Thirty-three: Sila.

45 6 0
                                    

"Mica, bakit ka nagpapapa-pasok ng lalaki sa bahay?" tanong ni mama.

"Ma, may sasabihin pala ako.." aniko. "Ano?" tanong niya.

"Ma, boyfriend ko si Jeremy." aniko at tinignan ang ekspresyon ni mama, mukhang wala naman siyang problema dahil naka-ngiti siya.

"Lika na, pasok na tayo." aniya.

Pagkapasok namin, nakita kong nginitian ni mama si Jeremy. "Ikaw ba si Jeremy?" tanong ni mama.

Tumayo agad si Jeremy at ngumiti. "Opo, ako nga po. Ang boyfriend ng iyong prinsesa na si Micaella Bautista." aniya, bigla niyang itinaas ang kanang kamay niya. "Pangako po na hindi ko sasaktan ang anak niyo gaya ng pag-sakit sakanya ng Ex-boyfriend niya." aniya at ngumiti.

Naka-ngiti naman si mama, parang bilib siya. "So, my ex-boyfriend ka na pala, Mica?" ani mama at tumango ako. "Opo ma, sorry 'di ko nasabi sainyo." aniko.

"Ayos lang. Sino nga pala yun?" tanong niya ulit. "Si Marky, ma." sagot ko.

"Ah okay. May balita pala ako, muntik ko nang makalimutan." ani mama. "May party sa bahay ng family friend natin." aniya.

Sinong family friend?

"Ma, sinong family friend?" tanong ko. "Ang pamilyang Gonzales." aniya.

Gonzales? Don't tell me it's Natalia Gonzales.

"Kaklase mo yun anak, si Natalia. Diba Gonzales siya?" tumango ako.

WHAT?!

"Ma, kailan yun?" tanong ko. "Sa Sunday." sagot ni mama.

It's Wednesday today.

"Uhh, ma? May lakad kasi kami ni Jeremy sa Sunday." aniko. "Ganun ba? Diba sabi ko bawal mag-gala 'pag Sunday?" aniya.

"Ma...may...uhm." ano bang ie-excuse ko?

"Tita, may group meeting kasi sila sa Sunday. Sa Saturday po kasi, may klase kaya po sa Sunday sila maggrou-group meeting. Kasama na din po ako para hindi siya mag-isang umuwi dito." aniya at nginitian ko siya, ngumiti siya pabalik.

"Ah okay pala. Pwedeng...mag-stay ka muna dito, Jeremy sa Sunday. Kasi baka anong oras na akong umuwi, eh." ani mama at tumango si Jeremy.

"Ma, ingat ka dun, ha." aniko dahil bigla akong nag-alala nung sinabi niya na baka kung anong oras na siya umuwi.

I

"Oh, Jeremy, 'wag ka mahiya ha? Kain ka lang." ani mama. Kahit kailan talaga, napaka-friendly ni mama.

Tinignan ko naman si Kuya na kanina pa tinitignan si Jeremy ng masama. Paano magiging komportable ang tao kung ganyan ang pagtitig sakanya?

"Kuya naman eh, paano magiging komportable si Jeremy dito kung ganyan mo siya tignan." aniko.

"Ikaw talaga, 'wag mo kasi tignan ng ganyan yung tao." biglang sambit ni Ate Rica.

"Hay nako kayong mga magkakapatid, magdasal na nga tayo at makakain na." ani mama.

Ako ang taga-dasal dito kaya nag-dasal na ako.

"Bless us oh Lord in this thy gift which we are about to receive from thy bounty through Christ, our Lord. Amen."

Then, we started eating.

II

"Sige, Jeremy, ikaw nalang magba-banlaw, ako yung maghuhugas." aniko.

I went in my room to get my hairtie then went back in the kitchen with my hair already tied in a ponytail.

Napansin kong, naka-titig lang sakin si Jeremy. "Oh, bakit?"

It's when i realized...

YUNG PIMPLES KO!

"Yup, i know. Dami kong pimples 'no? Siguro naman, turned off ka na." aniko.

"Maganda ka parin kahit may pimples ka." aniya at nag-init ang pisngi ko bigla.

Hinampas ko siya. "Edi wow!" aniko.

———

Habang tahimik kaming naghuhugas, bigla naman siyang kumanta.

"Walang sagot, sa tanong, kung bakit ka mahalaga.

"Walang papantay sa'yo, maging sinuman sila."

His voice is so darn beautiful.

"Kanta ka pa. Ang sarap sa ears." aniko.

"Message ko lang 'yun sayo." aniya at nag-init nanaman ang pisngi ko.

———

"Goodbye, Jeremy...Goodnight." aniko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

His lips brushed on my face then left a peck on my cheeks.

"I love you, Goodnight." he whispered.

Kinalas na niya ang pag-hawak sa mukha ko at tinignan niya ang aking mata. "Sige...I love you, too." aniko.

We held hands. "Ingat ka, ha." aniko. "Yes po." aniya.

Kinalas ko na ang hawak ko sa kamay niya. "Bye~" aniya at nag-lakad na palayo.

———

Mananatili ba silang masaya sa relasyon nila? O may sisira?

Abangan.

AUTHOR: waw may pagenon.

[Updated: 08 15 18 | 22:06 PM]

The First Guy Who Made Her Fall In LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora