Chapter 11: "Touch Love"

1.7K 185 98
                                    

<RAFFIE'S POV>

        

           Feeling ko nabugbog ako dahil sa maghapong pagsasaka kahapon!                

            Aba! mas malala pa tong nararamdaman ko ngayon kumpara nung lumalaban pa ako sa mga competition a.

            At least pag sumasali ako sa competition, I've voluntarily signed for it. Alam ko kung ano ang pinapasukan ko. Hindi katulad ngayon na para akong isda na inalis sa tubig at itinambog kung saan.

             At ang bruhitong lalake, dumating lang ang ex niyang hipon, nakalimutan na ang lahat! Mula ng ihatid ang hitad sa bahay nito, hindi pa ito nakakabalik.

            Ano kaya ang ginagawa nila at hanggang ngayon ay wala pa si Grey?

           Some images of Grey and that hipon girl flashed on my mind!

            Erase!

      

                      Erase!

        

                                 Erase!

             Ang kulit din nitong utak ko! Sinabi na ngang wala akong pakialam kahit ano pang gawin ni Grey ano.

             Care ko ba sa kanya??

             Asus! tudyo ng sutil kong utak.....

             Wala daw ba talaga akong pakialam???? Promise????

              Heh! shut-up! makatulog na nga.. hmpppp....

______________________

        

             Kahit sobrang sakit pa ng katawan ko, pinilit kong bumangon ng maaga. In-alarm ko pa kaya yung dalawang cp ko makatiyak lang na magigising ako. Aba! mahirap na! baka pasukin na naman ako ng bruhitong iyon at magka-part two pa yung eksena namin kahapon.

             So ngayong umagang  ito, pupunta daw kami sa market para bumili ng stocks para sa ranch house.

              Duh! piece of cake lang tong gawain na to. Nung nasa mansion pa kaya dati e lagi akong nagvovolunteer kay yaya na mamili ng groceries sa supermarket

                Akala niya siguro e mapapahirapan na naman niya ko.

               Ang inis ko lang, kailangan talagang ganito kaaga? Aba, may bukas na bang supermarket ng 6:00 am?

__________________

                Habang daan ay tahimik lang kaming dalawa, wala kaming kibuan.

                Medyo nakakailang na nga ang katahimikan so I decided to open the cd player of his pick-up. Ngunit agad niya akong pinigilan.

             "Pwede ba huwag kang galawgaw?!" saway  niya sa akin.

              "Duh! galawgaw agad! Hindi ba pwedeng nabored lang kaya magpapatugtog ng music!" I rolled my eyes.

              "Ayokong nakakarinig ng music kapag nagpapatakbo ako ng sasakyan! nadidistract ako!" angil pa din nito.

                 "Fine! Kung ayaw mo, wag mo! Hindi mo kailangang sumigaw!"  humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. Inuubos talaga ng lalakeng ito ang lahat na hinahong baon ko!

Turuan ng leksyon, babaeng matonWhere stories live. Discover now