Chapter 6

7 1 0
                                    

Amber's Pov

Lumipas ang isang linggo na naging normal naman ang lahat sa amin,

Gigising sa umaga, kakain, gagayak, papasok, uuwi at kakain at matutulog. Yan ang nging routine ko sa loob ng isang linggo.

At ngayon ay day off ko na sa wakas. Wala akong pasok ng sabado at linggo dahil wala namang pasok ang mga estudyante ng ganitong araw.

Hay ang sarap lang matulog ng di ko inaalala ang pag gising ng maaga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong naka takda kong gawin ngayon araw.

Dadating pala ulit si uncle shin ngayon, may importante daw syang sasabihin sa amin.

Bumangon na ako mula pag kakahiga ko, dumirecho na ako sa banyo upang maligo, wala naman akong lakad ngayon pero nakasanayan ko na rin maligo pagka gising ko. Pakiramdam ko kasi amoy higaan ako, kahit na alam ko namang mabago ang kama ko.

Ngunit pa man ako makapasok sa banyo ay biglang tumunog ang phone ko.

Unknown number. Sino naman kaya itong tumatawag na ito.

"Hello?" sabi ko

Pero hindi naman sumagot ang nasa kabilang linya. "Hello? sino to?" wika ko ulit. Ngunit wala namang nagsasalita sa kabilang linya, huni lamang ng sasakyan ang tangi kong naririnig. Posibleng malapit sa kalsada ang tumatawag.

toot toot toot. Nag call ended na. Sinong sira naman tong tumawag na ito, ay ako pa ang napag tripan sa ganitong kaaga ha.

Hinayaan ko na lamang, hinagis ko nalang sa malambot kong kama ang phone ko at kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok na ako sa banyo.

"Ashley nasaan ang kambal mo?" tanong ko sa kapatid kong cold ng abutan ko ito sa sala nanunuod ng tv.

"Grocery" tipid nitong sagot sakin. Aish! napaka tipid nya talagang magsalita, akala mo ba ay may bayad ang pagsasalita.

Hindi ko na lang sya pinansin ulit, nag direcho na lang ako kusina upang kumuha ng cake at tea.

Narinig kong may dumating na sasakyan. Marahil si Uncle na ung dumating.

Dala ko ng cake at tea ko at pabalik na ako.sa sala para dun kumain.
Nakita ko naman si Ashley at Andy na sumalubong at nagmano kay Uncle.

"Hi Uncle, nag breakfast kana po? " bungad kong bati dito

"Weee! ang dami naman nito uncle" ani ni andy habang kinukuha ang dala dala ni uncle.

Pizza at isang bucket ng chicken joy ang dala nya. Na ngayon ay dala dala ng bunso kong kapatid

Favorite nya kasi ang pizza.

"Yes dear,.dumaan ako kanina sa fastfood" nakangiti naman nitong sagot sa akin.

Si ashley at andy naman ay nagtungo na ng kusina, para ihain ang pasalubong ni uncle.

"So, anong feeling bilang isang librarian sa school na iyon? " napansin kong umupo ito sa sofa malapit sa akin at kinuha ang remote ng tv. Pinalipat lipat nya ito na tila ba may hinahanap syang palabas na gusto nyang panuorin.

"Hakone University," mahina kong tugon.

"Okey naman po, mejo boring minsan kasi ang tahimik lang sa library. Bawal mag chikahan ng magchikahan." dugtong ko pa

Patango tango lang si uncle habang naka ngiti at naka tingin pa rin sya sa tv.

"Ahm ano po ba ung sasabihin nyo uncle?" tanong ko dito,saka ko sinundan ng pagsubo ng cake.

Biglang nag seryoso ang mukha nya. Galit ba sya? Bigla syang tumingin sa akin na para bang ang lalim ng iniisip nya. Naka drugs ba tong si Uncle Shin?.

Maya maya naman ay dumating na rin si Ashtine at may bitbit na groceries. Napansin nya naman agad kami ni Uncle, kaya binati nya naman kami ng isang matamis na ngiti.

Ang kambal ni Ashley na ibang iba sa kanya. Si Ashley akala mo sinukluban ng langit at lupa sa pagiging poker face nya at ito namang kambal nya ay punong puno na buhay ang mga mata.

Kumaway nalang sa amin si Ashtin at dumirecho na rin sya sa kusina.

Sya namang dating ng dalawa kong kapatid na may bitbit na pagkain at juice.

Muli akong sumilay kay uncle, naghihintay pa rin ako ng sagot nya sa tanong ko.

"Kids, alam kong ito na ang tamang oras para  sa pagkilos nyo, alam kong handa na rin kayo. Sana nga ay handa na kayo." seryoso sabi ni uncle sa amin ngayon.

"Alam nyo naman siguro ang dahilan kung bakit ko kayo pinag enroll sa ekswelahan na yun kahit alam kong mabobored lang kayo sa mga tinuturo nila dun, dahil napagaralan nyo iyon" Ani nito

Patango tango naman kaming tatlo sa kanya habang kumakain at nakikinig sa sinasabi nya.

"Amber, pag butihan mong mabuti ang pag mamasid sa loob ng library." seryoso syang nakatingin sa akin ngayon.

"Opo, sa ngayon ay wala pa naman akong napapansin na kakaiba" sagot ko

Yun naman talaga ang totoo, wala pa namang kakaiba akong napapansin sa loob ng library na yun.

"Ashley, after two weeks magdedeploy ang mga professor sa Hakone Corp. Kukuha sila ng mga estudyante mula tertius, upang makatulong sa kanila sa mga tao nila sa loob ng kumpanya." sabi ni uncle na nakatingin ngayon sa kapatid kong cold.

"Parang ojt?" sabi ni andy na may ketchup pa ang pisngi. Ang kalat kumain. Tss!

"Parang ganoon na nga," sagot ni uncle kay andy.

Tumango lang naman si ashley,

"Anong gagawin ni ashley sa loob ng kompanya ng mga hakone kung sakaling mapasama sya sa idedeploy dun?" tanong ko.

"Spy. " matipid na sagot ng kapatid kong cold sis.

Napa pokerface naman ako, bakit hindi ko nga naman naisip na yun ang Isasagot ng isang to sa tanong ko na yun. Arrg!! Matalino rin naman ako ahh, pero.minsan umiiral din naman ang pagiging slow ko. Nak nang teteng, tao rin naman ako. Tss!

"Yup! Spy nga, magiging espiya ka sa loob n kumpanya nila, ang mga tao at mga bagay na dapat nating malaman ay pilitin mong makalap sa loob ng kompanya ng mga hakone" sabi ni uncle.

"Uncle, friends na nga pala kami ng anak ni Mr. Ichiko" sabi ni andy habang siyang siya sa pagkain.

"Very good baby, just do your part and be careful always ha." ginulo gulo naman ni uncle ang buhok ni andy na kala mo ba isang alagang tuta. cute na tuta.

"Uncle, Thanks!' mahina kong sambit. Na sya namang kinalingon sa akin ni uncle. Mahina man yun ay sapat na para marinig nya ang pasasalamat ko. Sinagot nya lang ako ng isang ngiti na nagsasabing Ur-Welcome-Amber.

Chapter 6 End

A/N

Mga papi sana nagustuhan nyo ung ud ko, kahit na hindi mahaba,

Nagegets nyo ba ang storya?

Wag mahiyang magcomment para sa reaction nyo.

Dont forget vote. Hehe..



The Four SistersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang