CHAPTER 23.1: By Your Side (Part 1)

1.2K 126 42
                                    

<GREY'S POV>

      "Raffie! Nasan ka na? Raffie!" I run mindlessly and  repeatedly shouted her name. Pero wala akong nakuhang tugon mula sa kay Raffie.

        Parang sasabog ang dibdib ko sa tindi ng pag-aalala. Nanlalamig na ang buo kong katawan at butil-butil na pawis na ang tumutulo mula sa noo ko.

        Kung anu-anong masasamang imahe ang pumapasok sa isip ko.  But I brushed away those ugly images. Walang maaaring mangyaring masama kay Raffie. Tigre yun. Isang maton. Takot lang ng mga masasamang loob na lumapit sa kaniya.

      That's when I saw her green cap that was carelessly dropped at the edge of a ravine.

      Cold chill runs through my blood as I picked up her cap and looked down.

      Namutla ako ng makita ko siyang walang malay sa ibaba ng bangin.

       Agad akong kumilos. Tinalunton ko ang daan pababa upang makita ko ang kanyang kalagayan. Mabuti na lamang at hindi naman ito masyadong matarik  at may mga batong maaring makapitan.

       Hindi ko na inalintana kung magkasugat-sugat man ang aking mga kamay at braso dulot ng matatalim na batong kinakapitan ko. Kung ilang beses din akong nadulas at muntik na mahulog. Pero hindi ko ito pinansin dahil sa pagnanais na makalapit agad kay Raffie.

        Nang sa tantya ko ay kulang dalawang talampakan na lang ang layo ko mula sa baba ay tinalon ko na iyon at dagliang pumunta sa kinaroroonan niya.

       "Raffie!" tawag ko sa kanya sabay dama sa kanyang pulso. I'm so glad after feeling some beat from her pulse.

        Kitang-kita ko yung mga galos sa kanyang mukha't braso. Mabuti na lamang at naka-maong pants siya kung hindi'y baka buong katawan na niya ang may sugat.

       Kasabay noon ay ang mahina niyang pag-ungol, tanda ng pagkakaroon ng malay at dahan-dahang pagdilat ng kanyang mga mata.

     "Grey.." ang tangi nya na lamang nasabi sabay ng tangkang pagbangon.

      Agad ko siyang inalalayang makaupo. Ngunit dagli siyang napangiwi.

      "Bakit? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalala kong tanong.

      "Napilay ata 'yung kanang balikat ko. Ang sakit pag nagagalaw." saad nito.

      "Huwag mo ng piliting gumalaw. Baka lalong lumala kung pilay man iyan o bali ng buto." sansala ko sa kaniya.

      Ngunit umiling ito. "Gusto kong umupo" anito na pilit pa ding ibinabangon ang sarili kaya napilitan akong muli siyang alalayan.

      Hay! I sighed heavily. Ito talagang babaeng ito, napilayan na't lahat, pinapairal pa din ang tigas ng ulo niya.

      "Ano bang nangyari? Bakit ka nahulog dito?" tanong ko sa kaniya. Panay ang linga ko sa paligid sa pag-asang may makikita akong bagay na pwedeng ipang-suporta sa kanyang braso.

       "Hinabol kasi ako ng malaking aso. Sobrang dilim na kasi kaya hindi ko na namalayang nakarating na pala ko dito." pahayag nito habang nangingiwi.

       Sa sinabi nito ay may naalala ako.

       "Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo at umalis ka na lang basta ng bahay?"

        Ngunit sa halip na sumagot ay umiwas lamang siya ng tingin.

        "Ang lakas ng loob mo. Kababae mong tao, gabing-gabi na e nasa daan ka pa! Paano kung mas malala pa dyan yung nangyari sa 'yo? Hindi mo man lang inisip yung mga taong mag-aalala sa 'yo! Pinairal mo na naman yang katigasan ng ulo mo!" di ko mapigilang ilabas ang inis ko sa kanya dahil sa labis niya akong pinag-alala kanina.

           "Just shut up, will you!" aniya sa akin sa mataas na tinig.

           "Hindi ako basta-basta umalis. Nagpaalam ako ng maayos kay Manang,kanina. Sinabi ko din na tatawagan ko siya pag-dating ko sa bahay namin." aniya sabay irap sa akin.

          Lalo akong nainis sa sagot niya. Ganun! Si manang lang ang naisip niya.

       "Bakit si manang lang ba ang mag-aalala sa 'yo ha? Si Blue, sa tingin mo di mag-aalala? Ako, palagay mo ba hindi ako mag-aalala na bigla ka na lang umalis?" there, I finally said the thing that has been bugging me.

       "Sarilinin mo na lang 'yang pag-aalala mo. Hindi ko yan kailangan, or rather, ibigay mo na lang yan sa girlfriend mo. Siya lang naman ang pinapaniwalaan mo di ba." anito sabay ng pilit na pagtayo.

       Ngunit muli itong napangiwi at muntik ng mabuwal kung hindi ko maagap na naalalayan.

       "Tumigil ka na nga. Pinapairal mo na naman yang init ng ulo mo. Magwo-walk-out ka na naman. Paano ka makakaalis dito? Gagapang ka paakyat." di ko mapigilang asik ko sa kanya.

       "Wala kang pakialam! Mas mabuti na yun kaysa naman nandito ako kasama yung tao na walang tiwala sa akin. Doon ka na lang kay Cielo. Sa kanya ka lang naman naniniwala di ba." bakas ang hinanakit sa boses ni Raffie habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

      Pero hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa kanya sa kabila ng pilit niyang pagpupumiglas.

        "Ano ba, sinabi ng bitawan mo ko! Umalis ka na lang dito, pwede ba!" naiiyak na ito dahil sa sobrang emosyon.

       Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Basta ang gusto ko lang ng mga oras na iyon ay ang payapain siya.

       The next thing I know, yakap-yakap ko na si Raffie habang umiiyak ito sa mga bisig ko.

      "I'm sorry." paulit-ulit kong sinabi sa kanya.

        "Jerk... Bastard... Moron..." paulit-ulit naman niyang sinasabi habang umiiyak.

        "Hush.." I cupped her face. "Sorry for being a jerk, bastard and a moron"

        At muli ko siyang niyakap.

     

      

   

      

       

      

     

Turuan ng leksyon, babaeng matonWhere stories live. Discover now