Chapter 10: Ang babaeng Hipon

1.7K 192 123
                                    

(RAFFIE'S POV)

           Naiinis pa din ako kay Grey kasi pinagtawanan nya ko kanina.

         At the same time, naiinis din ako sa sarili ko.

         Duh! napaka-o.a. nga naman kasi ng reaksyon ko. Linta lang kung makasigaw, wagas!

         Kasi naman! Kadiri naman talaga noh!

         Tapos itong bruhitong katabi ko kung makatawa akala mo wala ng bukas! 

          "Hmmmp" sabay irap ko sa kanya. Pag di pa 'to tumigil, masasaktan na sa akin 'to.

           Nahalata naman siguro na naiinis na ko sa kanya kaya ayun, tumigil na din sa pagtawa....

.

.

.

.

.

                               ng malakas.....

           Halata naman kasi na nagpipigil lang siya..... Ayan nga o... namumula na....

          Kaya pagdating na pagdating namin sa bahay niya, dirediretso na kong bumaba.

          Hmmp......

          Agad naman siyang sumunod sa akin.

          "Huwag ka ng magalit. Binibiro lang ..."

          Hindi na nito nagawa pang tapusin ang sasabihin dahil sa biglang pagyakap dito ng isang babae.

          "Honey ko! I miss you!!!!"

         Akala ko ba nawala na ang linta! Bakit may naiwan dito? nakabusangot kong tanong ng makita ko ang babaeng nakakapit kay Grey..

          Lalong nadagdagan ang nararamdaman kong pagkairita ng biglang kabigin ng babae ang batok ni Grey saka ito hinalikan!

          Napakaagresibo naman nitong babaeng ito! Buti sana kung kagandahan!

          At ang lalakeng antipatiko, mukhang enjoy na enjoy naman...

         Inis na inis akong pumasok sa loob ng bahay.

.

.

(GREY'S POV)

           Ang cute naman nitong babaeng 'to kapag nagagalit.

           Nawawala na halos yung singkit na mata tapos namumula pa yung mukha.

            Lalo tuloy akong natuwa na asarin siya.

          Kaso nasobrahan na ata yung pang-aasar ko. Mukhang kakatayin na ko nitong babaeng ito a.

           Agad siyang bumaba pagkahintong-pagkahinto nitong sasakyan ko sa tapat ng bahay.

            Hinabol ko naman siya upang humingi ng paumanhin. Hindi ko siya dapat inasar.

             Huwag ka ng magalit. Binibiro lang ..."

            Kaso hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko kay Raffy dahil sa biglang pagsulpot at pagyakap sa akin ng isang babae.

             "Honey ko! I miss you!!!!"

            I was taken by surprise kay hindi agad ako nakabitaw sa pagkakayakap niya.

Turuan ng leksyon, babaeng matonWhere stories live. Discover now