Chapter 2

13 1 0
                                    

Amber's Pov

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon. Saan ako pupunta? Kundi sa bago kong trabaho. At oo may bago akong trabaho.

"Amber ang tagal tagal mo naman hindi kapa ba tapos jan! Shit! ano ba Ashley, nasaan kana ba?" reklamo ng makulit kong kapatid na si andy habang naglalaro ng Rule of Survival, 

"Sorry" malamig na sabi ni Ashley. Oo silang dalawa ngayon ay nandito sa kwarto ko at hinhintay nila akong matapos sa pag gayak ko. At dahil makupad akong gumayak, naiinip na sila kaya naglaro muna sila.

"Oo na matatapos na, baby wag ka ng makulit jan. Dinadaya mo lang naman yung mga kalaban nyo eh"wika ko dito. 

Paano ba naman, hindi ko sasabihin na dinadaya nila. Eh itong dalawa na to, mga cheaters. Kung ano anong cheats ang nalalaman sa mga laro. Kaya nga mabilis silang magsawa sa mga laro.

"Amber, maganda ka na at di mo na kelangan pa mag ayos ng sobrang tagal, isa pa wala namang  magkakagusto sayo dun eh,  All girls kaya ang school na yun." ani ni Andy na syang ikinataas ko naman ng kilay. Nilapitan ko ito at humarap ako sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, na ipinag taka nya. Pinisil ko ang kanyang pisngi. "Araaayy ouuchh"daing ni Andy.

"hahaha yan ang bagay sayo, kung ano ano iniisip mo jan" sabi ko dito habang di pa rin inaalis ang kamay ko sa pisngi nya.

"oo na araaay tama na, nakakasakit kana ha" ani ni Andy.

"Aray!! " sigaw ko. Bigla nalang may lumanding ng unan sa ulo ko. At kahit paano ay masakit din yun. Nang tignan ko kung saan yun nang galing. Walang iba kundi kay Ashley.

"Para san yun?" tanong ko. "Papatayin kita kapag natalo kami" seryosong ani ni Ashley sakin.

Ano? dahil lang sa laro mapapatay ako? matatapos agad ang buhay ko dahil lang sa paglalaro nila? Arg! ang weird din ng isang to eh. Sarap batukan. Ate pa rin kaya nila ako. Tsss!

"Tara na nga, bago ko pa kayo pag untugin dalawa, hala! mag si labas na kayong una." wika ko sa dalawa at sumunod ang mga ito.

Muli ay humarap ako sa salamin kung saan kita ang buo kong anyo

Kahit paano ay bumagay sa akin ang uniporme nila. Ang sexy ko talaga.

Wala namang sigurong makakilala sa amin sa lugar na iyon. Dahil ilang taon na rin ang lumipas at nagdalaga na kaming magkakapatid ng husto. Ibang iba ang itsura namin ngayon kesa nung bata pa kami.

"Ambeeeerrrrrrr!!!!!" sigaw nila. "Oo na....." sigaw ko rin sakanila.

At bago ko tuluyang lumabas na kwarto, hinalikan ko muna ang family picture namin na nakadisplay sa side table ko.

Mom Dad, See you later.

At saka ko dali dali ng lumabas ng kwarto.



---

Andy's Pov

Nandito kaming apat ngayon sa harap ng isang sikat na university.

"Hakone University" rinig kong bulong ni Ashley.

Itong ate ko na to na napaka cold, minsan na lang magsalita, kundi maikling word, matatakot ka naman sa sasabihin nya. Aish! bat ba parang ang weird ng lahi ko. Buti nalang lahat sila ay maganda hindi nakakahiyang ipagmalaki na ate ko silang tatlo, at ako rin syempre. Maganda ako at matalino. Yun ang parating sinasabi ni Amber ni sakin. Matalino daw ako, nagmana daw ako kay mommy sa katalinuhan,,kami daw ni Ashley. Pero hindi naman sa bobo si Amber at Ashtin, matalino rin naman sila. Yun lang meron daw talagang talent si mommy na kami lang ni Ashley ang nakakuha. Ang pagiging hacker.

The Four SistersWhere stories live. Discover now