Eight: McDonald's

94 6 0
                                    

Uwian na ng lahat ng estudyante sa school at hinihiling ko na sana hindi nanaman ako maiiwan kasama si crush.

Pumunta ulit ako sa tambayan ko kasi ayaw ko pang umuwi, at nakita ko siya. "Nandito ka nanaman?" tanong ko at tumawa siya ng mahina.

"Syempre. Tambayan ko din dito at hinintay talaga kita." napa-tawa ako ng mahina.

"Okay, okay, anong gusto mong gawin ngayon?" tanong ko.

"Explore." aniya. "Explore what?" tanong kong naka-ngiti. "Gumala." nginitian niya ako.

"Tss. Sige na nga." sabi ko at umalis kaming dalawa sa tambayan namin. Nakita ko si Natalia sa labas ng school gate.

Huminga ako ng malalim at naglakad ng normal. "Bilisan natin." bulong ko kay Jeremy at tumango siya. Nang nasa labas na kami ng school, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa ng mabilis.

Nasa waiting shed na kami at hinihingal pa. Tinignan namin ang isa't-isa at tumawa na parang baliw.

May dumating na bus at pinara niya ito. Pumasok kaming dalawa at nakita na puno. Bababa na sana kami pero biglang umandar yung bus kaya wala kaming ginawa kundi tumayo.

Nakahawak siya sa hawakan at nasa harap niya ako, bigla namang huminto yung bus kaya nagkadikit kami. "Humawak ka nga sakin." ang sabi niya at tinignan ko siya, napatawa siya ng mahina. "Hindi mo abot yung hawakan diba?" tanong niya at tumango ako. "Hawakan mo nalang ako." ang sabi niya.

Napatulala ako. Am i dreaming? Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at nilagay sa waist niya at namula ako kaya tumingin ako sa gilid ko.

Ayaw ko ng magising kung panaginip 'to.

Nag-preno nanaman ang bus, humigpit ang hawak ko sakanya bigla. Hinawakan naman niya agad ang likod ko at dinikit niya ako sa katawan niya. Naging kamatis yung mukha ko.

Jeremy's POV

Nang hinawakan ko ang likod niya, nakita ko na namumula siya at pinagpapawisan at napa-ngisi ako bigla. Ang cute kasi niya, ang sarap panggigilan.

Mica's POV

Nang nakarating kami sa destinasyon namin ni Jeremy na sa sasakyan, naramdaman ko ang gutom ko.

"Gutom ka na ba?" tanong niya. How did he read my mind?

"Pa'no kung gutom nga ako?" tanong ko pabalik at tinignan siya habang kami'y naglalakad papapunta sa mga Taxi. "Edi bibilhan kita." nakita ko ang maliit na ngiti niya.

"Why are you being so nice to me?" tanong ko. He shrugged his shoulders.

"Napapansin ko na, nagiging gentleman ka sa'kin masyado." ang sabi ko.

'Di ko namalayan na nandito na pala kami, pinag-buksan niya ako ng pinto at sumakay ako at sumunod siya.

"Sa'n po tayo?" tanong ng driver. Sinabi ko kung saan at pinaandar na niya ang kotse.

After a few minutes, naka-rating na din kami. Ilalabas ko na sana ang wallet ko nang pinigilan ako ni Jeremy. Nilabas ko parin ang wallet ko.

Bigla siyang napa-tingin sa akin. "Ano? Wala 'no?" tanong kong naka-ngiti at tumango siya.

Pagkatapos kong magbayad, bumababa kaming dalawa at pumasok sa isip ko na nagugutom nga pala ako.

"Gutom ka?" tanong ko sakanya. "Libre sana kita,e." ang sabi niya.

"Wala ka naman nang pera. Ako nalang manlilibre." ngiti kong sabi.

Nasa McDonald's kami ngayon at kumakain, tinititigan ko lang siya habang sumusubo sa pagkain ko.

"Ganyan ka pala kumain 'pag gutom ka." tumawa ako ng mahina at sumubo ulit.

Kumuha ako ng fries at sinawsaw sa ketchup. Tumingin ako sakanya at naka-titig siya sa labi ko tapos tumingin sa mata ko.

Lumapit siya at pinunasan ang dumi sa labi ko.

The First Guy Who Made Her Fall In LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin