Chapter 19: Hindi Pwede 'To!

1.4K 167 73
                                    

<GREY'S POV>

             Natanaw ko si Raffie na nanggaling mula sa dining area. Kakawayan ko sana siya para yayain na sumama sa amin ngunit tuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay.

              Saan kaya ito pupunta? Naku! Baka naman mapaaway na naman yun a. Para kasi itong trouble-magnet! Laging sinusundan ng gulo!

            Tatayo na din sana ako para sundan siya ng hawakan ni Cielo ang braso ko.

            "Grey, aalis ka na ba? hindi mo pa na nauubos yang pagkain mo. Paborito mo iyang hamonado di ba? I made that myself." nakalabi pa nitong sinabi sa akin at pinalambing pa ang tinig.

            Napilitan tuloy akong muling bumalik sa aking kinauupuan.

            Napangiti naman si Cielo at muling dinagdagan ang pagkain sa plato ko sa kabila ng aking pagpigil sa kanya.

           "Ano bang tama na, tama na! Ubusin mo yan. Hinanda ko iyan para sa yo. " saad nito habang pigil-pigil ang kamay ko na sinasaway siya sa pagsandok.

            "Sinabi kasi sa akin ni Rina na baka dumaan ka dito after nyo sa manggahan kaya personal kong niluto iyan. I know how much you love my hamonado" and she once again flashed her seductive smile.

          I looked at her intently. Funny.. Dati kapag nginingitian na ako ng ganun ni Cielo, ang lakas na ng kaba sa dibdib ko. Pero ngayon, parang wala nang epekto.

         And somehow, may ibang ngiti na pumapasok sa isip ko. Those mischievous smile and twinkling eyes. Why can't I erase them from my mind?

          Damn! hindi ito pwede!

           Naputol ang pagmumuni-muni ko marinig ko ang malakas na boses ni Raffie

         "Patrick!" masaya nitong bati.

  

         At nakita kong sinalubong naman siya ng bestfriend ko at inakay sa kinauupuan nila ni Gaston

           Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis! Attention seeker! ang dami-daming bisita, kung makahiyaw akala mo siya ang may-ari ng bahay!

           Ito namang bestfriend ko! kanina pa pala nandun e hindi man lang ako nilapitan!

  

         Lalong lumalim ang pagkakakunot sa noo ko ng makita kong hinawakan pa ni Patrick sa siko si Raffie.

        Pwede namang igiya sa upuan ng hindi hinahawakan di ba?! Di naman imbalido si Raffie! Kailangan talaga may kasamang hawak!

        Nginitian din ni Gaston si Raffie. Saglit silang nag-usap at napansin ko ang pagtingin nilang tatlo sa direksyon ko.

         Bahagya ko silang tinanguan at bumaling kay Cielo upang magkunwaring abala ako sa pakikipag-usap dito.

         Pero maya't-maya ay sumusulyap ako sa gawi nila. Somehow just the mere thought that they are happily talking to each other irritates me.

       

         Sumikdo ang dibdib ko sa naisip. Arrgh! What's happening????

         Nakita ko ng alukin ni Gaston ng pulutan nilang adidas at isaw si Raffie. Muntik na kong matawa ng malakas ng rumehistro ang pandidiri sa mukha ng dalaga.

Turuan ng leksyon, babaeng matonWhere stories live. Discover now