Chapter 8

5 0 0
                                    


Amber's Pov

Papunta ako ng mall ngayon, tinawagan ako ni Cess. Samahan ko daw syang bumili ng regalo para pinsan nya.

Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pumayag na kong makipag kita sa kanya at samahan din sya.

Nakarating na ko sa parking lot ng mall.
Kinuha ko ng phone ko sa bulsa ko para tawagan si Cess, ang sabi nya sakin ay magkita nalang daw kami sa food court

"Hello Cess, andito na ako sa parking lot, nasa foodcourt ka na ba?"  wika ko

"Malapit pa lang ako, pasensya na ang traffic kasi ehh..." aniya,

"Ok no problem, wait nalang kita sa food court, just text me if you already here na Bye!" wika ko sakanya. Umoo naman sya kaya binaba ko na ang tawag ko.

Naglalakad na ko papasok sa mall,

Nakasuot ako ng jacket na hanggang pwet ko ang haba.
Naka black short na maong
at naka highcut ako na korean shoes

Maganda naman ang legs ko kaya malakas loob ko na magsuot ng short na gaya nito.

Isa pa, kahit wala akong sa korea. Yung mga pormahan nila ay gusto ko.

Nakasuot din ako ng malaking salamin, hindi naman malabo ang mata ko, pero trip ko lang talagang mag suot ng salamin.

Isa pa, kapag pumapasok ako ay suot suot ko naman na talaga ang salamin ko na ito.
Sabihin na nating, simpleng pag didisguise.

"Miss, sumama kana samin" narinig kong sabi ng lalaki,

Akala ko naman ako ang kausap. Nang nilingon ko yung nagsalita, ay iba pala ang kausap nya.

"Bitiwan mo ako, sino ba kayo ha" masungit na sigaw ng babae, habang nagpupumiglas.

Hawak hawak sya ng isang lalaki sa braso, ay pinipilit syang pasakayin sa isang van na puti.

Wala akong balak silang pansinin.  Kaya lang ang ayoko ko sa mga lalaking walang respeto sa babae.

"Wag ka ng pakipot miss, sumama kana sa amin kung ayaw mong masaktan" wika ng isa pang lalaki na may tattoo sa batok

May tattoo na butike?? ang panget naman ng tattoo nga.

"Tulong!! Tulong!!" sigaw ng babae na hinaharasa nila.

"Miss tulong!! tulungan mo ako, hindi ko sila kilala, " sabi ng babae sa akin.

"Aish! Tss! Ang ingay mo!" biglang sinampal ng lalaking may tattoo sa batok yung babae.

Walang respeto! Nakatingin pa rin ako sa kanila. But this time. Nakakuyom na ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ba ay gusto kong manapak ng mga panget!

Napansin ko na lang na lumalakad na pala ako palapit sa kanilang tatlo.

"Miss, wag kang makiealam dito!" maangas n sabi ng isang lalaki na kasa kasama ng may tattoo.

Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pag lalakad papalapit sakanila.

"Bitiwan nyo sya!" Malamig kong sabi sa dalawa

"Miss, wag mo kaming pakielaman kung ayaw mo---"

Hinawakan ko ang braso ng lalaking may hawak hawak sa braso ng kaawa awang babae.

"Sabi ko bitawan nyo sya! Bingi ba kayo!!!!" malakas mong sigaw sa mga ito, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Bago pa man sila makakilos ay agad ko ng pinalipit ang kamay ng lalaking sumampal sa babae

"Aaarayyyy aa-raa-ayy" daing lalaking may tattoo

"Takte!"narinig kong sabi ng kasama nya pang lalaki akmang susugurin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Four SistersWhere stories live. Discover now