Chapter 1

20 1 0
                                    


"Mommy.. daddy, gumising na kayo, hindi nyo kami pwedeng iwan ng ganito, mom sabi mo marami kapang ituturo sa akin, sa amin.. Mom, wake up please... Daddy, ikaw din gumising ka dad, tatalunin kapa namin sa laban, dad naman please...mommy.. daddy.."

*toot..toot..toot..toot

"No!! Mommy... mommy hindi to maari,
daddy daddy..."

###########

Ambers Pov

Ilang taon ang nakakalipas ng mawala sa amin ang parents namin.

Masakit. sobrang sakit para sa akin at sa mga kapatid ko ang mawala sila.

Si daddy na parati kaming pinagtatanggol kay mommy kapag pinapagalitan kami dahil sa mga itsura naming sobrang dungis kapag sinasanay kami ni daddy sa mga self defense technique nya, na para sa aming mga anak nya ay isang laro lamang.

Si mommy na palaging nag aasikaso sa amin tuwing bago pumasok sa school at maging sa bago kami matulog. Si mommy ang mga nagtuturo sa amin kapag may hindi kami maintindihan na lesson, si mommy din ang naging teacher namin sa mga advance lesson namin. Kaya nga nasa honor kaming magkakapatid.

Nakaharap ako ngayon sa isang litrato na nakadisplay sa side table ng kwarto ko. Picture naming anim yun.

Ako, si mom si dad at ang tatlo ko pang kapatid.

Mga ngiting hindi kayang tumbasan ng salapi.

Mga ngiting may pagmamahal sa bawat isa.

Ngunit ang mga ngiting ito ay naglaho na.
Dahil sa isang matinding trahedya na dumating sa buhay namin.

Trahedya nagpabago ng takbo ng buhay namin.


Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakapikit. Yakap yakap ang aking unan.

Sumasagi pa rin sa isip ko ang araw na iyon.

Araw na iniwan kami ng mommy at daddy namin.

*tok toktok tok!


Napadilat ako ng marinig ko na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko, at oo kilala ko kung sino ang kumakatok.

Sya lang naman parating kumakatok sa kwarto ko ng alanganing oras.

pero bago pa ko makapagtanong kung ano ang kaylangan nya ay agad bumukas ang pintuan.

"Amber, waaaahhhh amber.." dali dali syang tumakbo sa pwesto ko at yumakap. Nanginginig sya.

"Oh! ano nanaman yun? " taas kilay kong tanong sakanya.

"Amber, dito nako muna matutulog sa tabi mo ha..kasi may kumakalabog dun sa kwarto ko eihhh.." paliwanag naman nya sakin

Siya si Andy, ang bunso sa aming mag kakapatid. 19 years old na sya. Oo tama kayo, matanda na sya pero parati syang ganyan..Natatakot sya multo. Kahit na ilang beses kong sabihin sa kanya na hindi nag eexist ang multo.

Kakabasa nya un ng mga horror story.

Basa ng basa ng mga katatakutan, tapos matatakot kapag may narinig na kalabog.

Tuwing matatakot sya, lumilipat sya dito sa kwarto ko..

"hay naku! chineck mo ba kung saan nanggaling ung kalabog? baka naman pusa lang yun at nakikidaan lang sa bintana mo" sabi ko sakanya at akma akong babangon mula sa pagkakahiga ko ng mapansin kong tulog na ang kapatid ko.

The Four SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon