Two: Caught Staring

169 8 11
                                    

Naghiyawan sila ng nalaman nila na may crush sa akin si Cyrus.

"Ayie! Oh, eto na," pina-ikot ni Sara ang bote at tumutok ito kay Billy at Mariah.

"Okay, Billy, Truth or Dare?" ngising tanong nito sakanya.

"Uhh...Dare." sagot nito. "Aba, matapang ah!" ani naman ni Edward, ang isa naming lalake na kaibigan.

"Okay, I dare you to kiss someone in this circle." aniya na ikinagulat namin. Napansin ko na bilog ang mata nito. "H-Ha?! Iba nalang..."

"Sus. Gawin mo na! Or else you'll receive a punishment..and, the punishment is, You have to kiss someone on the lips, Boy or Girl." ngisi nito.

Grabe!

Walang choice si Billy at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Pagkatapos nun ay may humawak sa buhok ko,"Haba ng hair mo, girl!" ani Sydney na Half Chinese Half Filipina.

Bumaba nalang ako ng tingin. "Okay, paikutin ang bote!" utos ni Sara. Umikot ang bote at tumutok ito sa akin at kay Eduard.

"So, Truth or Dare, Mica." binigyan niya ako ng evil grin.
Anong balak nito?

"Uh.. Truth."

Shit! Bakit truth?! Baka kung anong tanungin..

Ngumisi siya. "Totoo ba ang sabi-sabi na nag-date daw kayo ni Jeremy?"

Namilog ang mata ko sa tanong niya. "Ano ba?! Diba sabi-sabi lang nga daw!" ani Sara habang sinusubukan niyang walang makaka-alam ng totoo.

"Hindi. Yes, nag-gala kami na kaming dalawa lang pero, i don't call that a 'date'." tumango lamang sila.

"Okay! Spin the bottle!"

1:01 PM

Habang hinihintay namin ang English teacher namin, magka-sama kaming magka-kaibigan at nagu-usap usap. May biglang dumating, si Teacher Brena, ang aming English teacher.

Bigla naman akong napa-yuko sa lamesa ko nang makita ko si Jeremy, at dahil sa pag-yuko ko, nauntog ako sa lamesa.

Naramdaman ko siya na naka-tayo sa gilid ko. "Bro!" bati ni Edward na katabi ko. Tinaas ko na ang ulo ko pero, bigla naman akong natamaan ng kamay ni Jeremy.

At tumayo ang mga balahibo ko nun at tumibok ng malakas ang puso ko.

Bigla niyang hinawakan ang ulo ko at nag-sorry.

"Ahh. Jeremy, upo ka nga muna diyan, wala pa naman kayong classes diba?" tanong nito.

Bwisit na Edward.

At dahil dun, kumuha siya ng upuan at nilagay sa side ng table namin, magka-tabi kami.

Kasalanan mo 'to Edward!

4:32 PM

Hay, finally! Uwian na at makakapag-pahinga na din!

Dahil tapos ko na ang binabasa kong chapter sa wattpad, nilagay ko ito sa bag ko at napansin na ako nalang pala ang naiwan na tao sa room.

Kinuha ko ang bag ko at tinanggal ang inside slippers then, sinuot si black shoes at dumiretso sa tambayan ko sa school. My secret tambayan. Shh.

Nakikinig ako sa music sa phone ko habang naka-suot sa akin ang headphones ko.

Naka-ngiti akong nag-lakad sa tambayan ko. Nang nandito na ako, umangat ako ng tingin at umikot-ikot sa gitna habang naka-pikit, naka-ngiti at naka-lagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng palda ko.

Binuksan ko ang mata ko at laking gulat ko ay nakita si Jeremy na nasa malayuan, naka-tayo, naka-lagay ang kamay sa bulsa ng jacket niya, naka-headphones din at... Naka-titig sa akin.

______________

Vote, Share & Comment! 💘

The First Guy Who Made Her Fall In LoveWhere stories live. Discover now