Five: Her Savior

113 5 2
                                    

Kakauwi ko lang galing school at dahil gusto ako ihatid ni Jeremy sa bahay namin, edi hinatid na niya ako (Ayie!)

"Bye Mica." kumaway siya habang sinasabi niya 'yon. "Bye din, Jeremy, ingat." nginitian ko siya, and we seperate ways.

Habang nag-lalakad ako sa tahimik na daan, may nakita akong mga lalaki na mukhang nag-aaral pa na nagpapatugtug at naka-tambay sa kalsada. Tatlo silang lahat.

Tumibok ng malakas ang puso ko nang pumasok sa utak ko yung sinabi sa akin ng kaibigan ko. May lalake daw na gusto akong bastusin, kaya nilakihan ko ang mga hakbang ko habang naka-tingin sa ibaba.

Nang medyo malapit na ako sakanila, naramdaman ko na sinusundan nila ako ng tingin, mas nilakihan at mas binilisan ko ang mga hakbang ko.

Nasa harap na nila ako at doon ko naramdaman na tumayo sila at parang lalapit sa akin, may biglang humawak sa balikat ko na kamay kaya napa-tigil ako at umangat ako ng tingin.

Nang makita nila ang mukha ko, may malaking smirk ang pumorma sa labi nila.

"Ganda mo pala." sabi nito. May binulong sakanya yung isang lalake na nasa gilid niya at ngumisi siya.

Bigla niya akong tinulak hanggang sa mabangga ko ang pader na nasa likod ko. He trapped me.

Nang lumapit siya sa akin, doon ko sinipa ang private part niya. Tinignan ko ang dalawang lalake.

Yung isang lalake ay kinuha ang dalawa kong kamay at nilagay sa likod pero, sinipa ko siya ng malakas at nabitawan na niya ang kamay ko. Kinuha ko agad ang kahoy na nakita ko at pinukpok sa natitirang lalake at tumakbo ng mabilis.

Ngunit, may humawak bigla sa balikat ko at agas akong binangga sa pader. Pinatungan niya ang paa ko. "Argh!" i groaned.

"Ano ba?! Masakit!" sigaw ko sakanya habang kumakawala sa mga hawak niya. Nawalan ako ng lakas dahil sa pagpatong niya sa paa ko.

Dadapo na sana ang labi niya sa labi ko pero, may biglang nangyari.

Nawala ang mga hawak niya sa akin at ang paa niya sa paa ko. Minulat ko ang mata ko at nakita si Jeremy na sinusuntok ang manyak.

My savior.

Pero, sinuntok din ito ng lalake kaya nagulat ako. Ngayon, nasa ibabaw na si Jeremy. Kinuha ko agad ang nakita kong pangpukpuk sa manyak na lalake at malakas 'tong pinukpok.

Sinipa ko din ang legs niya at private part niya.

Lumapit ako kay Jeremy at inakbay siya sa akin. "Hindi ako pilay, okay?" biro niyang sabi nang malayo na kami. Tumawa ako ng mahina at kinalas ang pagka-akbay ko sakanya at nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang bahay namin.

Binuksan ko ang gate habang naka-upo siya sa upuan sa harap ng bahay namin.

"Lika na." pinapasok ko siya sa bahay namin pero, umaayaw siya.

"Doon lang tayo sa salas o kaya dito sa balcony lang. Gamutin natin 'yang sugat mo." sabi ko.

"Dito nalang sa balcon." sabi niya at tumango ako.

Pagkatapos kong kunin ang first aid kit at tubig, pumunta ako sakanya at umupo sa tabi niya at ginamot ang mga sugat niya.

Habang ginagamot ko ang mga sugat niya,naramdaman ko ang mga mata niya sa akin.

_______________________

Hi! Author here.
Thank you for reading, make sure na bumoboto kayo!

Salamat pala sa kaibigan kong si YoongiIsMyLifeu at shane_maryjun dahil sa pagsusuporta nila💙 thankies!

Follow YoongiIsMyLifeu & read her story/stories! 💛

The First Guy Who Made Her Fall In LoveWhere stories live. Discover now