Chapter 5

9 1 0
                                    

Amber's Pov

Sa wakas nakauwi na rin ng bahay.

Nagcommute lang ako pauwi dahil hindi daw kami masusundo ni Ashtin. Nagpasundo kasi si Uncle sa airport. 

Naunang umuwi sa akin ung dalawa, inabutan ko sila sa sala na naglalaro nanaman ng mga online games.

Walang kasawa sawa kala mo ba hindi mga estudyante itong dalawa na ito. Iisipin mo mga tambay lang sa kanto at walang patutunguhan.

"Hi Sis" bati ni andy sa akin. "How's your day?" sunod nyang tanong sa akin.

"Ayun nakakapagod rin pala maging librarian" sabi ko dito, sabay hagis ng bag ko sa sofa at sabay upo.  Inaalis ko ang heels ko at hinimas himas nag paa. Medyo nangalay ako sa suot kong sapatos.

"Ikaw Ashley? Anong kwento?" tanong ko kay ashley na nakatuon ang atensyon sa laptop nya.

"Bridgette Ishiko, Section Daffodil" ani nya.

"ha? ang layo naman ng sagot mo sa tanong ni amber." wika ni andy ng hindi man lang matigil sa pag pindot ng cellphone nya.

"18 years old, anak sya ng share holder sa Hakone Corp." sabi ni ashley patuloy pa rin syang nakaharap sa laptop nya habang kinakausap nya kami.

"Yup! at classmate ko sya" sabi ni andy na huminto na sa pag cecellphone at tumingin na sa akin."Sya ung nanghiram ng book kanina sayo amber" dugtong pa nito.

Ahh okay. So obvious naman na sya ang isa sa mga target namin sa school na yun. Hindi na lang muna ako nagsalita at nakinig na lamang ako sa sinasabi ng dalawa, habang patango tango.

"So anong plano?" tanong ko sa dalawa.

"Friendly naman akong tao, kaya ako nalang muna bahala sakanya" sabay kindat pa ni andy sa akin habang nakayakap sa kanyang tuhod.

Aish! Hindi ko pa rin maiwasang mag alala para sa bunso kong kapatid ko. Pero ito ang kelangan naming gawin, ang magtiwala sa kanila at ingatan sila.

"Ikaw Ashley wag mong pababayaan si Andy ha"bilin ko dito.

Tumangon na lamang ito sakin bilang sagot nya sa akin.

Oras na kumilos na si Andy, si Ashley ang naka tokang magbantay kay andy sa school. Alam kong kaya nyang diskartehan yun kahit na magkaiba sila ng building at year. Ibang klasi naman tong cold sis ko na ito kaya may tiwala ako sakanya.

Tumayo na ako sa pag kakaupo at kanina ko pa gustong maligo.

Paakyat na ako ngayon sa aking kwarto. 

Maya maya pa ay narinig ko ng dumating sila Uncle at si Ashtin.

Mamaya na lang ako baba, napagod talaga ako. Gusto ko munang umidlip kahit na saglit. 5:30 palang naman.

Unti unti ng nagdilim ang paningin ko.

Ashtin's Pov

Sinundo ko si uncle shin sa airport kaya hindi ko nasundo ang mga kapatid ko sa eskwelahan kanina. 

Kadarating lang namin ngayon ng bahay. Pag bungad palang namin ni Uncle Shin sa pintuan ay sinalubong na agad kami ni Andy.

Ang childish kong bunso. Kung sa bagay sya ang bunso eh. 

Matamis na ngiti ang binigay sa akin ng kapatid ko at humalik sa pisngi ko.

Ganon din namana ng ginawa nya kay Uncle, mabilis syang lumapit dito para magmano at humalik sa pisngi.

"Uncle Shin, buti naman at naalala mo kaming bisitahin po, Namiss ko po kayo" matamis na pagkakasabi ng kapatid kong si Andy kay uncle.

"Syempre namiss ko rin naman kayo, lalo na ikaw bunsoy" ginulo ni uncle ang buhok ni andy.

The Four SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon