang nagdiwang ang mga labi ko at kusang napangiti. At ang hindi ko matanggap sa oras na ito ay ang pagbabago ng anyo niya.

Nasaan na ang malaking eye glass niya? Dapat ako lang ang may karapatan na nakakakita ng kagwapuhan niya, ako lang dapat. Kaya pala hindi matigil ang pagtingin sa pwesto namin ng mga kaklase ko dahil sa itsura niya ngayon.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.

“I heard youre sick.” Bulong niya.
Napatungo-tungo ako.

“Parang hindi naman” sabi niya at may kinuha sa bag niya, naglabas na naman siya ng libro. Napasimangot ako, hindi ko na naman siya makakausap dahil libro na naman ang kaharap niya.

Napangalumbaba ako ng may bigla siyang ipinatong sa table ko.

Pagtingin ko ay limang malalaking tobleron at watch.

Kaagad nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

“P-Para saakin ito?” pangungumpirma ko sakanya.

“Siguro? Kaya nga pinatong ko sa table mo diba.” Ikinagat ko ang ibabang labi ko at gustong gusto ko siyang yakapin dahil sa sobrang pagaalala, pagkamiss ko sakanya pero anong magagawa ng isang estudyanteng tulad ko, may nagka-klase sa harapan tapos bigla ko siyang yayakapin? Mamaya ay sa Guidance Councelor ang bagsak namin, naidamay ko pa siya.

Tiningnan ako ng kakaiba ni Ren at iwinawagayway din ang tatlong tobleron na ibinigay sakanya ni Mr. Tahimik.

Pero okay lang, atleast saakin lima at may watch pa.

Kumuha ako ng kakarampot na papel.

Thank you”

Ibinasa niya iyon at napangiti. Napasulyap lang siya sandali saakin at nagbasa na ulit.

Sa mga oras na ito parang gusto kong tumakbo palabas at magtata-talon dahil sawakas, tapos na ang isang buwan na pangungulila ko sakanya at hindi ko lang siya kaklase, katabi ko pa siya!.

If God give me this blessing, then I am always be grateful na sana hindi na matapos ang blessing na ito.

Tinitigan ko siya habang nagsusulat at nakikinig.

Woah, nakababa na ang buhok niya. Yun bang mga hairstyle ng mga napapanuod mo sa mga K-Drama ganun na ganun na ang itsura ng buhok niya ngayon.

Napapangiti ako na parang tanga ng bigla siyang tumingin saakin. Iniharap niya lang ang ulo ko sa pisara at nakinig ulit.

Kahit na gustong-gusto ko siyang titigan maghapon habang nagka-klase ay hindi ko magawa pero mas okay na ito kaysa noong second year na bawat subject siya ang hinahanap-hanap ng mata ko.

But atleast ngayon, kapag kailangan kong makita ang mukha niya, isang lingon ko lang nariyan na kaagad.

How lucky I am.

VOTE, COMMENT

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon