Chapter 25: Keso ^_^

1.2K 110 38
                                    

A/N: Kayo po ay mauna ng binabalaan na ang mga sumusunod na eksena ay punong-puno ng kakornihan at maaring nakakaumay para sa iba.   :-D
        

_____
Raffie's POV>

            I love you Raffie....

               I love you Raffie.....
  
                   I love you Raffie.....

          Parang sirang plakang paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko ang sinabi ni Grey.

          Funny, but just thinking about it gives a warm feeling in my chest.

          At ang totoo, parang kinikilig ako!

          Just imagining his reaction, his eyes looking at me intently, his heavy breathing while declaring his love! Shemay! Sagad hanggang bones ang kilig na nararamdaman ko.

           Raffie, behave! I told myself. No matter how gwapo o kalakas ang sex-appeal ng lolo Grey, hindi ako pwedeng mahulog sa kanya at this early stage!

           For crying out loud, we've only met recently! Wala pang 2 buwan. Tapos, kinikilig na 'ko ngayon! Ano ba!

            Akala ko ba maton ako, matapang, hindi kayang saklawan ng kahit sinong lalake? Bakit naman isang I love you lang galing kay Grey e heto ako't halos himatayin sa kilig!

           Sh*t-e, otso, nueve, dyes!

           Manligaw muna siya noh!

           Pero hindi ko pa din mapigilang mapangiti! Shemay! Mukha na kong baliw nito!

___________

           Kinahapunan, nagulat pa ako ng mabungaran ko si Blue sa labas ng pinto ng kwarto ko.

         "O Asul, anong ginagawa mo dyan?"taas noo kong tanong sa kanyang na sinabayan pa ng taas ng kilay.

       Hindi naman ito nabalino sa galit ko. Sa halip ay nakangisi pang tumugon.

       "May pinabibigay sa 'yo si kuya." anito.

        Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

        "Ano na naman yang gimik nyong magkuya, aber?" nakapameywang ko pang tanong

        Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin.

       "Hindi ka naman ata interesado e. Ibabalik ko na lang 'to kay kuya." pagkatapos ay umakmang aalis.

      "Ano ba 'yan?" sabay lahad ng kamay. "Akin na kasi!"

       Naku! Napakamapang-asar talaga ng batang 'to!

       Lumapad ang ngiti sa mukha ni Blue.

      Pagkatapos ay may ibinigay siya sa aking tatlong cute na teddy bear na kulay abo, pula at pink. May nakasulat pang G-A-R sa bawat isa.

      "G, A, R?" takang-taka ako ng makita ko ang mga letrang nakasulat sa bawat bear. Ano kayang ibig sabihin nito?

       "Hoy, Asul, anong ibig sabihin nitong
mga letters na to?"

        He just shrugged his shoulders. Sabay sabing "Bakit 'di si kuya ang tanungin mo?" saka tatawa-tawa itong umalis.

        Baliw na Asul! Bulong ko sa aking sarili.

Turuan ng leksyon, babaeng matonWhere stories live. Discover now