Chapter 4

4 1 0
                                    


Amber's Pov

Aish! bat kasi kelangan ko pang magpunta ng faculty, bakit ba kasi hindi nalang yung system nila ang maglabas ng result kung saan ako iaasign na building.

Mabuti pa yung dalawa alam na agad nila kung saan sila naka building at kung anong section sila.

Syempre! mga hacker eh.

Samantalang ako, andito ngayon naglalakad sa gitna ng init, at hinahanap kung saang faculty ung sinasabi ni manong guard.

Faculty for Librarian

Siguro ito na yung tinutukoy ni manong guard.

"toktoktok!" kumatok ako sa pinto, saka dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip kung may tao.

"Yes ano yun iha? pasok ka" sabi ng isang matandang babae.

"Ah eh, itatanong ko lang po sana kung saan po ba ko pwede magtanong kung saan akong library maaasign"wika ko.

"Ah, ikaw ba ung bagong librarian?" tanong nito, mejo inayos nya pa ung salamin nya habang kinikilatis ako ng matanda na ito. Alam kong maganda ako, kaya hindi ako dapat mailang sa babaeng matanda na ito. Ngumiti na lamang ako at tumango.

"Okay, sandali lang at ichechek ko kung saan kulang ng librarian." ani nito. Tumango nalang ako.  At hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"Anong pangalan mo?"tanong nya sakin

"Ambross Felix po"sagot ko.

"Iha sa Secundus Building ka mapupunta, sa building ng mga second year." ani nito.

"Aah,sige po maam.. salamat po." wika ko

aktong aalis na sana ako ng bigla syang nagsalita ulit.

"Mag iingat ka iha, dahil ang building ng mga ang syang pinaka nakakatakot kumpara sa ibang building." sabi nito.

"Ahm, ano po bang ibig nyong sabihin"tanong ko dito. Pero bigla na lang nya kong tinalikuran at bumalik sa ginagawa nya kanina.

Weird! Anyway. Wala akong pake kung anong kadelikaduhan ang pinagsasabi ng matanda na ito. Isa pa okay nga sa building ng secundus ako naassign,makikita ko ung kapatid ko.

Tuluyan na akong lumabas ng faculty. At nagtungo sa second year building.


Ilang minuto ng nakalipas ng makarating ako dito sa secundus library.

 Eto na ko at nag aayos ng mga libro at nag aalis na alikabok sa mga libro, halatang mejo matagal din hindi nagamit ang ibang mga libro dito sa parteng dulo, may mag boxes pa na di nabubuksan ang nakasalansan sa parteng sulok.

Siguro nga, dahil matagal din naka sara ang university na ito.

Ang eskwelahang ito ay ang dating sikat na sikat sa pangalang Ashford University.

Ngunit pinasara ito ng ilang taon.

At ibang company na ang nag mamay ari.

Kaya naging Hakone University ito. At ginawang exclusive for girls only.

Hindi na kagaya ng Ashford University na kahit sino ay maaaring mag aral dito.

"Ambross, pag katapos mo jan maari mo bang isalansan sya itong mga libro na nakabox pa? salamat. " tinig ni Cess

Sya si Princess Cuevas, ang isa mga librarian dito.

Sya ang makakasama ko ditong magbantay.
Last year pa sya nandito, bago pa ipublicize ang muling pag bubukas ng school na ito, at bago tuluyang ibukas ulit ang school na ito, ay open ang library sa lahat ng estudyante na gustong mag research at sa school na walang library na malapit dito, ay maaring gumamit nitong library pero hindi sila allowed mag uwi ng hiniram na libro.

The Four SistersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora